CHAPTER 7 : New House

78 3 0
                                    

Queenie's POV

Makalipas ang dalawang araw...

Nandito ako sa kwarto ko at nagmumukmok, walang pasok kasi ngayon.

"Kumusta naman ang paghahanap mo ng malilipatan?" tanong ni Heaven sa kabilang linya.

"Hmm, ok naman. Mamaya pupuntahan ko 'yong bahay. Titignan ko sa personal kung ok ba talaga siya."

"Sabihin mo sa akin kung saan 'yong address ha?"

"Psh, asa ka!"

"What?! Don't tell me hindi mo sasabihin sa'kin yung address?!"

"Bakit naman hindi? Hindi niyo kaya ako sinamahan maghanap!"

"Tsk, nakahanap ka naman na hindi ba? Sus, nonsense naman ng dahilan mo."

"Kaya nga, nakahanap ako kasama si Kuya Nick kaya s'ya lang sasabihan ko kung saan ang address!"

"Kung hindi mo sasabihin sa akin, hindi kami makakapunta sa lugar mo."

"Much better! Para naman hindi niyo ako guluhin!"

"Argh! Sabihin mo na kasi kung saan yung address!"

"No! Never!"

"Fine! Kakausapin ko na lang Kuya mo!"

Sasagot pa sana ako kaso pinatayan ako ng tawag! What the!

Grrr! Hindi na nga nila ako sinamahan maghanap, nonsense pa? Kaya sabi ko magsisisi sila kapag hindi ako sinamahan dahil HINDI, NO, and NEVER kong sasabihin ang address, hmp!

Nagtatampo ako, hindi ba nila alam 'yon? Hindi ko na sila nakasama ng matagal kaya gusto ko magkasama kaming maghahanap ng malilipatan ko.

Biglang may tumawag sa phone ko kaya naman nagtaka ako. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin ngayon?

Kinuha ko na yung phone ko at nagsalita.

"Hello," bati ko rito.

"Hello Ma'am, galing po ito sa ****, pinapa-alam po namin na mamaya po ang oras nang pagpunta niyo dito."

"Yes, pupunta ako mamaya. Send niyo lang yung oras and location, kasama ko daddy ko."

"Yes Ma'am, sabihin niyo lang po kung may kailangan pa kayo."

"Sure, thank you."

"Thank you rin po Ma'am. See you later po."

Pagkatapos kong kausapin 'yong babae sa phone ay napaisip ako.

Sana pag-nakita ko ok yung lugar at maayos. Actually, sakto lang siya. Malapit sa school at malapit onti dito sa bahay, malapit din onti sa may dagat kaso nga lang malayo sa mall.

Yeah, buti na lang may ni-request ako kay dad ng kotse kaya ayun. Hindi na ako mahihirapang maglakad.

About sa kotse, gusto ko sana 'yong motor pero...

"No! Diba ang sabi ko sayo delikado ang motor?!"

Yan ang sagot ni dad sa akin. Si mom naman agree rin sa sinabi ni dad kaya naman no choice ako kung hindi kotse ang bilhin, tsk.

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon