30
Claire's POV
"Urrrrgg! Kainis!" inis kong sabi at binalibag ko yung phone ko sa kama!
Alam mo yung feeling na, pag gising mo tapos Halos mapraning ka kakahanap ng phone mo kase baka nagtext si lucas. Tapos pagtingin mo sa phone mo wala siya ni isang text! Kahit man lang good morning i love you! WALA!
Dati naman pag gising ko ag haba ng morning text niya! Kahit di ko nirereplyan nagtetext parin siya!
Tapos ngayon!!! Kagabi pa siya nakakainis na siya
Hindi nako nag dalawang isip at tinawagan ko siya
Nakakailang tawag nako pero di niya sinasagot
"BWISET!" Nakakainis na talaga' sana di ko nalang siya tinawagan!!
Lumabas ako ng kwarto ko at uminom ng tubig, Nakakainis na talaga gusto kong magwala!!
Nakaka praning na talaga bwiset na lucas na yan!
Pagkatapos kong uminom ng tubig sa kitchen nakita ko si trisha na dumating pero di ko siya pinansin,
"Hi Ate" nakangiting bati saken ni Trisha, ewan ko kung nang aasar ba siya o ano eh! Kaplastikan nito sarap sabunutan
Diko siya pinansin at inirapan ko lang siya.
"Did you already eat?" tanong nito na parang concern
"Pwede ba! Wag kang magpanggap na concern ka!" Seryoso kong sabi sakanya.
"Tinatanong ka lang ng kapatid mo kung kumaen kana!"
"Tssk!" napairap nalang ako ng magsalita ang daddy ko
"See, you had changed a lot! And that is because of lucas!" Kahit kelan nakekealam siya
"Oo na ako nanaman ang mali! Pero Pwede ba wag mong idamay si lucas dito! Wala siyang kinalaman sa nangyayari! You want to know who's the reason behind this fvcking attitude!" Kahit naiinis ako kay lucas pinagtanggol ko parin siya kay daddy! -___-
"Nag aaway nanaman kayo!" May inis sa tono ng mommy ko
"Why don't you ask your daughter!" sabi ng daddy ko at tumingin saken ng masama
"Tsk!" nasabi ko nalang at umalis nako'
Araw araw nalang sinisira nila ang araw ko!!!!
Pumunta nakong kwarto ko at humiga, saturday naman ngayon so wala kaming pasok -___-
Ang boring! Matext nga si sandy
("Punta ka dito ngayon na") Text ko kay sandy
Ilang minuto lang andito na siya
Dere deretso siyang pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko
"So what's the problem?" agad nitong tanong, alam ni sandy kapag tinext ko siya ng bigla bigla.
"Wala bored lang ako" sagot ko dito
"Tssk! Umamin kana! Bakit nga?"
"Oo na eto na! Si lucas kase eh.... Ah basta nakakainis siya!!!" sabi ko at nag ninja seat
"Baket ano bang nangyare?" tanong ulit nito
"Kahapon pa kase siya eh!! Parang may mali sakanya" pag amin ko dito
"Gaga! Hahahaha ganyan talaga kapag inlove, napapraning ka kakaisip sakanya kahit wala naman siyang masamang ginagawa, natatakot ka kaseng mawala siya" nakangiting sabi nito
"Ang lalim ng pinaghuhugutan mo no, based on experience ba yan" Pang aasar ko dito
"Honestly, YES! hahahahaha" sabi nito at kinikilig, naalala nanaman siguro nito si Zein
BINABASA MO ANG
Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)
Teen FictionUna sa lahat hindi sa huli, Ang Ganda ko ! Wala kang choice kundi sumang ayon. Subukan mong Kumontra hampas ko sayo tong heels ko.