DYOSA 8

415 16 0
                                    

"Miss. Claire! nandito na po si Sir. Lucas" Halos Magpintig ang tenga ko sa narinig ko. tinignan ko yung oras.6:30pm na pala. Tsk. Yinaya pala ako kanina ni lucas! Haynako. Bahala siya i'dinner date niya yung anino niya. Hmm pero infairness ang sarap ng tulog ko ah. Maghapon akong nakahiga sa Malambot at maganda kong kama.  Dilat na dilat ba naman mata ko magdamag sinong hindi mapapasarap ang tulog kapag ganito diba. 

"Miss.Claire, nasa sala na po si sir lucas" Ulit nanaman nung maid

"Pakelam ko" Sigaw ko at sinubsob ang muka ko sa unan ko. ang saraaaaap! Hays. Nakatulog din ako. Tumayo nako bago pa bumula ang bibig ni lucas sa kakahintay saken. Kahit naman mataray ako hinaharap ko parin ang bwesita ko. lalo na nagagandahan siya sa dyosa kong Ganda.

Tumingin ako sa Salamin na nasa side ng kama ko. Perfect! Bagong gising na dyosa! kahit di ako maghilamos o magtoothbrush maganda parin ako At tsaka walang bakas na muta sa mata ko at ang bango ng hininga ko! iba talaga. 

tinignan ko yung katawan ko. Perfect na perfect rin. May Shape,Maganda at Kaakit akit. HAHA! Ugali ko lang siguro ang hindi perfect! mahirap kase mag bait baitan. You know. inaabuso ng iba!

"Lalabas ka o lalabas ka?" agad kumunot ang nuo ko sa narinig ko sa labas ng pinto ng kwarto ko.  hindi ako nag salita at hinayaan lang sila sa labas.  Napataas nama ang kilay ko sa narinig ko ulit kay lucas, 

"Ate pakikuha ang susi ng kwarto ni claire" utos niya sa maid ko! Ang kapal ng muka. Lumapit ako sa pinto ko at hinintay siyang buksan yon. Pagkabukas niya ng kwarto ko.

Hayun. Ako agad ang nakita niya. nakatayo at naka crossed arms ako. habang nakataas ang kilay ko

Nagcrossed arms din siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa maganda. 

"Sabi ko may dinner date tayo diba? baket dikapa nakabihis" May irita sa tono ng boses niya na sabi saken. So ayun lalong tumaas  ang kilay ko.

"Pakealam ko naman sayo diba"sabi ko naman sa tono ng pang aasar

"magbihis kana" utos niya saken, Ang kapal! Siya ang kauna unahang nag utos saken! No way, 

"In your face!" nanlalaki kong mata na sabi sakanya

"Pumayag ka kanina na mag didinner tayo!" 

"Talaga ? pwes wala akong pake!" 

"Dito ako matutulog sa kwarto mo" nagulat ako ng umupo siya sa kama ko at tanggalin ang sapatos niya tapos humiga siya! Yuck ang kapal niya Binahiran niya ng Virus ang higaan ko

Lumapit ako sakanya at sinampal siya 

"How dare you!!!! Lumayas ka jaaaaaaan" sigaw ko sakanya.

Una Hinalikan niya ko sa maraming tao, tapos pinahiya ako. Sinabi pa na girlfriend niya ko tapos ngayon heto! Humiga siya sa bed ko! Kahit sila Heaven at sandy never pang nakapasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko! tapos itong Lucas na to na walanghiya ang kapal ng mukang humiga sa kama ko

Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon