DYOSA 24

198 12 3
                                    

24

Claire's POV

Oo anak ko siya

Oo anak ko siya

Oo anak ko siya

"Aaaaaaah!!!" sigaw ko habang nag dadrive ako... Hindi ko alam kung saan ako pupunta!

Paulit ulit nalang sa isip ko ang sinabi saken ng daddy ko!

Buong buhay ko inakala ko na ako lang ang anak nila!

Hindi ko na nga sila nakasama eh Yung mga time na dapat nasa tabi ko sila... Pero wala sila!

Ang sakit !! Sobrang sakit.

Ni minsan di ko naramdaman ang pagmamahal sa magulang ko!

Ano bang kasalanan ko at galit na galit ang mundo saken!!!

Kung galit ang mundo saken pwes mas Galit ako! Walang kapatawaran ang ginawa nila saken

Hindi ko sila mapapatawad

Baket ba ganito!!

Baket ba ginagawa nila saken to! Sila na nga ang nang iwan saken sila na nga ang nanakit saakin ... Tapos may gana pa silang magpakita saken at saktan ako ulit!

Ilang taon akong nabuhay na matapang at halos lahat minamaliit ko, halos lahat pinapahiya at sinasaktan ko!

Ilang taon akong naging masama!

At dahil yun sa mga taong minahal ko naman mga taong nagsisilbing lakas ko pero sinaktan lang ako.

Sila lang ang inaasahan ko, pero hindi nila ko maintindihan.

Hindi ako papayag na maging kapatid si trisha!!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanlalabo narin ang mga mata ko dahil sa mga luha kong parang gripo na ayaw tumigil.

Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko kahit nahihirapan ako

Mas sasaya pa ata sila pag namatay ako eh!

Maya maya nagulat ako at napa preno ng biglang may huminto sa harapan ko na sasakyan.

Hindi ako pwedeng magkamali si lucas yon!

Nakita kosiyang bumaba sa sasakyan niya at lumapit saken

Yumuko lang ako ako sa manibela at umiyak ng umiyak

"Umusog ka" utos nito pero tumingin lang ako sakanya "Please" sabi nito at hinawakan ang pisngi ko.

Kelangan ko ng makakausap .. Siguro si lucas nalang ang makakausap ko

Umupo ako sa tabi ng front seat at umupo narin si lucas sa driverseat

"Paano ang sasakyan mo?" tanong ko sa mahinang tono

"Anjan yung driver ko. Siya na bahala" sagot nito at umalis na nga kame,

Ilang minuto kaming nagbibyahe at maya maya ay huminto na kame, pagtingin ko nasa gilid kame ng dagat..

Tsk! Lucas talaga!

Bumaba kame at sumandal ako sa sasakyan ko ganon din si lucas

Tumingin ako sa langit at, heto nanaman ang luha ko!! Nakakainis

"Tssk! Wag ka ngang umiyak" napatingin ako kay lucas sa sinabi niya

Ngumiti ako at pumikit

"Masaket eh, alam mo yun ... Sobrang saket" sabi ko at humagulgul ng iyak. Sobrang saket di ko alam ang gagawin ko

Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon