Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 2 (under editing)

422 27 0
                                    

Charm's P.O.V

Dahil sa nangyari kagabi ay pinatawag niya ako at pinapunta sa kanyang office. Jusko naman sana di niya ako parusahan o saktan, kaso kasalanan ko naman talaga e. Kasi pasaway ako huhuhu TT~TT

hawak ko ang mga tuhod habang naglalakad pa akyat sa hagdan. Nasa taas kaya ng floor ang office niya tapos nasa labas pa ako non, ang sakit na ng paa ko potek. Lupaypay akong nakarating sa office niya. Binuksan ko agad ito without knocking saka pumasok. Nakayuko lang ako habang pasimpleng minamasahe ang paa at tuhod ko.

"Charm" matigas nitong banggit sa pangalan ko kaya napalunok ako. Mas lalo akong yumuko

"Sorry na kasi Master hindi na po mauulit, curious lang naman ako e!" Inangat ko ang tingin ko at tinitigan siya. Naka cross arms na ito ngayon, ngunit pansin ko ang eye patch na nakalagay sa kaliwa niyang mata. Ano yon? "Curiousity can kill a cat!" Napanguso nalang ako, "pero may alaga naman akong daga e!" Anong connect doon?, ang bobo mo talaga Charm. Hindi niya pinansin ang sinabi ko,

"Good to know! You may now go out!, paparusahan kita kapag muli kang lumabag!" Nagbow ako at nakayukong tinalikuran siya. Binuksan ko ang pinto. Bago ako tuluyang lumabas ay agad ko siyang nilingon. "Masusunod mahal na Prinsepe" i winked at lumabas narin. Nakahinga ako ng maluwag, buti nalang at yon lang ang natanggap ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge at ngumuso. Dadaan na naman tayo sa isang mahabang hagdan. Eh hindi nga ako nakaupo tapos maglalakad na naman huhu

ilang minuto akong nakarating sa baba dahil sa sobrang bagal kong maglakad at may pahinga pa. "Oh hija okay ka lang ba?" Umiling ako, at muling nilagay ang kamay sa magkabila kong pisnge at ngumuso. Nakaupo kasi ako ngayon sa pinakadulo na ng hagdan. "HAHA okay pahinga ka mona jan" napatango ako.

"Umalis nga kayo sa dinadaanan ko!!" Nabaling ang tingin ko sa nagmamay-ari ng pamilyar na boses na iyon. lumawak ang ngiti ko at tsaka mabilis na tumayo at lumapit sa babae. "Ate!!" Nabaling ang kanyang atensyon sa akin at kumunot pa ang noo. "Who are you?! And don't you dare call me ate!!" Nawala ang ngiti ko at nagtataka siyang tinignan. Nagpapanggap na naman ang babaeng ito, halata naman na siya ang ate ko.

"Pe-pero at" she cut me off at binaling ang atensyon kay Lola Selsa

"where's the boss?" Tinignan ako ni Ate na mula ulo hanggang paa, halatang nandidiri pa ito. Anong meron?

"Ahh andon po sa taas maam!"
"Ay talaga? Hehe" tili nito at inayos at sinusuklay ang buhok gamit ang daliri. Napangiwi naman si Lola Selsa

"Maganda na ba ako?" Ngumiti lang si Lola Selsa at pilit na tumango. Tumili naman si Ate ng malakas at maarteng naglakad pa-akyat sa hagdan.

"Psstt kapatid mo ba talaga iyan?" Tanong ni Lola Selsa

"Kapatid ko siya sa ama, hindi ko alam kung nasaan na ang aking ina"

"ahh kaya naman pala hindi kayo magkahawig, ambisosyang frog!" Komento ni Lola Selsa kaya natawa ako, agad rin naman dumating si Nath at sumingit sa usapan namin.

"Oo nga, e mas maganda ka pa naman kesa sa kanya. Tignan mo mukha niya make-up niya itim, lipstick itim. Nagmumukha siyang mangkukulam, or mas worst is aswang" natawa ako sa sinabi niya at nagawa niya pa talagang ibulong ang huling salita na sinabi niya.

"ay teka lang may naalala ako, ano pala pangalan ni Master?"

" Atticus Montgomery" namangha naman ako dahil sa narinig. Pangalan niya mala prinsepe din ang dating,

"Bakit kaparehas niya ang pangalan ng Village?" Napatampal nalang sa noo si Nath

"napaka slow mo naman! Malamang ang Montgomery ang may-ari ng Village!" Napa 'ahh' nalang ako, kahit madaming tanong na nabuo sa isip ko. Unti-unti ring nag fla-flashback sa isipan ko ang mga lumang bahay. Curious ako e!

nawala ang pag-iisip ko ng may narinig akong kalabog galing sa itaas. Tinignan ko si Nath na ilang ulit lumunok. "Ahh hehe babalik na ako sa work ingat, bye!!" taka ko siyang sunundan ng tingin, "hoy Nath! anong meron?!" Sigaw ko rito ngunit nakalayo na siya. Muli akong napatingin sa itaas. Saan kaya galing ang kalabog na iyon?

Inayos ko nalang ang bulaklak sa base. Maya pa ay may narinig akong apak ng mga paa galing sa hagdan. Napaharap ako dito at doon ko nakita si Ate na may mga pasa na sa mukha. Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan niya at hinawakan ang kanyang kamay

"anong nangyari sa iyo?" Masama niya akong tinignan at marahas na inagaw ang kanyang kamay

"stop playing dumb!! Eww don't call me 'ate', kahit kailan hindi kita ituturing na kapatid dahil malas ka sa buhay ko!" Para akong nawalan ng lakas dahil sa lumabas sa bibig niya. Wala namang bago, palagi naman niya akong sinusumbatan at sinasaktan sa tuwing wala si papa. Bakit kaya ganyan siya sa akin?

wala naman akong masamang ginawa sa kanya ahh!.

"Itong tatandaan mo! Akin lang si Atticus!" Hindi na niya ako pinansin at padabog ng nilisan ang palasyo. Ano kaya nangyari?

Muli akong napatingin sa hagdan at doon ko nakita si Master na nakasandal sa hawakan ng hagdan at naka cross arms pa ito. Umiwas siya ng tingin at muling umakyat sa itaas.

Napabuntong hininga nalang ako at hinanap si Lola Selsa. Pumunta ako sa kusina at doon ko sila natagpuan na busy kakaluto. "Lola Selsa anong meron?" Nabaling ang atensyon niya sa akin at ngumuti ng tipid.

"darating ngayon ang mga kaibigan ng amo natin, kaya maghanda ka na!" Tumango ako at tinulungan silang magluto. "KITTY!!" nabitawan ko ang hawak kong sandok dahil sa gulat. Napatingin ako sa pintoan at doon ko nakita ang seryosong mukha ni Master

"Kitty! Wash my clothes and clean my room now!!. Huwag kang lalabas sa kwarto ko hanggat hindi ko sinasabi!, maliwanag?!" Bat ang hilig na nitong manigaw ngayon?

"Opo Master!" Nagsalute pa ako bago nilisan ang kusina. Pumunta ako sa kanyang silid at pumasok. Umupo mona ako sa gilid ng kama habang habol ang aking hininga. Grabe ang taas talaga ng hagdan promise huhu.

Sinister SeductionWhere stories live. Discover now