Chapter 10 Sukatan

251 23 6
                                    

CHARM P.O.V

SOBRANG lawak ng ngiti ko dahil sa wakas ay muli na naman ako makakapag-aral. Sana talaga magtuloy-tuloy ito ng sa ganon ay makapagtapos na ako, at sana hindi na magagalit sakin ang lahat ng teacher ko.

-,-

hindi ko alam kung ano ang ginawa ko kung bat sila ganon na lamang makapag react at magalit, kaya yon din siguro ang isang dahilan kung bakit ako pinahinto sa pag-aaral?. Kasi sakit ng ulo 'daw' lamang ang maidudulot ko sa mga naging guro ko, kahit wala naman akong ginagawa ahh? Hmppp.

(つ .•́ _ʖ •̀.)つ

"oh? Napano ka?" Takang tanong sa'kin ni Kasper, humaba ang nguso ko dahil sa tanong niya. "Eh. Kasi baka pati doon ayaw din sakin ng mga guro huhu" nakakalungkot naman talaga, halos lahat sila ayaw sakin.

(ᗒᗣᗕ)՞

"Why?" Nagkibit balikat nalang ako at tumingin nalang bawat paligid na dinaanan namin. Wala akong ibang makita kundi ang matatayog na puno, may mga patay at buhay. Parang gubat ata ito, ang galing naman! Siguro dahil masyadong malayo ang school kaya kailangan naming mag shortcut.

Nasa sasakyan ako ngayon ni Kasper, habang ang iba ay nasa kaniya-kaniya ring sasakyan. Kanina kasi nagtatalo pa sila kung kanino ako sasakay, kaya pinili ko sasakyan ni Kasper.

♡'・ᴗ・'♡

"Matagal pa ba tayo Kasper? Baka malate tayo ahh" Tumingin siya sakin gamit ang view mirror niya sa taas, ngitian lang niya ako at tinuon na ang pansin sa daan. "Malapit na tayo Lady Charm, Kompleto na ba mga gamit mo?" Masaya akong tumango at binuksan ang bag ko, tsaka tumayo at tumuwad para ipakita sa kanya ang laman ng maliit kong bag. Ang bag ko ay kulay itim na may guhit na itim na bat, sa zipper nito ay may nakasabit na bat din. Yung katulad sa bat ni batman, hehehe.

Muli akong umupo. Napakamot siya sa kanyang batok. "Yung mga damit mo?" Kumunot ang noo ko. "bakit naman ako magdadala ng damit?"

"Hay naku Lady Charm, mag boboard lang tayo doon!" Magsasalita sana ako ngunit pinatahimik niya ako. Gamit ang isa niyang kamay ay kinuha niya ang kanyang cellphone.

"Walang dalang damit si Charm!... oh really?... that's good to hear... i'll hang up now..." at binaba na niya ang kanyang cellphone, sino naman yon? Hindi naman kasi nila binanggit na doon na pala ako titira.

ಠ_ಠ

Kung sinabi nila edi sana dala ko na lahat ng gamit ko, pati sila ruru, rara, at rere. Huhuhu paano na sila, tiyak akong hahanapin nila ako at mamimiss ko sila.

"Wahhh!! Paano na sila ruru, rara, at rere?!'' Napa preno bigla si Kasper dahil sa pagsigaw ko.

"Shit" muli niyang kinuha ang cellphone at nag dial. "Dala niyo ba ang tatlong daga?"

"Hindi sila daga!!" singit ko

"I mean guinea pig?... pheww buti naman!!" At binaba na niya ito "don't worry kasama ni Atticus ang tatlo" nawala ang pag-alala ko dahil sa aking narinig. buti naman hehe

pansin ko lang na dumidilim na, may mga usok din akong nakikita sa labas. Ano kayang meron?

