DYOSA 14

296 10 0
                                    

Palawan 1.1

Pagkadating ko sa nirent nameng bahay . Actually di siya bahay cottage Siya. Ewan ko baket ko tinatawag na bahay yan. Muka kase talagang bahay, may second floor pa tapos Isa lang Siya dito sa may tabi pa ng Water falls. Ganda ganda! Ngayon lang ako humanga ng bongga. Ewan ko kung nirent ba talaga to parang kami lang tao dun eh . Pati narin yung mga guard na umalis na.

Ewan ko Secret Place ata to eh.

"Nirent ba to?" tanong ko kay sandy na kinikilig. Kadiri! Andito na kami ngayon sa girls room. Nag aayos ng gamit namen

"Hindi naten to nirent sino ba nagsabi sayong nirent to" ay galit pa ata saken si sandy .

"Sampalin kaya kita! Arte mo ! Pero kanino to?" nagtataka kong tanong. Akala ko nirent. Sorry naman no! DYOSA Lang.

"Tsk! Pagkatapos mong awayin ako kanina" nakanguso niyang sabi

"Kadiri ka talaga hindi mo kinaganda yang pag iinarte mo!"

"Tama na nga yan! Ang saket ng pagbabalewala saken kanina ni sky eh! Makikita niya humanda siya ang ganda ganda ko tapos lalayasan niya lang ako! Humanda siya 'lulunurin ko siya sa falls!" parang naiiyak na sabi ni heaven, first time ba naman matanggihan ng lalake. Hahahaha!

"Kawawa ka naman " sabi ko at inirapan siya

" che ! "

"arte niyo ni sandy! Ay nga pala shana ayos ka lang?" tanong ko kay shana tahimik kase siya.

"Huh ? Ahm oo" sabi nito at pilit ngumiti

"Gusto mo magkwento?" tanong ko sakanya. Mukang naiilang parin kase saken tong si shana.

"Teka nga nabawasan ata pagiging mataray mo claire?" nagtatakang tanong ni heaven

"Wala ka na ng pake don! Problemahin mo yung ginawa sayo ni sky" sabi ko at natawa ako ng mag iba nanaman ang eskpresyon ng muka ni heaven

"Ay oo nga pala! Walangyang sky na yan" sabi nito at nanggigigil.

Tinignan ko nalang si shana, naiiyak kase siya. Diko inexpect na makakausap ko siya ng matino

"Si alex kase, bat kase andito siya! Kaasar" umiiyak na sabi nito

"Ays, wag ka ngang umiyak. Ako nga nanggigigil ako sa muka ni lucas tapos andito siya, ano kaba! Kung ano man yang nagawa ni Alex hayaan mo na kalimutan mo na .... Ang ganda naten para isipin siya" WOW GALENG KO MAG Advise. For the First time in forever

"Wow ikaw talaga yan claire?" nagtatakang tanong ng dalawa kong impaktang kaibigan

"Sige mukang bumaet ka ng two percent, bati na tayo claire" natawa naman ako ng lumapit saken si sandy at hinug ako

"Ang baho mo" sabi ko at natatawang tumingin sakanya

"Hala? Claire! Talagang nabawasan katarayan mo dahil ba to kay?" sinamaan ko ng tingen si heaven. Duh! Anong kinalaman ni lucas!

"Gusto ko lang maging masaya ang bakasyon ayokong makasira sa kasayahan niyo!"

"Pero kanina sinampolan mo kami ni baby ko" sabi ni sandy at umirap

"Na shock ako gaga . Di mo man nasasabi saken na may boyfriend ka"

"Ays kahit na! Pero kahit mataray ka parin love ka parin namen" sabi ni sandy at yumakap saken ganon din ginawa ng dalawa

"Oo nga, kaya nga kahit ipagtabuyan mo ko nuon di ako tumigil maging friends lang tayo, Unique ka kase sa lahat di ka natatakot sabihin yung gusto mong sabihin" natawa naman akonsa sinabi ni shana. Ganon talaga ko kasama? My God. Hahaha

Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon