Queenie's POV
Dahan-dahan akong naglakad papunta dito sa kuwarto ko at isinara ang pintuan.
Wohh! Hindi ko na kaya! Mali atang desisyon na sinabi ko sa kanila ang totoo!
Queenie naman, bakit ganito nangyari sa buhay mo ngayon?
Hayst, nanlulumo akong naglakad papunta ngayon sa higaan ko. Gusto kong magmukmok na lang dito at manahimik kahit na sandali man lang.
Hindi ko na kaya ang tatlong gunggong na 'yon! Ahhh! Mababaliw na ako sa kanilang tatlo!
Hindi ko naman alam na magiging ganito sila sa akin. Akala ko papatayin nila ako, mas ok pa nga siguro 'yon hindi 'yung ngayon na ganito sila sa'kin.
*Flashback*
"Queenie! Ako ng bahala diyan sa hugasin!" dinig kong sigaw ni Vash sa akin.
Hinayaan ko naman siya sa kusina at nagtungo sa lamesa. Inayos ko na mga plato, kutsara, tinidor at iba pa pero bigla namang sumulpot si Ron dito sa tabi ko.
"Queenie, kaya ko na diyan. Ako na'ng bahala, umupo ka na lang diyan."
Wala naman akong nagawa dahil pinilit niya akong umupo doon sa upuan pero umalis din ako dahil ayoko ng walang ginagawa.
Nakita ko naman ang sitting room na makalat dahil sa mga balat ng chi-chirya kaya pinulot ko 'yon pero kinuha naman ito ni Dous at saka umalis. Nakita ko siya na kinuha rin niya 'yong iba pang mga kalat at itinapon sa basurahan.
Kanina ko pa napapansin. Ayaw nila akong gumawa ng gawaing bahay este 'yong maglinis o mag-ayos man lang dito sa hideout nila. Simula ng malaman nila ang tungkol sa pagkatao ko ganiyan na sila kung kumilos.
Ilang oras din ang lumipas kaya nagpunta na ako sa kusina at 'yan na naman silang tatlo. Kada may gagawin ako, may susulpot at sila ang gagawa para sa akin.
Naiinis na ako sa ginagawa nilang tatlo sa akin! Hindi ako makagawa dito sa loob ng hideout dahil sa kanila!
*End of Flashback*
Ito ako ngayon, nasa kuwarto ko at nakahiga lang. Hayst!
Biglang may nag-ring sa phone ko nang marinig ko 'yon kaya agad ko itong kinuha at sinagot.
"Hello," bati ko rito.
"Queenie! May informations na ako dito, ise-send ko sa account mo 'yong info."
Sa wakas! May magagawa rin ako ngayong araw!
"Sige Dove, nga pala kumusta na kayo diyan?" bigla kong naitanong kay Dove. Naalala ko kasi huling usap namin ni Heaven at Dawn noon.
"Oh! Si Heaven, ayun busy sa pamilya nila dahil may problema ang gang na hawak ng pamilya Eclipse. Kami naman ni Ate Dawn busy rin. May inaayos kasi kami, inaasikaso namin ang organization dahil ang daming nagbago sa rankings. Si mom naman kasi busy sa business trip nito kaya kami ang bahala para sa org."
Oh, mga busy rin pala sila ngayon. Ok na rin 'yon at ok sila. Akala ko may nangyari sa kanilang masama noong nagkagulo sa university.
Kung tanungin ko rin kaya ang school?
"Dove, kumusta naman ang Zortron University ngayon? Ok na ba diyan?"
"Oh, tungkol sa ZU. Nagkaroon ng problema, si principal kasi ngayon nagpapagaling dahil sa nangyaring gulo dito. Hindi ko alam kung anong tunay na nangyari pero ang alam ko nakita ng BBG si Mr. Kirshawn sa office nito. Lumaban siya sa grupong 'yon at ang nangyari ay bigla raw sumakit ang ulo nito at biglang nawalan ng malay sa harapan ng BBG. Wala naman daw kwenta si Mr. Kirshawn kaya hinayaan na nila siya doon sa office no'n."
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Action[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...