"Hindi ka ba talaga magsasalita?" Sigaw ko sa babaeng nakatitig lamang sa akin. Lahat ng tao nakatingin sa amin.Natapon niya 'yong juice sa damit ko. Sino ba naman ang hindi magagalit? Tapos wala man lang siyang sasabihin na kahit ano. Ano uupo lang ba siya sa sahig? Nakatitig lang sa 'kin?
"Wala ka bang sasabihin?" Hindi pa rin siya nagsalita. Kinuha ko 'yong juice na hawak ni Alice.
"Crystal-- tama na," hinawakan naman agad ni Mila 'yong braso ko, pinipigilan ako sa gagawin ko. "Bakit? Gusto mo bang pumalit diyan sa babaeng 'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay at agad naman niya akong binitawan.
Ibinuhos ko dahan-dahan sa kanya 'yong juice.
Never mess with me...
"Ano wala ka pa rin bang sasabihin?" Naubos na 'yong juice na binubuhos ko sa kanya ilan minuto lang.
"S-sorry," mahina at takot niyang sinabi. "Sa susunod, huwag na huwag mo akong babanggain. Ayoko kasi sa mga taong sumisira ng araw ko. Parang ikaw, ayoko sa 'yo."
"Um, sige na. Alis ka na hanggang may oras ka pa." Wika ni Alice. Agad naman siyang tumayo.
"Hindi. Diyan ka lang. Hindi ka aalis hanggang hindi mo pa ako nahahanapan ng uniform." Napahinto siya sa paglalakad.
"Pero, meron ka naman sa locker mo, Crystal."
"Mila, alam mo naman 'yong mga ayaw ko, hindi ba? Mananahimik ka o ikaw ang paghahanapin ko ng uniform ko?"
Alam nilang dalawa kung gaano kahirap humanap ng uniform namin kaya agad silang tumahimik. I know na scholar lang siya rito sa University.
First day na first day, sinisira nila 'yong mood ko. Mabait pa nga ako. Knowing na scholar lang siya, anytime I can kick her out.
Hindi ako gano'n kasama. Kapag may nagawa ka sa 'kin, then that is war.
"W-wala po akong sapat na pera. P'ede po bang 'yong isang uniform ko na lang?"
"Argh! Fucking bitch! Go, never bump to me again or else you won't see yourself inside Crystal University again." Umalis na ako dahil sa inis do'n sa babaeng 'yon.
She ruined my uniform!
Lumabas na ako sa cafeteria at naglalakad sa mahabang hallway.
"Hoy! Crystal Claire Garcia, ano na naman ba ang ginawa mo?" Sigaw ng isang palaka. Este, sigaw ni Kuya Ian.
"Ano? Ano na naman bang problema mo? Leave me alone, hindi na ako bata." Reklamo ko sa kanya. Papagalitan lang na naman niya ako for sure.
"Nabalitaan ko 'yong ginawa mo. Bakit mo ginawa 'yon?" Nakapamewang pa siya.
"Can't you see? She ruined my uniform. She deserves all of that." Inirapan ko siya, I don't care if you're much older than me.
"Look, how can I treat you like an Adult when you still act like this? Senior High School ka pa lang ganyan na sungay mo, pa'no pa kaya kapag nagcollege ka na?"
"I'm Seventeen, ok? I don't care." Seventeen na ako yet they treat me like a fucking child.
"Look, you don't have to act like this. You can be my baby, don't rush. Kapag naging mature ka na wala ng baby si kuya."
"Kuya naman!" Niyakap niya ako at hinaplos-haplos 'yong buhok ko. "You know, forget about the past."
"I can't."
Napabuntong-hininga siya at niyakap pa ako nang mahigpit.
"Oo nga pala, kailangan natin pumunta sa office mamaya para itour 'yong mga bagong students," humiwalay agad ako sa yakap at tumingin sa kanya. "Don't tell me, kasama na naman 'yong scholar girl na 'yon! If she's there, I won't go."
BINABASA MO ANG
Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)
RomanceVocabulary series #1 Sorry isn't in my Vocabulary | Season 1 I'm Crystal Garcia, a student and a daughter. I said, I don't need anyone, but what the hell. I know everything... every University and Academy secrets. I never needed a boy... he drugged...