CHAPTER 23 : New Gangster Group

16 1 0
                                    

Queenie's POV

"Argh! Hindi ako makawala sa pesteng lugar na 'to!" malakas kong sigaw.

May naririnig akong mga footsteps at alam ko palapit ito kung na saan ako nakatali ngayon.

"Where is she?" dinig kong tanong ng isang lalaki.

"Nasa loob na siya at wala paring malay..." sagot naman nung isa pang lalaki.

"Let's go."

Nakikilala ko mga boses nila. Mabuti naman at hindi rin sila nagtagal. Yumuko muna ako at mga ilang hakbang pa ay nakita ko rin ang lalaking gusto kong makausap.

"She's Queenie Haisley Severenity, anak nina Mrs. Torah Reese Severenity at Mr. Zenith Grae Severenity."

Ang ganda naman ng pagpapakilala sa akin. Well, Severenity naman na ang bago kong pamilya dahil wala ng Beaumont family pero sana sinama nila 'yon. Opps! Hindi nga pala nila alam.

"Anong nginingiti mo diyan Queenie?!" inis na tanong nung lalaki.

"Sa ganitong paraan lang pala kita makakausap at makikita Mr. Tag," tangi kong saad.

Tumingala ako at nakita ko ang dalawang lalaki na magkatabi ngayon. Sabi ko na nga ba.

"What do you mean?" takang tanong ni Mr. Tag.

"Akala niyo ba hahayaan ko kayo na ikulong lang ako rito basta-basta?" matapang kong sagot rito.

I just stood up and both of them showed shock on their faces. Who wouldn't be surprised, they tied me up and then all of a sudden I was able to break free from them, pft.

"How in the world..." pinatigil ko siya sa pagsasalita at sakto ring gumalaw 'yung pesteng lava sa gilid ng kwartong 'to.

"Lava?! The f*ck!" agad nagtungo si Cavin sa kinaroroonan ni Lava at tinanggal ang tali sa mga kamay nito.

"Simple lang naman. Lagi akong prepared, you know in case na may mangyare sa 'kin and to my surprised silang dalawa pa talaga ang gagawa sa 'kin no'n."

Ipinakita ko sa kanila ang isang matalim at maliit na dagger.

"Pagkatapos kong putulin ang tali, pagkarating ni Lava at saka ko siya pinatulog, simpleng atake lang naman sa may batok."

Halatang pinag-iisipan ni Mr. Tag ang mga sinabi ko. Nakikita ko siya, hawak-hawak niya ang kaniyang baba at tinitignan ang buong kuwarto.

"Tinalian ko siya gamit 'yung pinutol ko at saka ko siya nilagay sa gilid. Hindi naman siya masyadong halata, alam ko ako ang una niyong mapapansin. Depende na lang kay Lava kung gagalaw siya at gagawa ng ingay," mahabang paliwanag ko

Agad namang tumingin sa akin si Mr. Tag at ngumiti. Nagtaka naman si Lava at Cavin dahil dito.

"Ilang minuto lang at nagawa mo na 'yon, Iha. Maging ang pagkilos at pananalita mo, hindi nakakapagtaka kung bakit kasama ka nila Crave sa hideout."

Ngumiti naman ako pabalik sa sinabi nito. Mukhang may nalalaman siya, interesting.

"Pinagplanuhan mo ito, tama ba ako Iha?"

"Pft, hindi na rin masama sa isang boss. Tama ka Mr. Tag, pinagplanuhan ko nga ito."

Sabay namang sumigaw 'yong dalawang mag-jowa, "What?!"

"Yeah, at kumagat naman kayo sa plano ko."

"Wait! I didn't f*cking get it!" iritadong sigaw ni Cavin.

"Noong nagpakita si Lava, I already saw you Cavin. The reason why sinabi ko 'yon."

'Yong mga binitawan kong salita sa harap ng mukha ni Lava, akala ko may maiisip siya sa sinabi ko. Akala ko magtataka siya pero hindi, kumagat pa sila sa sinabi ko.

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon