Queenie's POV
Kailangan ko nang makarating sa opisina ni Mr. Cresty, pero papaano?
"Let's go, sabihin natin kay boss kung anong nangyari sa underground bago tayo kumilos kay Lava. He need to know the truth," wika nung isa pang lalaki.
Teka nga, ngayon ko lang napansin. Magkakamukha silang tatlo. Don't tell me triplets sila?
Nakinig na lang muna ako sa usapan nilang tatlo.
"Kaya mo bang umakyat, Cavin?"
"Yeah, don't worry, hindi ako baldado, Gavin."
"Tama si Gavin, you better-"
"Don't tell me iniisip niyong disabled ako dahil dito, Ravin?"
"No, no, sige ganito Cavin, hanapin mo muna si Lava or any informations na makakatulong sa 'tin para makita siya."
"Sige Ravin, hahayaan ko kayo sa ngayon pero..."
"Yeah, alam na namin. We know nag-aalala ka rin kay Lava. Iligtas mo si Lava, after all she's your girlfriend."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling sinabi nung lalaki. So si Cavin, siya ang boyfriend ni Lava? Alam ko kasi may boyfriend siya pero hindi natukoy sa binigay na info ni Dove kung sino.
Nakita ko silang tatlo na naghiwa-hiwalay ng lugar.
Hmm, may sasabihin sila sa boss nila. Nasa taas 'yung office niya pero saan sa taas? Ilang floors kaya ang nandito. Kung iisa-isahin ko ang mga 'to matatagalan ako. Baka makita pa ako ng dalawang lalaking 'yon.
Mag-isip ka Queenie, paano ka makakapasok at makakarating sa taas ng mansion na 'to?
Tumingin ako kung saan-saan. Baka kasi may makatulong sa akin dito.
Hmm, ang nakikita ko lang naman ay poste, fountain, puno... Puno?!
Tinignan ko kung hanggang saan kataas ang puno na katabi ng mansion na ito. Hmm, hindi na rin masama. Aabot ako ng ikatlong palapag kahit papaano.
Nagmadali akong umakyat sa puno. Doon ako sa gawi ng puno na maaari akong magtago para kahit na may sumilip sa bintana ay hindi ako halata. May nakatapat kasi na mga bintana dito sa gawi ng puno. Napahirapan tuloy kilos ko, hayst.
Pagkarating ko doon sa tuktok, sumilip ako sa bintana ng ikatlong palapag. Hmm, may nakita akong nagde-deliver ng mga pagkain. Wow, ang sosyal naman talaga ng mansion na 'to pft.
Hmm, kung papalarin ka naman talaga ng tadhana. Nakita ko si Mr. Cresty, well, kahit na nasa loob siya at malayo onti makikita mo naman na siya na 'yon. Bukod sa mamahaling pagkain, sa sunod din na mamahalin ay napansin ko 'yung badge niya sa dibdib.
Kung tama ako, ang BBG kasi ay mayroong mga badges. 'Yon ang mga position nila at napansin ko 'yon sa mga makikinang na badges no'ng tatlong lalaki kanina na triplets.
Kakaiba sa kaniya, as boss, and different positions may sinusunod sila. First of all, susuotin lang nila ang badges nila when it comes to serious matters only. Like operations, meetings or gatherings, and battles.
Nasa mansion siya at nasa office, hmm. Anong serious matters naman kaya ang ginagawa niya?
May mga sinusunod kasi bawat gangsters and mafias. 'Yung iba kasi nagmula sa mga ninuno nila. I mean, simula sa unang pinuno nila which is boss nila. Kada position may mga gawain sila, syempre kailangan ng katuwang ng isang leader o boss. 'Yon ang alam ko dahil kada may inuutos si daddy o 'di kaya si Mr. Kirshawn noon- este Tito Kirshawn pala, may mga sinasabi siya na hindi ko alam. Mga position pala 'yon sa mga mafia organizations.
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Action[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...