"Mahaba pa ang byahe Lady Charm, matulog ka nalang mona. Gigisingin nalang kita kapag nakarating na" tumango nalang ako at akmang ihihiga sana ang katawan, ngunit may nahagip ang aking mata. Nakaitim na tao, ngunit pulang mga mata. Inikot ko pa kunti katawan ko sa likod para mas maaninag ko pa siya, ngunit nawala nalang ito bigla. "Lady Charm, may nakita ka ba?" Tumango ako at tinuro ang glass na nasa likod ko.

"May nakita akong tao na pulang mata don!" Lumingon lang sa akin si Kasper at umiling. "Wala naman, buti pa matulog ka nalang" tumango nalang ako at inihiga na ang katawan. Ngunit kahit anong pilit ko ay hindi talaga ako makatulog, ayaw kasi mawala yon sa aking isipan. Nakahiga parin ako at nagpapanggap na tulog, ramdam ko na huminto ang sasakyan at pagbukas sara ng pinto sa front.

Mukhang lumabas ata si Kasper, siguro iihi yon. Ilang segundo na ay hindi parin bumalik si Kasper kaya minulat ko ang aking mata at bumangon ng kunti. Pa gapang akong lumapit sa nakasarang bintana ng kotse. Sumilip ako. doon ko nakita ang isang tao na nakatayo sa harapan ko outside the car. Pulang mga mata, at naka hood ito. Pilit akong ngumiti at kumaway. "Hi!!" Nilagay niya ang kanyang isang kamay sa glass window kaya yon din ang ginawa ko, itinapat ko ito sa kanya. At pilit pinagsukat ang daliri ko sa daliri niya dahil malaki sa kanya at maliit naman sakin. Napanguso nalang ako.

"ang daya! Talo ako!" Bigla na naman siyang nawala kaya dinikit ko na talaga ang mukha ko sa glass para masilip at mahanap kung asan na siya. Nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto kaya napatingin ako. "Oh? Akala ko tulog ka? Ano tinitignan mo jan?" Di ako sumagot

"saan ka pala nanggaling?"

"Ahh umihi lang saglit"

"wow!! ang galing!!"

"huh?bakit?"

" umihi din ba sila?" Kumunot ang noo niya

"nakita ko kasi sila na pumasok narin ng sasakyan e!, Kita ko sila sa bintana!" Tumango-tango siya

"ah.. hahaha... oo!" Pumalakpak ako

"sino ang nanalo?! Hehehe'' excited kong tanong pero mas excited ako sa kanyang sagot

"nanalo saan?" Ngumuso ako

"ang slow mo naman!!, kung sino ang pinaka matagal at mahaba!!" May ilaw dito sa kotse kaya kitang-kita ko kung paano namula ang bou niyang mukha.

"wha--what the hell!, what are you ta-talking about?" Putol-putol na sagot niya

"hehe, sukatan ganon!! Kung hanggang saan ang ihi niyo!! Yon kasi ginagawa namin gamit ang faucet e. Kung sino ang pinakamalayo! Siya ang panalo!!" Napalunok siya at mas lalong namula

"Fa-faucet? Th-the he-hell Charm!! Hindi kami naglalaro, mukha ba itong Faucet?!" Kumunot lang ang aking noo, ang layo naman ng sagot niya noh?

"So sino nga ang nanalo?!"

"Sy-syempre a-ako!!''

"Ay talaga?!" Pumalakpak pa ako at muling nilingon ang bintana sa kanan ko. Muli kong dinikit ang kamay ko doon. "Kanina kasi may tao dito, nakipagsukatan din siya sakin, kaso kamay yon!! At talo ako!! Ang daya nga e. Buti nalang hindi ako siningil ng prize!! Hehe" kumunot ang noo niya at tila hindi makapaniwala. "Ano itsura niya?" Naging kyuryus siya bigla kaya tumango ako at pinatong ko ang aking kamay sa ulo.

"Naka itim na hoodie tas pulang mga mata!! Ang laki ng kamay niya! kaya ako natalo. Siguro lalaki siya!" Bumuntong hininga siya bago pinaandar ang makina. "Kung sakali na makita mo siya, sabihan mo agad kami. Baka masama siyang tao, okay?" Tumango nalang ako.



Sinister SeductionWhere stories live. Discover now