Queenie's POV
Nasa kwarto ako ngayon at kausap sila Heaven. Nakauwi naman nang ligtas sina Dawn at Dove kaya naging ok na ang pakiramdam ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung pakiramdam ko kanina.
Gabi na at tapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin kaya kinausap ko sila kanina.
"Hayst, hindi ko na alam kung kailan ko huling naramdaman ang bagay na 'yon, nasa sistema ko pa rin siya hanggang ngayon," sabi ko na lang sa sarili ko.
Ang tagal na rin, 15 years ago simula ng maalala ko 'yon.
"It's been a long time since those things happened, until now you still keep it, did something happen?"
Bigla akong tumalikod at nakita ko si Kuya Nick na nakasandal sa pintuan at busy sa pagbabasa ng libro.
"What are you doing here, kuya?" takang tanong ko. Hindi ba natutulog na dapat siya?
"I know you, don't change the topic, answer my question." Tsk, nakalimutan kong isara ang pintuan.
"Nothing." Sagot ko rito pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Tsk, sa susunod ila-lock ko na pintuan ko dito sa kwarto, sure na.
"Ok, fine. 15 years ago, noong..." Bigla siyang naglakad papunta sa higaan ko at umupo habang nakapaharap sa akin.
Hindi naman kalayuan ang study table ko sa kama ko kaya ngayon magkaharap na kami at ang seryoso ng mukha nito.
"Spill it, nakikinig ako." Bakit ba naman kasi ang usisera ngayon ni Kuya? "Naghihintay ako Ms. Haisley," dugtong nito.
"Huwag mo akong titigan ng ganiyan kuya! Psh, bigla akong nakaramdam ng kakaiba noong pauwi kami nila Heaven. Same sa pakiramdam ko noon."
Pagkasabi ko no'n ay nagsimula na siyang tumayo at ibinaba ang libro na binabasa niya kanina.
"Noong na-kidnapped ka?" I nodded.
"Anong pakiramdam 'yon?" tanong nito.
Kailangan talaga itanong pa 'yon?
"Takot at... Panghihina," sagot ko rito.
"Ano namang ginawa mo?" seryoso paring tanong nito at sobra kung makatingin sa akin.
"Sinabi ko sa kanila tapos tumawag agad sila ng bodyguard at driver," sagot ko ulit.
"I see, I'll pick you up at ZU tomorrow. Don't mind it again, go to sleep." Tsk, sabi ko na nga ba.
"Alright, wait, tinawagan nga pala kita. So..."
"I know you'll call, that's why I'm thinking how to prank you. I called you by your name even though I called you by your nickname so you wouldn't notice. I saw lolo and said we were going down the airport so I turned off your call."
So that's why, tsk. Minsan hindi maganda mag-prank ang isang 'to. Teka, prank 'yon? Mukha kasing pinapa-alala niya nakaraan ko, hmp!
"Don't look at me like that."
Ang sama kasi ng titig ko sa kaniya. Yung parang gusto ko siyang balian ng buto at huwag ng palakarin pa! Ay hindi, mas maganda 'yong ipatapon ko siya ng Mars.
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Action[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...