Queenie's POV
Argh! Ayoko talaga nang nasa clinic or nasa hospital!
"Ms. Agape,"
Bigla akong sumilip sa pintuan para tignan kung sino ang kausap ni Ma'am.
Kaso hindi ko naman makikita dito. Hindi ko matatanaw dahil masakit pa rin siya ngayon.
Hinayaan ko na lang, malamang naman si Kieffer kausap ni Ma'am dahil siya lang naman kausap ko kanina lang.
Wala akong nagawa kaya humiga na lang ako at narinig ko na lang na may tumatawag sa phone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot kahit hindi ko tinignan kung sino 'yon.
"Susunduin kita mamaya, kasama ko rin si Nisha."
Si Kuya Nick pala pero seryoso ba siya, kasama niya si Nisha?! Nako, hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag sa kaniya tungkol sa school ko.
Kung minamalas ka nga naman, tsk. Ngayon na makikita niya kung saan ako nag-aaral mangungulit na siya na pumasok dito.
"Ganiyan ka ba kung kumausap? Wala man lang bati?" Grabe, bungad agad yun, walang hi or hello man lang?
"Sayang lang sa oras."
At doon nanlaki ang mga mata ko.
"Seryoso? Segundo nga lang 'yon para makapagbati ka."
"Is that important?"
Hayst, malamang wala siyang friends kaya hindi alam kung ano ang salitang pagbati!
"Nah, don't mind me. 'Yon lang ba sasabihin mo?"
"Mom tells me to tell them where your address is."
Oh no, tungkol ba sa dorm tinutukoy nila mom?
"Ah, sige ako na kakausap kay mom and dad. Pakisabi na din na matatagalan akong umuwi."
"Hindi ka pa nakakahanap ng matutuluyan mo, d'ba?"
"Tsk, shut up! Ano naman kung oo?! Tsk, bye na nga!"
Bigla itong tumawa kaya naman pinatay ko na agad ang tawag nito bago pa ako sumabog sa inis!
Nag-ring na naman ang phone ko kaya sinagot ko ito at sinigawan ko siya agad.
"Kung hindi mo ako kakausapin ng maayos edi 'wag mo na akong tawagan!"
"Chill ka nga lang Haisley, sino na naman yang kasagutan mo at nag-iinit na naman yang ulo mo?"
Si Heaven pala ang tumawag sa akin. Opps! Malay ko ba na siya pala yun. Basta sagot lang ako ng sagot sa tawag.
"Nothing, nga pala pwede niyo ba akong samahan sa paghahanap ng matutuluyan?"
Sila lang naman makakasama ko kahit saan. At saka kung hindi nila ako sasamahan baka magsisi sila.
"May gagawin pa kasi ako mamaya, baka sila Dove at Dawn na lang sumama sa'yo. By the way, uuwi kasi sila Tita Asia at si Tito Kirshawn kaya asahan mo na hindi mo ako makakausap."
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Action[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...