Queenie's POV
"Queenie!"
Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Oh, bakit tulala ka diyan? Ano na naman bang nangyari?"
Napabuntong hininga ako sa tanong ni Heaven. Yeah, si Heaven ang kausap ko ngayon pero nag-uusap lang kami sa video chat. Kasi naman sobranggg boring na ako rito sa kwarto ko.
Ultimo pag bababa ako at pupunta lang ako ng restroom tatanungin pa nila, as in lahat sila tatanungin kung saan ako pupunta. Haynako!
Naalala ko pa si Kieffer. Alam niyo 'yong bigla kang gigising ng alanganing oras sa umaga tapos nagugutom ka? Aba! Pagkababa ko papuntang kusina nakita ko si Kieffer umiinom ng tubig tapos pagkatingin niya sa 'kin ang sama ata ng timpla ng mukha niya. Iniisip niya aalis ako ng hideout! Jusko naman alanganing oras na no'n at saan naman ako pupunta aber?!
Lalo na si Crave! Sheeesh! Nakakakilabot, nasa library ako ng hideout nila. Isipin niyo nagbabasa ako ng libro tungkol sa Legendary Felon, 'yong seryoso kang nakaupo tapos bigla siyang susulpot sa harapan ko. Pagkaangat ko ng ulo ko makikita ko mukha niya may pasa tapos may onting maga sa mukha niya, nanlilisik pa mga mata niya! Madilim pa naman sa lugar na 'yon kaya ayon gising buong kalamnan ko sa ginawa niya.
No'ng na realized kong si Crave 'yon edi binatukan ko ng malakas. S'yempre sa sobrang inis mapapalakas talaga pagkakabatok ko sa kaniya edi may dumagdag na sakit sa katawan niya. Hindi ko naman kasalanan d'ba? Ginulat niya ako so face the consequences, pft.
"Lord, paki kuha na po ang kaibigan ko. Mukhang nababaliw na siya. Tumatawa kasi mag-isa."
Tinitigan ko si Heaven na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
Kung patayin ko kaya 'yong tawag 'no? Ay hindi, kailangan ko nga pala ng makakausap ngayon.
"So, sino naman 'yang iniisip mo huh? Ang Titus Five ba?"
Uhm, parte naman ng Titus Five sila Crave at Kieffer so...
"Yes...?" pag-aalangan kong sagot.
"Tsk, pa-secret ka pa siya. Naglilihim pa sa akin na kaibigan niya. So ano ng status mo sa buhay ngayon? Taken ka na kaya hindi mo na kami kinokontak?"
"What?! No! Syempre—"
"Sus, s'yempre study first muna? Aguy, ganiyan tayo eh. As if namang maniniwala ako sa ganiyan?"
"Huh? Ang gusto ko lang namang sabihin, s'yempre magiging successful muna ako bago 'yan."
"Hmm, ok na rin, pero successful talaga?"
Maging successful na mabuhay rito sa mundong ginagalawan ko. Maging successful na matulungan ko si Tita Karen sa mga problema niya. Maging successful na malaman ang lahat-lahat. Lalo na masagot ang mga katanungan ko.
"Hoy! Ayan na naman tayo! Hindi ka na naman sumasagot!"
"Opss! Sorry my bad..."
"Psh, change topic na nga lang. Anong nangyari diyan sa inyo? Buti pumayag sila Tita Torah at Tito Zenith na diyan ka muna."
Ohh, sinabi ko nga pala sa kaniya ang tungkol do'n.
"Buti talaga pumayag sila mom and dad. Nagpaliwanag naman si Ti–I mean Ms. Agape kaya napapayag niya sila mom and dad."
"How about them? Sila Ron? You know, masasama ugali nila. Remember sa school?"
"Yeah, naaalala ko naman 'yon. Hindi naman kami magkasundo, si Ms. Agape naman palagi kong nakakasama rito."
"Queenie, just so you know. Matagal kang mananatili diyan. I know, lalo na si Kieffer. Alam ko mga ugali niyan. Sa ilang taon na kasama ko sa school ang mga galunggong na 'yon–"
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Acción[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...