CHAPTER 17 : Apology

68 3 3
                                    

Queenie's POV

"Hais? Gising ka na ba?"

Parang naririnig ko boses ni Ms. Agape.

"Mukhang hindi pa siya gising tita. Baka naman tulog mantika?"

Pati si Vash naririnig ko rin ang boses.

"No, imposible. Maagang gumising 'yan kahapon, remember?"

Teka boses din ni Kieffer 'yon ah?

"Yeah, at hindi lang 'yan, ginawa pa niya 'yung nakatoka dapat sa'yo Vash."

Sunod naman si Dous ang naririnig ko?!

"Ohh, oo nga 'no. Kahapon dapat siya naghugas ng plato hahaha!" Boses ulit ni Ron!

Teka nga! Nananaginip na naman ba ako?

"Tsk, akala ko ikaw naghugas ng plato Vash?! Sinabi mo 'yon!"

Si Ms. Agape sumisigaw?

"Ahhh uhm, kasi tita, ganito 'yon..."

Nagising ako dahil sa ingay nila.. Nako, saan naman siya nagagalit ngayon?

"I don't care! Your f*cking excuses are not my thing! Nagsinungaling ka Vash, sinabi ko na walang magsisinungaling dito sa hideout!"

Wow! Galit na naman si Ms. Agape? Saan naman ngayon nagagalit si Mr. Agape?

"Binigyan ko kayo ng gawain para hindi ipasa sa iba! Now what Vash, ibang tao ba pupunta sa lababo o ipapahugas ko lahat ng plato sa'yo hanggang umabot ka ng isang linggo?!"

Ohhh, mali yung tanong ko pft. Dapat pala... Kanino naman siya nagagalit ngayon? Pft!

"Sabi ko nga tita, hehehe. Maghuhugas na ako ng plato oramismo!"

Nasa pintuan ko sila Vash at Ms. Agape? Hmm, makalabas na nga rin.

Binuksan ko na 'yung pintuan ng kuwarto ko at saktong-sakto nakita ko agad si Crave na ngayon ay napatingin din sa'kin.

Harap-harapan, katapat ko lang siya. Bababa na sana ako kaso nakaharang siya, ayaw naman niyang umalis.

"Excuse me? Bababa kasi ako, nakaharang ka sa daraanan."

"O-ohh..."

Wala sa katinuang umalis siya sa harapan ng pintuan ko. Bumaba naman ako at nagtungo na sa kusina. Sumilip pa ako pero 'yung Crave na 'yon nakikita ko nagmamaktol na parang ewan.

Sabunot na may gigil, alam nyo 'yun? Baliw tawag do'n.

"Oh Queenie gising ka na pala, tinatawag ka kanina ni tita kaso hindi ka naman sumasagot," saad nitong si Vash habang naghuhugas ng plato.

"Bakit daw?" tanong ko naman dito.

"Ah, hindi ko rin alam hahaha."

Hayst, walang kwenta kausap.

Hinayaan ko na lang siya sa paghuhugas niya. Dumeretso ako sa refrigerator at tinignan kung may pagkain, meron naman kaya tumingin na rin ako sa lamesa kung may luto ba o kung may pagkain na.

Pagkakita ko sa lamesa meron naman. Kaso baka mamaya hindi pa sila kumakaing lahat. Ahh, malamang si Crave hindi pa kumakain 'yon. Kasabay ko lang gumising 'yon.

Hmm, kakain na lang ako pero sakto lang. Baka may kakain pa bukod sa'min.

Kumuha na ako ng kutsara't tinidor pati na rin plato at baso. Nagsandok ako ng para sa akin. Nakita ko kumuha na rin si Crave ng para sa kaniya. Hmmm, makakasabay ko siyang kumain gano'n ba 'yun?

Pagkatapos kong magsandok at kumuha ng mga pagkain syempre umupo na ako. Ilang minuto umupo na rin si Crave. Hindi ko na siya pinansin kahit magkaharap lang kami.

Dangerous Queen (The Forgotten Heiress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon