CHAPTER 9 : I miss you

58 4 0
                                    

Queenie's POV

Sure ako na ang daming binili namin ni Heaven.

Napabuntong hininga ako dahil yung ibang mga bagay pinadeliver na lang. More on pagkain ang nasa kotse at ibang mga gamit na kakasya sa kotse, pati damit bumili na din ako.

"Nakakapagod bumili, hayst," sabi nito habang nanghihina dito sa loob ng bahay.

"You almost bought everything at the mall," seryosong wika naman ni Kuya Nick.

"What? Ako? Hindi lang ako ang bumili!" pagrereklamo nito pero sumingit na din ako.

"Halos ikaw ang bumili ng mga gamit at pagkain, Heaven."

Napansin ko na umirap pa ito sa akin, pft.

Totoo naman, mga gamit ko lang at pagkain ang binili ko. Siya na bahala sa appliances pero grabe lang, halos sa isang araw binili niya na lahat ng gagamitin ko.

Parang wala ng bukas pag bumili siya, akala ko buong building na binili ko. Nakulangan pa siya sa mga damit at pagkain na binili ko. Akala ko naman 'yong bibilhin namin kahit papaano pwede sa ngayon tapos bukas ulit bibili 'yon pala hindi na masusundan.

"Nakakatakot ka kasi magmaneho, naisip ko na bumili na ng madami. Halos atakihin ako sa'yo kanina, mukhang masaya ka pa habang nagmamaneho. Grrrr, nakakatindig-balahibo."

Ang dami naman ng sinabi nito. Nagmaneho lang ako. At saka siya nagsabi no'n, gagamitin ko kotse ko kasi akin naman 'yon. Hinayaan niya ako mag-drive tapos ngayon magrereklamo siya.

"Tsk, sinabi ko naman kasi sa'yo mag seatbelt ka, ayaw niyo naman tapos ako pa may kasalanan?"

"Aba! Hindi ko alam na may alam, teka mali...HINDI KO ALAM NA NAKAKATAKOT KA MAG MANEHO!"

"Pft!"

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan lalaking matatakutin?!"

"Not only me who scared of it, but you've also already experienced for yourself how she drives, but you're slow to notice that."

"I didn't even know she was freaking good at driving! Madami na ring nagbago noong naghiwalay kaming apat!"

"It's not my fault if you're too slow enough to notice that." Boom, talagang inulit pa yung salitang slow, pft.

"I'm going home now, it's already late. Shut down all the doors and windows so that no one can ente," sabi nito sakin habang nanlilisik ang mga mata. Wait, utos na ata 'yon.

"Huwag kang mag-alala Kuya Nick, ligtas naman ako dito," sagot ko naman dito.

"Siguraduhin mo lang," sabi pa nito at pumunta na ng kusina.

"Anong gagawin mo diyan sa kitchen?" curious na tanong ko.

"Napansin ko siyang nagluluto kanina noong umuwi tayo, mukhang inaayos niya makakain mo kanina pa."

Hmm, napansin ni Heaven 'yon? Hindi ko nga siya nakita na nasa kusina kanina.

"Hayaan mo na 'yang kuya mo, aalis na din ako. Baka mapansin kami ni mom na wala sa mansion, nakalimutan ko na nakalipat pala ako sa mansion nila Kieffer, bakit kasi umalis yon doon?! Tsk, sige na bye!"

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon