Chapter 11 BMU

263 24 0
                                    

Charm's P.O.V

Tulala lang akong nakatingin sa malaki at mataas na gate ng paaralan na papasukan ko. Ang ganda!, at ang cool ng design sa bawat paligid, siguro Halloween day ngayon!! Wahhhhh!!

Kulang nalang mag twinkle- twinkle yung mata ko dahil sa nararamdamang excitement. Ano kayang halloween costume ang susuotin ko ngayon?

Sa tuktuk ng gate ay may tatlong letters. Ang B, M and U! Bakit kaya BMU? Di ba ang kasunod ng B ay C at D? Naku naman ang bobo naman ng gumawa niyan!

Simpleng ABCD hindi pa alam!!

(●’◡’●)ノ

"Lady Charm let's go!" Mahina akong tumili at tumalon-talon pa ng kunti. Unti-unti ng binuksan ang gate, at ramdam ko rin ang anim na tumabi sa akin. Nahati sa dalawa ang M dahil nasa pinaka gitna ito. Nawala naman ang atensyon ko doon dahil may biglang humawak sa braso ko at hinila.

Napatingin ako sa taong yon.

"Atticus" mahina kong banggit. Tinignan niya lang ako ng seryoso kaya napanguso ako. Hindi ba siya marunong ngumiti? Lagi nalang siyang seryoso!!

"Bakit mo ba ako hiwakan ng ganyan ka higpit?" Napahinto kami, habang ang iba ay nagpatuloy sa paglalakad papasok. Kumaway naman si Kieth at si Colden ay parang poste sa gilid.

"Dahil pasaway ka, baka mawala ka pa" tumango nalang ako, baka nga mawala ako. At kapag nawala ako, hahanapin nila ako. At kapag nahanap nila ako, papagalitan nila ako

ಠ_ಠ

At magagalit sa akin si Atticus

(ᗒᗣᗕ)՞

"bu--"

"i'm still your MASTER, kitty. So fvcking OBEY me, and ME only!!" Nakanganga lang ako tumango-tango.

"Good" muli na naman niya akong hinila papasok.

What is Fvcking?

All my life ngayon ko lang narinig iyan ahh. Matanong nga mamaya hehe.

Hinila ko braso ko at nag cross arms. Kumunot noo niya dahil sa ginawa ko

"ang daya mo naman e! Akala ko ba body guards ko kayo? Hmpp! Wala tayo sa mansyon o palasyo noh!!" Bumuntong hininga siya at umiling-iling. Nakapamulsa siya ngayong naglakad pa-alis. Napalunok ako, hala iiwan niya ako?

Hahabolin ko sana ng may humawak na naman sa braso ko. It's Colden!

"Ako na! I lead you" ngumiti nalang ako at tumango. Akala ko tuloy forever poste na siya doon!

Tuluyan na akong nakapasok. Namangha ako sa bawat paligid na nakikita ko. Ang ganda at cool!! Feel na feel ko talaga ang halloween!! Kung sino man ang nakaisip at gumawa nito, ay idol ko na talaga siya!

Masyado kasing realistic, yung tipong mapapaniwala ka talaga!! Buti nalang hindi ako! Hehehe. Ano kayang costume ang susuotin ko?

"Charm are you listening?"

Tapos-tapos wahhh!! Si Minnie Mouse gagayahin ko! Mwehehe

"Charm!"

Hmpp! Tapos si Atticus gagawin kong si Mickey mouse para same kami!! Bwahahaha.

"CHARM!"

"AY MOUSE!"

"what? Where?"

"Huh?"

"I said!, where's that freaking mouse!!" Ani nito at nagpalinga-linga pa. Hala yung mukha niya!! Bwahhaha!

"Takot ka ba sa daga?" Umasim ang mukha niya at napalunok. Inayos ang sarili at tumayo ng tuwid.

Sinister SeductionWhere stories live. Discover now