Cʜᴀᴘᴛᴇʀ 6 Cʟᴀɴ

326 28 0
                                    

Third Person's P.O.V

Malakas ang sigaw ni Atticus kaya pati mga naninilbihan sa kanya ay napahinto. Pinigilan ni Colden si Atticus at umiling.

"Wag mo siyang gawing preso dito Atticus" natahimik si Atticus at napatingin sa papalayong si Charm. "Kailangan ka ng Clan natin ngayon Atticus, may pagpupulong na magaganap" napabuntong hininga nalang si Atticus at tumango. Noon palaging umaalis sa palasyo si Atticus dahil ayaw niya sa lugar na ito, pero ngayon parang ayaw na niyang umalis. Nakangiting naglalakad si Charm at masayang nililibot ang tingin sa mga punonv kanilang dinadaanan. "kay gandang gubat lola Selsa" tumango si Selsa at binilisan pa niya ang paglalakad.

"bilisan mo Charm, baka gabihin tayo pag-uwi" tumango si Charm at agad ring binilisan ang paglakad. Nakalabas na sila sa gubat at sobrang mangha si Charm sa kanyang nakikita. Malawak ang bayan na ito at marami ring pamilihan at mga tao. Nakita niya si Selsa na may kausap kaya agad siyang lumapit at doon niya nakita kung sino ang kausap nito. Siya yung lalaking naghatid kay Charm papunta sa Montgomery Palace. Kumaway ito kay Charm.

Hindi pansin ni Charm na pinagtitinginan na pala siya ng mga taong andito. May isang grupo ng kalalakihan ang biglang sumulpot sa likod ni Charm kaya bigla namang pumagitna si Selsa at yung lalaking kasama niya. "Wag niyo siyang galawin" matapang na sabi ni Selsa, taka lang silang pinagmamasdan ni Charm. Wala siyang idea kung ano ang nagaganap, "at bakit naman? We can let her join in our clan" ngumisi ang matandang lalaki "Hindi siya pwede, sorry pero kailangan na naming umalis" aalis na sana sila ngunit muli silang hinarang ng mga lalaki.

"Oh come on, hayaan niyo ang babaeng iyan na mapasaamin. Baka gusto niyong masaktan?" Kumunot ang noo ni Charm

"bakit naman namin gustong masaktan?" Napangisi ang mukhang leader nang sinasabing Clan dahil sa tanong ni Charm. At may ibang tao ring nakikiusyo at ang ibang clan naman ay bigla ring dumating. "HAHAHA hindi niyo siya makukuha X-borg Clan!, sa amin siya!" Sabi rin ng isang bagong dating na grupo, mas lalong walang maintindihan si Charm sa mga nnngyayari. "Bakit mo siya dinala dito?" Natahimik lang si Selsa sa biglang pagbulong sa kanya ng kanyang asawa.

"Okay then, kung ganon let's have a deal!!" Sigaw nang leader ng X-borg Clan

"interesting!! Our clan want to join too"sabi rin ng bagong dating na grupo. Halos lahat sila ay puro lalaki, "we can't wait to have that girl on our bed" napakamot nalang sa kanyang pisnge si Charm. Lumabas naman ang ulo ng tatlong guinea pig sa dalang picnic basket ni Charm. "Sino kausap niyo? Tara na Lola Selsa baka gabihin tayo, papagalitan pa tayo ni Master" aalis na sana sila ng may humarang na naman.

"Ahh hehe kuya, malaki naman ang daan e. Doon ka nalang dumaan okay?" Sabi ni Charm sabay turo. Pero para lang walang narinig ang lalaking sinabihan niya. "You can't have this girl, she's Montgomery's property!" Biglang sabi ni Selsa kaya lahat sila ay napahinto at nabaling ang tingin kay Charm na inosente lang na pinapanood sila.

"mas lalong interesting to" ang iba naman ay natakot kaya nagsi alisan na habang ang iba naman ay naiwan. May muling dumating na nakaitim na parang ninja. Pinaikotan nila si Charm na para bang pinoprotektahan. Ang kanilang sout ay may badge kung kaya alam nila kung kaninong mga ninja ito. "She's right, pagmamay-ari ng Montgomery ang babaeng ito. Once you lay your dirty hands on her, you surely regret it." Napalunok ang iba at napa-atras habang ang iba naman ay nakangising umiling-iling at cool na naglakad palayo. "She's really a Montgomery's property, but why so very over protective?" Bulong ng kung sino mang nagtatago sa taas ng puno. Ngumisi siya at patalon na umalis at nawala.

Matiwasay namang nagpatuloy sa pamamalengke sina Charm at nabanggit narin nila na mag-asawa sila. Habang pumipili si Charm ng mga prutas ay may nakita siyang mga lalaki at babae na nakasout ng uniporme. Dahil malalim anh kanyang pag-iisip ay hindi niya namalayan na nakain na pala niya ang mansanas na hindi pa niya nababayaran. Nabalik sa ulirat si Charm at napatingin sa kamay niyang may hawak na mansanas. "Ay hehe sorry po babayaran ko nalang po hehe" umiling ang nagbibinta at binigay nalang ito kay Charm, nagpasalamat si Charm at pinuntahan si Selsa at ang kanyang asawa.

"Lola Selsa may paaralan po ba dito? May nakita kasi akong naka sout ng uniform e" napahinto si Selsa sa kanyang ginagawa at seryosong tinignan si Charm. "Ahh oo, bakit?" Nagliwanag ang mukha ni Charm tapos bigla ring nalungkot. "Gusto ko sana mag-aral kaso baka papagalitan ako ng step mother ko e" nagkatinginan ang dalawang mag-asawa at agad ring hinawakan si Charm para pumunta sila sa ibang lugar. Agad na umupo si Charm sa gilid ng bunganga ng wishing well.

"Bakit ka naman papagalitan?"

"Nahinto kasi ako sa pag-aaral dahil kailangan daw mag-aral ng mga step sisters ko. Nasa bahay lang ako nakakulong at ginagawa ang gawaing bahay, habang sila malayang lumalabas. Ngayon nga lang ako nakalabas e, tumakas kasi ako" nadala narin ang dalawa dahil sa tono ng pananalita ni Charm

"kung gusto mo mag-aral, why not ask your master. Kaso tiyak na hindi papayag yon dahil ang paaralang iyon ay delikado" di nalang sumagot si Charm at tumayo na upang makauwi sila agad. Pagkarating nila sa palasyo ay agad na tinungo ni Charm ang office ni Atticus at kumatok ito. Pumasok din siya nong bumukas ito

"kakauwi mo lang?" Atticus coldly ask, tumango si Charm at hindi man lang naramdaman ang malamig na pananalita ni Atticus. Nagawa pa itong ngumiti at lumapit sa table ni Atticus "Master gusto ko mag scho--"

"no" sabi nito at muling binalik ang tingin sa kanyang ginagawa. Nalungkot si Charm kaya nakayuko siyang naglakad paalis. Lalabas na sana siya ng biglang nagsalita si Atticus. Bumuntong hininga mona ito bago sumagot "fine" nagliwanag ang mukha ni Charm at tumatalon pa ito sa tuwa "yepeey!! Thank you Master"

"in one condition"

"ano yon?"

"you're not allow to follow others command, i'm your Master so ako lang dapat ang uutos sa iyo maliwanag?" Tumango si Charm at nagsalute "masusunod Master!" Lumabas na ito at nakangiting naglakad papunta sa kanyang silid.

Sinister SeductionWhere stories live. Discover now