DYOSA 11

311 13 0
                                    

"Okay, Class! pass your assignment" Napairap nalang ako sa walang kwentang announce ng professor namen. 

Nakakainis naman! Di ako nakagawa! Bwiset, Tumayo ako at nag crossed arms. Tumingin naman sila saken,

"Why Miss.Kennocha claire?" Tanong nung professor ko

"Give me 10 minutes" sabi ko at umupo. Hindi niya siguro nagets pero wala akong pake. 

Mabilis akong gumawa ng buod sa isang kwento, well nabasa ko na rin naman yun kaya alam ko AKO PA!  Pero nakalimutan ko lang gawen si Heaven kase eh, Natulog sa bahay ko, Nanggulo lang silang dalawa ni Sandy Kaasar. Nawala tuloy sa isip ko. Mabilis akong nagsulat at agad ko namang natapos. Tumingin ako sa bandang kanan ko 

"Hoy" tawag ko sa babaeng nasa kanan ko. tumingin naman siya at tinuro yung sarili niya sinisiguro kung siya nga yung tinawag ko

"Ako?" Paniniguro niya

"Natural! Ipass mo nga to" utos ko sakanya agad naman siyang sumunod.

"Claire! baket ngayon ka lang gumawa ng assignment!" sigaw na pagalit na tanong nung professor namen

Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay.

"For your information, hindi ako nagbabayad ng tuition fee rito para sigaw sigawan mo! At isa pa, Baket di mo basahin yang ginawa ko, Mas maganda pa yang pagbuod ko kesa sa mga ginawa ng mga kaklase ko na nagsearch pa! At isa pa, wag mong mamaliitin yan dahil dugot pawis ang nilagay ko jan isama narin ang atay ko at ang mga organs ko!" nagtawanan naman yung mga kaklase ko sa sinabi ko, May nakakatawa? Mga Baliw! Ang babaw ng kaligayahan.

"Kung manahimik nalang kayo jan at ayusin yang pag aaral niyo kesa naman sa tumawa kayo sa sinasabi ko na wala namang nakakatawa!" pagtataray ko nanahimik naman silang lahat

"Okay! enough claire, just sitdown" sabi nung professor namen! TAKENOTE: FILIPINO SUBJECT siya lakas maka english

"At ikaw naman Mam. iayon mo ang pananalita mo sa subject mo!" sabi ko at umupo nako.

Nakaka walang gana tong mga to! Ang bubobo Nakakasar ah! Section A ba ito ? Ako lang matalino!

"Minsan rin i'try mong gumalang sa nakakatanda sayo , kung hindi mo naman kaya, galangin mo ko bilang guro mo!" Napatingin ako sakanya. Eyes to eyes! Ang kapal ng muka niyang sabihin saken yon. Halos sobrang tahimik ng classroom sa sinabi niya saken. Wala kang maririnig na humihingi (XD) Pigil hininga talaga as in. kahit lumunok wala kang maririnig sobrang tahimik. 

for the first time in forever may bumalak na kumalaban saken ng bonggang ganito! Ipapahiya niya ko ? Pwes! nagkamali siya ng kinalaban niya

"Inuulit ko, Hindi ako nagbabayad ng malaki rito para panalitaan mo ako ng ganyan!" sabi ko at tinaasan siya ng kilay

"Ipapaalala ko sayo, nasan kaba? nasa eskwelahan diba! nandito ka para turuan ng magandang asal hindi puro pag aaral! Oo matalino ka nga, Kung yang ugali mo naman napaka basura wala kang mararating" Halos gumulong ang eyeball ko sa narinig ko! Yung kidney ko gusto na siyang sampalin ang kapal ng muka niya!

Tumayo ako at tinignan siya mula ulo mukang paa! actually, Nasa 20 plus palang tong teacher na to! 

"Kung sampalin kita ng left and right , upward and downward, Umayos ka ng pananalita mo! kung gusto mong galangin kita umayos ka! Yung galawang pang tao hindi pang engkanto! Gets?" Nakataas kong kilay na sabi. Nag crossed arms ako at tinignan siya

Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon