DYOSA 1

1.3K 25 7
                                    

Wag niyo nang itanong kung Baket "DYOSA 1" imbis na Chapter 1 ! Eh sa MAGANDA AKO EH! Pinaninindigan ko Lang. 

"Ms.Claire may naghahanap nanaman po sainyo" Sabi saken nung maid. As usual, Pagod na yan sa kakabalik balik. Yung mga Pesteng Papansin Ko nanaman kaseng mga taga Hanga ay nasa Labas ng Bahay. Whatever! Ganyan kapag Dyosa Hinahabol. Pero My God. OA Nila. Kanina pa sila sa Labas! MGA TANGA. Malabas nga Para naman mamatay sila sa kakatitig saken, Sa Dyosa ko ba naman Ganda.

Umayos ako ng umupo at dahan dahang tinanggal yung Shade ko. Yeah! Shade, Nandito ako ngayon sa May Pool. Wala akong Balak Mag swimming! Nag rerelax lang ako! Pero natural. Naka two Piece swimsuits ako. Sayang naman ang Sexy body ko kung Itatago ko.

Tumayo ako Binigyan naman ako ng Manipes na Tuwalya nung Maid. Ofcourse. baka magasgasan ang Precious long legs ko.  Pumunta ako sa May Gate kung nasaan ang mga Halos magpakamatay ko ng Taga Hanga Makita lang ako. Actually hindi ako artista! MAGANDA LANG TALAGA AKO kaya nila ko Hinahangaan.

Pero syempre. Mayayaman itong mga Lalaking ito! Natural Hindi Nila makikita ang kahit dulo ng Buhok ko Kapag Poorito sila! baka Gusto nilang iprito ko sila ng buhay.

Tinaasan ko ng Kilay yung Guard para iparating na buksan yung gate. Binuksan naman niya agad. at agad Bumungad saken ang mga Hampaslupa kong Taga HANGA! May kanya kanya silang kotse na dala. Nakasandal sila duon at halos malaglag ang mata ng makita ako! Sino ba  naman ang hindi matutulala kung isang Saksakan ng Ganda ang Makikita nila diba!

Ngumiti ako sakanila at inayos ko ang buhok ko. Halos mag unahan naman silang Lumapit saken

"oooh Boys! Easy" Sabi ko sakanila Gamit ang Mapang akit at Malandi kong tono

"You're so Beautiful Calire" sabi nung isang Guy.

"Una sa Lahat Alam ko na Yon. at pangalawa Wala akong Pakealam sayo kaya manahimik ka" Pinagtawanan naman siya sa sinabi ko. "Hep? May nakakatawa? Wala naman diba! Pero wag kayong  mainggit dahil kinausap ko tong Kumag nato! Actually dapat siyang matuwa. At lalo na kayo kase nakita niyo ang Dyosa kong Ganda..... " tumalikod at Muling Humarap. "Bago ko Kalimutan... Wag na kayong magpapakita saken. Ang papanget niyo! Wala akong Time sa mga Pagmumuka niyo!" Mahinahon kong sabi sakanila.

Bastusan na kung Bastusan! Pake ko.

Pumasok nako sa kwarto, wala nakong Gana mag relax. Relax na relax nako sa Pagtataray ko sa mga Peste kong TAGA HANGA! My Gosh. Im so Pretty Talaga! 

Pumasok ako ng Banyo at Naligo After non. Lumabas nako at nag ayos. Konteng ayos lang dahil, NAPAKA GANDA Ko na. 

Pumunta ako sa sala para Manuod ng TV .  Na boboring ako! Baket ba kase Wala akong Masampal ngayon! tuwang tuwa pamo ako kapag nakakasampal..  Baket ba kase saturday ngayon! Ang aga Aga wala akong magawa. Tinatamad akong Gumala.

Matawagan nga si sandy, nabobored nako. Isang ring Lang ng tawag ko agad niyang sinagot. aba Dapat lang baka gusto niyang Balatan ko siya ng Buhay, Well. Sandy is my Friend,  Maganda rin ito! Natural makikipag friend bako sa Mukang kanal?? Never. As in Never ... never sumagi sa isip ko Yun. Pero kahit maganda si Sandy! Ako parin ang nag iisang DYOSA!

Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon