Queenie's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto. Nag-iisip ako kung anong next step ko para sa gagawin ni Ms. Agape. Kung ako ang kaaway ni Ms. Agape, iisipin ko na muntik na niya akong mapatay, malamang ay same ang gagawin ko kagaya no'ng babae.
"Illeana..."
"Something is bothering you? Or someone?" lumingon ako at si Crave pala ang nagsalita.
Naiwanan ko na namang bukas ang pintuan. Hayst, Queenie kailan ka ba magbabago.
"I'm asking you."
Nakatayo lang siya doon sa gilid ng pintuan habang nakasandal at may hawak na libro.
Tsk, bakit naaalala ko si Kuya Nick sa kaniya?
Umiling-iling ako dahil sa naalala ko. No, iba si Kuya Nick kesa sa lalaking 'to.
"H'wag mo na lang akong pansinin. Bakit gising ka pa? Gabi na kaya."
Yeah, pagkarating namin kasi si Ms. Agape hindi parin alam kung anong gagawin niya doon sa babae. She was thinking of her, babalik pa sana siya pero ang sabi ko h'wag muna. Iisip muna ako ng paraan. Hanggang sa inabutan na nga ako ng gabi kaka-isip.
"I can't sleep," simpleng sagot nito.
"Kaya ka nagbabasa? Nagpapalipas oras ka para makatulog?"
"Yup," ani nito habang nagbabasa.
Tinignan ko 'yong librong binabasa niya. Pft, ngayon ko lang nakita.
"May naiintindihan ka ba diyan sa binabasa mo? Nakakabasa ka pala ng nakabaliktad, ako kasi hindi, pft!"
Pagkatapos kong sabihin 'yonnay tinignan niya 'yong libro. Nalaman niya na tama ako kaya naman inayos niya 'yon bigla at nagkunwari na parang walang nangyari.
Pft, akala mo naman talaga hindi halata.
"Sabihin mo na itatanong mo Crave. Tungkol ba kay Ms. Agape 'yan?"
"How did you know?"
"I'm not stupid. Nagpunta ka lang dito para itanong kung anong nangyari kanina sa pinuntahan namin."
"Psh, on point ka magsalita. Yeah, tama ka."
See? Halata naman sa kinikilos niya, psh.
"Hindi ka din naman pala bobo o tatanga-tanga."
"Excuse me Crave! Hindi porke nandito ako sa bahay niyo gagan'yanin mo na..."
Nagulat ako ng agad siyang tumakbo at tinakpan ang bibig ko. Magkalapit pa ang mga mukha namin no'n. Halos maramdaman ko na ang hininga niya sa sobrang lapit!
"Shh! Gusto mo bang magising sila?" wika nito habang nakatakip ang bibig ko.
Argh! Hindi ako makapag-salita! Sobrang higpit ng pagkakatakip niya! Hindi naman ako makalaban sa kaniya dahil baka magising ang lahat kapag pinatulan ko pa ang gunggong na 'to!
Binitawan niya din ako simula ng hindi na ako magreklamo.
"Lumayas ka rito kung ayaw mo baka hindi mo na magustohan ang gagawin ko sa'yo," pagpipigil kong sigaw dito dahil ayokong makahalata silang lahat.
"Anong nangyari kanina?" diretsong tanong nito.
Magtatanong din pala hindi niya pa sinabi kanina. Kailangan magalit muna ako! Tsk!
"Pinuntahan namin 'yong Illeana pero hindi siya pinapasok sa loob. Nakita ko sumilip siya sa bintana at nakatingin lang siya kay Ms. Agape na nasa pintuan no'n. Pagkakita niya sa akin 'tsaka naman siya nagsara ng kortina tapos pinauwi ko na lang si Ms. Agape. Ano, satisfied ka na ba?" mahaba kong paliwanag pero naiinis parin ako sa kaniya kaya tinalikuran ko siya. Umayos naman ito ng upo sa upuan at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)
Acción[ON-GOING] Queenie had a hidden secret. Other people should not know her true identity and, because of it, people in her own world had forgotten her. She's not an ordinary woman. Let's just say that she was strong, but what can she do with what the...