Pʀᴏʟᴏɢᴜᴇ

737 36 0
                                    

Pag-apak ko pa lang dito sa Montgomery Village ay grabe na ang tingin na pinukol nila sa akin. Para bang sinasabi nila na isang malaking pagkakamali ang pagpunta ko rito. Napabuntong hininga nalang ako. Habang naglalakad ako. Pansin ko ang ilang mga taong todo ngiti ng makita ako. Para bang nakakita ng anghel? sus napaka asummera ko na naman haha.

Umiwas nalang ako ng tingin ngunit nakangiti rin. May isang matandang lalaki ang lumapit sa akin.

"saan ka patungo binibini?" binaba ko ang bagahe at kinuha ang tinupi kong papel. Nang mahanap ay agad ko itong binasa

"Lolo alam niyo po ba kung saan ang Montgomery Mansion?" Kumunot ang noo ng matanda at napalitan ng pangamba at takot.

"anong gagawin mo doon binibini?"

"Ahh ako kasi pinadala para mamasokan doon" rinig ito ng iilang taong narito kaya nagkanya-kanya na silang bulungan.

"Naku sayang ang batang iyan, maganda sana kaso di yan magtatagal jan"

"wag naman sana siyang tumuloy"

"nakakaawa"

"Lolo ano po ang ibig nilang sabihin?" Nagtaka ang matanda dahil sa tanong ko

"mamasokan ka ngunit 'di mo alam ang lugar na pupuntahan mo? Lalo na ang kahihinatnan mo?" Napaisip ako. Siguro naman may mga amo talaga na masasama base narin sa mga nabasa ko sa dyaryo. Wala kasi kaming t.v e. At yung dyaryo naman pinulot ko lang sa tabi-tabi. kaya ko naman siguro?

Umiling nalang ako bilang sagot.

"nagmamadali po ako e, alam niyo po ba kung saan?" Maganda ang Village na ito, ang kaso may mga bahay na luma at walang nakatira. Curious ako

sinundan ko nalang ang matanda. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan e

"lolo napano po yung ibang mga bahay?" Huminto siya at bumuntong hininga.

"Napaka inosente mo, sayang nga lang dahil napunta ka lang sa lugar na 'to. Kung tutuusin hindi ka bagay rito, hindi ito magiging madali para sa iyo" napakamaot nalang ako sa ulo. Si lolo talaga kung ano ang pinag-sasabi, isa lang naman ang tanong ko. Wala parin akong nakuhanh sagot sa mga tanong ko

"malalaman mo rin 'yan iha, at nga pala paalala lang. Once you heard a knock, don't open the door" taka ko lang siyang tinignan

"lolo diba bastos yon?" Umiling lang ang matanda

"don't wonder when the clock strikes to twelve, you better hide no matter what happen. Your curiosity might kill you" ano ba pinagsasabi ni lolo? Dami naman niyang alam. Wala namang magandang galaan dito sa village dahil narin nasa gitna ito ng gubat.

Nakakatakot kaya

"opo" yan nalang ang tanging naisagot ko. Huminto ang matanda sa harap ng isang napakalaking gate. Kulay itim ito na may nakaukit na "Montgomery Mansion" ito na 'yon.

"Sala--" 'di ko na natapos ang sasabihin ng nawala na si lolo. Nasaan yon? Ahh baka kanina pa umalis 'di ko lang napansin. Nag doorbell ako at ilang segundo ay may napakalaking tao ang lumabas. Malaki ang katawan nito at matangkad rin, siguro itong yung gwardiya. Nakakatakot naman

''a-ako po ang bagong kasambahay hehe"yan nalang ang nasabi ko at nag peace sign. Akala ko hindi marunong ngumiti si kuya, marunong naman pala

''sige pumasok kana" tumango ako at pumasok narin. I wonder my eyes. masyadong malawak. At gaya sa kulay ng gate ay ganon rin ang kulay ng palasyo. Hilig naman nila sa kulay itim

"ihahatid na kita" sabi ng guard kanina. Umiling naman ako at tinuro ang gate

"wala pong magbabantay doon, baka pagalitan po kayo ako nalang po, salamat." Tumango nalang ito at agad ring bumalik doon sa kanyang pwesto.

Ang bait naman pala nila e.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko na ang main door ng palasyo. Kakatok na sana ako ng may napansin akong lalaki,

sa isang malaking puno sa gilid ay nakahiga siya doon. Dahil curious ako ay agad akong naglakad palapit. Paglapit ko, ang una ko agad na napansin ay ang mapupulang likido sa patuloy na tumutulo. Omg. May sugat siya!!

agad akong lumuhod at kinuha ang sarili kong first aid kit.

I always have this everytime kung may lakad ako.

Mukhang natutulog siya at hindi napansin na may sugat siya. I remove the blood using the white cotton, tinapon ko ito pagkatapos at kumuha ng ibang cotton at tsaka nilagyan ng alcohol. Agad ko itong pinunas sa sugat niya at napatingin sa mukha niya. Kaya lang natatakpan ang mukha niya dahil sa kanyang braso. Mahapdi kaya ang alcohol, tulog parin siya tila walang sakit na naramdaman. It's confirmed this guy ay manhid.

Nasa kamay lang niya ang sugat, siguro nakuha niya ito sa patalim. Pagkatapos ay nilagyan ko nalang ito ng betadine at pinaikotan ng bandage. Nagmumukha tuloy siyang sasabak sa boxing. Napailing nalang ako at niligpit na ang aking kalat. Muli ko itong binalik sa bag bago tumayo. Muli akong naglakad pa alis doon at tinungo ang pinto. Huminga mona ako ng malalalim at akmang kakatok sana ng may biglang humila sa bewang ko. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang aking bag at pumikit at sumigaw.

Unti-unti rin naman akong nagmulat, ngunit wala na akong nakita. Kumunot ang noo ko. ano yon?

Muli akong humarap sa pinto at akmang kakatok na naman sana ng bigla itong bumukas. Isang matandang babae ang bumungad sa akin

"ikaw siguro yung bago" tumango ako at ngumiti. Ilang segundo siya tulala ngunit aagad ring nabalik at ngumiti pabalik

"halika" sumunod ako sa kanya habang hila-hila ang aking maleta. Pumasok kami sa isang silid na kulay pula ang pinto. Kumatok siya ng tatlong beses at bigla na namang bumukas. Hilig nila sa surprise noh?

"Pumasok kana, hintayin nalang kita rito" siguro e memeet ko pa ang may-ari. Iniwan ko nalang mona sa kanya ang aking dala at tsaka pumasok. Sinara naman niya ang pinto. Kita ko ang isang table at isang malaking upuan na nakatalikod sa mesa. Siguro anjan nakaupo ang amo ko,

umupo ako sa isang barrel chair. Unti-unti ng umikot paharap ang malaking upuan at tumambad sa akin ang seryosong mukha ng isang ubod ng gwapo na lalaki. Napalunok ako. Agad ring bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may benda. Kung ganon siya yung ginamot ko kanina?

I gulp.

"What's your name?" Ang lamig naman

"ah ano po, ako po si Charm Lowell" tumango ito at tumaas ang sulok ng kanyang labi.

" Call me Master... Charm"

Sinister SeductionWhere stories live. Discover now