Claire's POV
Agad naming dinala sa malapit na clinic si shana, My God. Anong naisipan ni shana at ginawa niya ito....
Nang makarating kami ay sumunod ako sa loob. Inasikaso naman agad si shana at maya maya ay tinanong ko siya kung ano ba talagang nanyare, Umiyak lang ito
"Si Alexis... Wag niyo ng hahayaang makita ko pa siya please nasasaktan lang ako" umiiyak niya sabi.
So si alexis pala ang dahilan ng lahat ng ito! Tumayo ako at nang gigigil na lumapit kay alexis at pinagsasampal ito.
Gigil na gigil ako gusto ko na siyang patayin ang kapal ng muka niyang saktan ng ganon si shana...
Kung ano anong masasakit na salita ang sinabi ko kay alexis.
Pinaalis ko ito at heto ako ngayon nakaupo, nagpipigil ng galit.
Diko na nakayanan at napaiyak nalang ako.
Galit na galit ako sa mga manloloko! Ayoko silang makita, ayoko sakanila!!!
Ayokong may umiiyak!! Ayoko!!
Pero heto ako ngayon umiiyak..
Pinatatahan ako ni sky pero pinaalis ko siya at sinabing sabihin kala sandy na magpunta dito.
Maya maya ay dumating si lucas at yinakap ako.
Yumakap lang ako dito.
"Are you okay?" nag aalalang tanong nito
"Muntik ng mamatay ang kaibigan ko dahil sa kumag mong kaibigan" naiinis ko paring sabi at bumitaw "Paalisib mo siya! Dahil baka ako pa ang makapatay sakanya"
"Don't worry, ako na ang bahala. Ano bang nanyare?" tanong nito saakin
"Sinaktan lang naman niya si shana! Pinaiyak niya !!" sabi ko at pinunasan ang luha ko.
Yinakap lang ako ni lucas at nag sorry lang siya.
"Uuwi na tayo bukas sa manila" sabi nito at tinignan ako sa mata
Tumango lang ako at umupo
Okay na sana eh, akala ko maaayos na! Kapal ng muka ni alexis.
Maya maya ay pumasok na kame kung nasaan si shana at nagpapahinga.
Nakakaawa siya, nagmamahal lang naman siya tapos sinasaktan pa siya. Eto yung ayaw ko eh, kaya ayaw kong sumubok magmahal...
Natapos ang buong gabi at umuwi na kame. Inayos namen ang mga gamit namen at sinundo si shana sa hospital, mag eeroplano nalang kame pabalik ng manila. Kelangang makapag pahinga ng maayos ni shana.
Ilang oras din ang biyahe namen, at nang makarating kame sa manila ay nauna nakong umuwi.
Pagkarating ko sa bahay ay napaupo ako sa sala.
"Lady claire andito kana po pala" sabi saken ni trisha bagong maid namen.
"dalhin mo sa taas yung mga gamit ko at ayusin mo gusto kong mag pahinga" utos ko dito at sumunod naman siya, takot niya lang no!
Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong humiga sa kama ko, namiss ko tong precious cotton bed ko haaays!
Sa ilang araw na oag sstay ko sa palawan marami akong natutunan at kahit may mga nanyaring di maganda ay mas lalo ko namang nakilala ng maayos ang mga kaibigan ko.
Akala ko kahit wala sila makakayanan ko, pero hindi pala. I need them!
Masaya naman silang kasama eh.
Lalo na si lucas kahit asar na asar ako sakanya di siya sumuko para mapalapit saken.
Pero kahit na! May girlfriend na siya. Iba na ngayon! Babalik nako sa dating ako! Ang dating Kenocha claire Vida! Ang reyna ng katarayan.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)
Roman pour AdolescentsUna sa lahat hindi sa huli, Ang Ganda ko ! Wala kang choice kundi sumang ayon. Subukan mong Kumontra hampas ko sayo tong heels ko.