Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 4 Fʀɪᴇɴᴅs II

420 18 0
                                    

Charm's P.O.V

Iniwan niya ako dito sa kanyang silid kaya naisipan ko nalang na magpatuloy sa paglilinis. Ilang minuto ay natapos na ako ngunit wala parin siya. Napano na yon?, wala atang balak si master na pakainin ako. Napanguso nalang ako at muling umupo sa kama.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako doon. Nakita ko siyang may dalang tray ng pagkain. Nagliwanag agad ang mukha ko at agad na kinuha ito sa kanya at nilapag sa kama. Nagsimula na akong kumain habang siya ay nanatiling tahimik. Nabaling ang atensyon ko sa kanya at tinignan siyang nagtataka. Bumaba naman ang tingin ko sa mga kamay niyang naging kulay purple na. "Anong nangyari jan master?, napaso ba kayo?" Agad niya itong tinago sa likod at umiling. Mukha talagang paso e, pero saan naman kaya niya yon nakuha?

"Just don't mind me, continue eating"tumango nalang ako bago nilunok ang kinain. Muli siyang lumabas at hinayaan lang ako dito sa kwarto niya. Hindi ba niys naisip na baka may mawala sa kwarto niya? Kung sa bagay hindi ko naman magagawa yon noh. Tapos na akong kumain kaya niligpit ko ito at tinabi.

"Hayy!! Busog!''sabi ko sabay higa sa kanyang kama. Ang lambot naman at ang bango, namalayan ko nalang na unti-unting bumigat ang talukap ng aking mata. Wala naman sigurong masama kong matutulog mona ako diba?

Third Person's P.O.V

It's already 7pm kaya muling pumasok si Atticus sa kanyang silid. Doon niya natagpuang mahimbing na natutulog ang dalaga sa kanyang kama. Gusto man niyang manatili si Charm sa kwarto niya ay hindi pwede. "Cuz she's not safe with me" maingat niyang binuhat si Charm at nagsimulang maglakad palabas sa kanyang silid. Umakyat siya sa hagdan pumunta sa rooftop. nang makarating ay dahan-dahan niyang inikot ang doorknob dahil buhat niya pa bridal style si Charm. Binuksan niya ang Pinto at agad na pumasok. Dahan niyang nilapag si Charm sa kama at kinumutan. Tinungo rin niya ang bintana at sinara bago ni lock ng maigi.

umalis narin siya agad at sinara ang pinto. Bumuntong hininga siya at nagsimula ng maglakad palayo. "This is a very hard situation for me. i should be careful this time" bulong niya at bumalik na sa kanyang silid.

The time run so fast and it's already 12pm. Nagsimula ng tumunog ang kampana. Nagising naman si Charm dahil sa tunog na iyon. Bumangon siya at kinusot ang sariling mga mata. Napatingin siya sa wall clock. ''Pasado 12pm na"curious si Charm sa kung anong meron sa 12pm ng gabi kaya hindi na niya papalampasin ito. Pansin din niya na wala na siya sa kwarto ni Atticus, kaya napakamot siya sa kanyang ulo.

"Paano ako napunta dito?" Hindi nalang niya iyon inisip at akmang maglalakad sana siya papunta sa pinto ng may pumigil sa kanya. Nakarinig siya ng cute na boses ksya bumaba ang tingin niya sa kanyang paanan. Doon niya nakita ang tatlong guinea pig na kinakagat ang pajama niya na para bang pinipigilan siyang umalis.

"Rara,rere and ruru, huwag niyo akong pigilan. Stop it!" Ngunit hindi nakinig ang tatlo. Parehas silang natataranta at nagmamadali. Para bang pinapagiwatig nila na delikado kapag lumabas ka sa iyong kwarto. Patuloy parin hinihila gamit ang ngipin ang pajama ni Charm, para lang pigilan siyang lumabas.

"Walang delikado sa labas okay? Iinom lang ako ng tubig" mahinang sabi ni Charm, ngunit baliwala lang ito sa tatlo dahil alam nilang nagsisinungaling lang si Charm.

Hinila ni Charm ang kanyang paa ngunit kinagat lang siya ni Rara. "Aray! Rara naman! Don't bite me!" Mga kaibigan ni Charm ang tatlong ito. Regalo ito ng kaniyang tunay na ina kaya palaging nasa tabi niya ang mga ito. Napa-upo nalang si Charm sa sahig at pilit paring tinataboy ang tatlo. Ngunit kagaya ng ginawa ng isa ay ganin rin ang ginawa ng dalawa.

Alam ni Charm na matatalino ang tatlo dahil sinanay niya ang mga ito. nakita niyang bumitaw si Rere at umakyat sa cabinet at tinungo ang lock ng pinto. Kinagat niya ito para lang ma lock ng maigi. Napanguso nalang si Charm

Sinister SeductionWhere stories live. Discover now