*knock knock*
Ang aga pa..
"Ms., you have a package.." package? Wala naman akong inorder.
"Leave it on the table beside you," naglagay ako ng table sa labas ng kwarto ko dahil ayokong may pumapasok na ibang tao sa kwarto ko. Si Mommy palang ang nakakapasok dito sa loob at ayoko na may iba pang pumasok.
Tumayo ako at kinuha 'yung package.
Ito ba 'yung uniform ni Ashanti?
Binuksan ko na 'yung box at nay kasama na itong hanger. Inalis ko na ito sa box at nilapit sa uniform ko. Nag-ayos na ako ng sarili ko at nagbihis na.
Bumaba ako at nakita ko sila sa dinner table. "Crystal, come and eat.." alok ni Sera sa akin. Hindi ko siya pinansin pa at naglakad.
"Titigil ka o hindi ka makakalabas?" Rinig kong sabi ni Dad. Napatigil ako at hindi umalis sa kinatatayuan ko habang hawak ang damit ni Ashanti. "Pumarito ka at may sasabihin kami sa inyong dalawa.." nakangiting sabi ni Dad. Ang ngiting 'yon, huli kong nakita nung huli kaming naglalaro.. buhay pa si Mommy.
Pumunta ako sa kanila at nanatiling nakatayo sa may pinto. "Crystal, take a sit.." sabi ni Sera habang nakaturo sa upuan na katabi niya. "Ayoko, bilisan niyo at malelate ako sa ginagawa niyo.."
"Crystal!"
"Hayaan mo na 'yung bata.."
Hindi ako nakatingin sa kanila. Ayokong ayoko nakikita silang magkakasama.
"Ok, we have an announcement.. Crystal.." naramdaman kong nakatingin si Sera sa akin. "Ano?" Seryoso kong tanong sa kanya. "You'll be a sister.. you're having a baby brother or sister.."
What?
Ano?
Ha?
Parang tumigil ang mundo ko sa oras na 'yon. Hindi ko alam kung aalis ako o hindi. Gusto ko umiyak, gusto ko sumigaw ngunit hindi ko magawa. Nanghihina ang mga binti ko pero para akong nakapako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ko maintindihan.. wala akong maintindihan! Hindi ko alam kung ano ang takbo ng isip ko. Gusto ko tumakbo at pumunta kay Mommy pero hindi naman pwede dahil hindi kami pwedeng pumasok maya't maya ro'n.
Dahan dahan na akong tumalikod at mabilis na tumakbo at sumakay sa kotse. "Hindi ko tanggap.." mahinang pagkakasabi ko.
Umalis na kami papuntang CU.
Lalong hindi na ako mapapansin.. lalo na kong magiging basura sa pamilyang 'yon. Sino nga ba ako?
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Ang daming masasakit na isipin ang naiisip ko.
"Ms., we're here," narinig ko siya pero nanatili akong tulala. Inayos ko ang sarili ko at bumaba.
Lumakad ako pataas at pinagbuksan naman akk ng pinto. Nasa akin ang tingin ng lahat. Pumunta ako sa locker ko at sinabit ang damit ni Ashanti.
"Kanino 'yan?" Tanong ni Alice sa akin. Hindi ko siya sinagot. Wala ako sa mood makipagusap sa kahit na sino. Kinuha ko 'yung History book ko at pumunta sa first class ko.
May ilan ng tao sa loob pero hindi ko sila pinansin. Tulala lang ako at hindi ko napansin na marami na pala ang tao sa loob ng room. Pumasok na rin ang prof. namin na may kasamang student. Hindi ko sila tinignan pero kita ko na marami ang nakatingin sa akin.
"I know na some of you already know her, medyo nalate ang pagpasok niya dahil galing pa siyang Korea. Please introduce yourself.."
"Hi! I'm Reign Kim.. nice to meet you.. I'm back." Napatingin ako sa kanya at siya nga. Ang nagi-isiang Reign Kim. Ang Reign Kim na ayokong makita. Ang Reign Kim na..
BINABASA MO ANG
Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)
RomantikVocabulary series #1 Sorry isn't in my Vocabulary | Season 1 I'm Crystal Garcia, a student and a daughter. I said, I don't need anyone, but what the hell. I know everything... every University and Academy secrets. I never needed a boy... he drugged...