Queenie's POV
"Ano na Hais, saan na tayo pupunta nito?"
Hayst, bakit ba kausap ko pa sarili ko? Hindi ako pwede magpakita sa mga 'yon. Sa bahay ko kaya? Hmm, baka mamaya alam na nila kung na saan 'yon. Hindi, hindi, baka may ibang lugar pa na pwede?
Anong lugar pa ba ang maaaring hindi alam ng lahat? Kung sa mansion hinding-hindi, kung sa bahay naman nila Kuya Nick mas lalong hindi pwede. Ayokong madamay sila sa problema ko ngayon. Kung sa mga kaibigan ko naman... Ayoko! Hindi dapat sila madamay dito.
Kung... Tama! Si Ms. Agape! Alam ko maaari ko siyang makausap. I mean, gusto kong malaman kung anong tinatago niya sa'kin. Kung anong pakay ng mga sumusunod sa amin noon.
Kung may kinalaman man siya sa lahat ng ito. Kailangan kong malaman 'yon. Pero paano kung kalaban ko pala siya?
Hindi naman, edi sana una pa lang may ginawa na siya sa akin noon. Kung babalik ako sa lugar nila, hindi ba malalaman nila kung na saan ang lugar ng pamilya nila?
Siguro tawagan ko muna siya, tutal hindi ko pa siya nakakausap. Gusto ko ding makasiguro na ok siya.
Tumigil muna ako sa paglalakad ng maramdaman kong nagri-ring ang cellphone ko. Tawag galing kay Ms. Agape? Saktong-sakto...
"Ms. Agape?" tanong ko agad dito.
"Mabuti naman at sumagot ka na."
Bakas sa boses nito ang pag-aalala, kahit na kalmado ito ay nararamdaman ko mula sa salita niya.
"Kumusta ka Ms. Agape? Nakausap ko na sila..."
Hindi ko na natapos pa sasabihin ko nang marinig ko ang boses ng lalaking 'yon.
"Queen! Where are you?!"
Boses ni Kieffer 'yon!
Nako, kasama pala ni Ms. Agape si Kieffer?! Baka mamaya kasama rin niya...
"Calm down bro, gusto mong matakot 'yan sa'yo?"
Sabi ko na nga ba, boses ni Vash naman 'yon.
"Tsk, as if matatakot ang babaeng 'yon. Amasona kaya 'yun kung alam niyo lang!"
Tsk, ang lakas mong magsalita Ron. Akala mo hindi ko narinig 'yon? Sasapukin ko 'to ng malala kapag nakita ko siya.
"Dude, naririnig ka ni Queenie baka nakakalimutan mo? Pft!"
Tumawa naman silang dalawa ni Vash at Dous kaya narinig ko ulit nagsalita yung gunggong.
"Hehehe, joke lang 'yon Queenie." pagbibiro nitong sabi. Hindi ko kakalimutan 'yon.
"Are you ok?"
Nakuha nang pansin ko si Kieffer na nag-aalala sa akin. Kalmado na siya ngayon, ang bilis naman?
"Yeah, I'm fine..." sagot ko dito.
"Akin na nga 'yan! Ako kumakausap ikaw kukuha?!"
Agad namang inagaw ni Ms. Agape yung phone kay Kieffer at nagsitawanan naman 'yung tatlong lalaki.
"Tsk, i-loudspeaker mo kaya."
Si Crave 'yon ah? Aba, chismoso rin ang walangya.
"Psh, mga walang galang!"
Pft, natawa naman ako sa reaction ni Ms. Agape sa mga loko-loko na 'yon.
"Anyway, ok ka ba talaga?"
"Yes, ok na ok ako ngayon Ms. Agape."
Kailangan kong sabihin sa kaniya kung anong nangyari sa'kin kanina. Kaso maririnig naman ng limang kumag.
"May mga lalaki lang humarang sa akin noong bumaba ako ng kotse."
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Action[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...