Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Langya ang sakit ng ulo ko eh. Pagkatingin ko sa caller si lucas ang tumatawag. Baket nanaman kaya! Nako. Pero Infairness siya kahapon for the first time in forever hindi ko siya natarayan ng super duper ultra mega. At ito rin ang dahilan kung baket di ako nakatulog nanaman ng maayos kagabi. Biruin mo, first time kong nabastos sa may parking lot. Nakakatakot yung lalaki hindi manlang nasindak sa katarayan ko, akala ko kahapob katapusan na ng pagiging dyosa ko. Pero hinde, Ayaw talagang mawala ng diyos ang nag iisang dyosa sa Lupa. Kaya dumating si lucas para ilayo saken yung lalaking manyak na walang manners.
Kaso hindi ako marunong mag thank you kapag nagagawan ako ng maganda! Aba. Hindi ako ganon no!
Pero dahil sa ginawa ni lucas sige babawasan ko pagtataray sakanya ngayon. As in NGAYON LANG.
"O?" Medyo masigla kong tanong.
"Goodmorning baby! Don't forget to eat your breakfast! Love you bye" Nawala yung pagiging santa santita ko! Bigla nanaman nag init ang ulo ko! Pesteng to. Ang kapal ng muka! Gigisingin ako para lang sabihin yon? Pwede naman siyang magtext nalang diba! Ito pa! Isa pa isa pa Hindi manlang ako hinintay magsalita agad akong pinatayan ng call dapat ako yon eh! Dapat ako yung mag eend ng call! Trabaho ko yun bilang mataray! Ang kapal ng muka niyang agawin ang posisyon ko! Humanda siya!
Dinial ko ang number nito at agad naman nitong sinagot
"Whoa! Baket? Namiss mo ko agad grabe ka naman" parang kinikilig nitong sabi
"Una ang kapal ng muka mo! Pangalawa sino ka para patayan ako ng tawag? Ang kapal ng muka mo! And pangatlo! Siraulo ka! Ang feeling mo kapal talaga ng muka mong tumawag para lang sabihin yon! Ginising mo ko para sa walang kwenta mong sasabihin!" sigaw ko sakanya. Narinig ko namang tumawa siya. Aba makapal talaga
"Ang kulet mo talaga hahahaha pero kahit ganon i love-" diko na pinatapos ang sasabihin niya pinatay ko na ang tawag ! Nakakapangilabot siya. Kadiri! Kapal ng muka
"hay nako! Uuuurggh! Abuso na yung walangyan yon ah" sabi ko na nanggigigil
Tumayo nako at nagpunta ng banyo, maliligo nako! Dahil may pasok pa. Kaasar!
Pagkatapos ko lumabas nako at nag ayos and then nagpunta nakong Kitchen para mag breakfast, katapos non nagpahinga lang ako ng konte and then nagpahatid nakosa driver ko papuntang school tinatamad ako ngayon mag drive eh.
Pagkarating ko ng school agad kong nakita sila sandy,Heaven at shana. Nilapitan nila ko at nakipag beso sila saken
"Hi sissy! Mukang ang lazy lazy mo ngayon eh" Napansin pala ni Sandy, inirapan ko lang siya at lumakad nako.
"Teka ano palang nanyare sainyo ni Lucas kahapon? Sinundan ka niya eh?" tanong saken ni heaven
"Manahimik ka pwede? Wala ako sa mood!" sabi ko ng hindi nakatingin sakanila.
"K.Fine!" sabi nalang ni heaven.
Alam mo yung pangalan niya hindi bagay sakanya! Kase ginawa niyang impyerno yung buhay ko simula ng dumating siya! Baket ba kase sila naniniwala sa True love? Naku naman! Sa itsura ni heaven halatang walang pakealam sa true love eh, Ang Play girl niya kaya tapos ang alam puro shopping magwaldas ng pera maging brat at magmaldita sa mga tao. Pero akalain mo yun! Naniniwala siya sa true love? Kadiri. Naku, kung saken siguro manyayare yon ! nako nevermind ayokong manyare yon.
Dere deretso nakong pumasok sa class ko. Inferness ang aga ko ngayon! Haaay nako.
Agad akong umupo sa chair ko at tinignan ang cellphone ko. Wala akong friends dito sa classroom dahil naiirita ako sa mga classmate ko muka silang tae! Mga clown , nako trying hard magpaganda, Ginawang coloring book yung muka! Ang kapal na nga ng muka nila lalo pang dumagdag ang makapal nilang make up. Feeling close pa.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Katarayan (NAG IISANG DYOSA)
Teen FictionUna sa lahat hindi sa huli, Ang Ganda ko ! Wala kang choice kundi sumang ayon. Subukan mong Kumontra hampas ko sayo tong heels ko.