Chapter 3

27 8 44
                                    

"Crystal, sasabay ka kay Adrian." Napatigil ako sa pagkain at hinigpitan ang hawak sa knife at fork ko. 

"Hindi na po. Malalate ako, tatawagan ko na lang po siya," tumayo ako at kinuha 'yong bag ko. Nagmadali akong umalis. Baka rin kasi nasisira ko yong family breakfast nila. Nakakahiya naman baka masira ko pa ang bonding nila.

Lumabas ako at nakita ko 'yong sasakyan ni Adrian. Rinig 'yong tunog ng heels ko because I'm stomping my way to him. Nakasandal siya sa sasakyan niya.

"What are you doing here?" I said while my arms folded across my chest. 

"Nothing, I'm here to fetch you," binuksan niya 'yong pinto ng kotse siya. "Ayoko nga sumakay."

"Halika na. Ang arte mo." Hinila niya ako sa loob at isinara 'yong pinto. 

Inistart na niya 'yong sasakyan niya at tahimik lang kami buong byahe. Ayoko siya kasama 'no. 

Bumaba agad ako pagkapark niya. Bumaba rin siya at napatigil ako sa sinabi niya.

"Pa'no 'pag naagaw ko sa 'yo ang rank mo? Magagalit ka ba?" Magagalit nga ba ako? Tumalikod ako para humarap sa kanya.

"Tingin mo ba hahayaan kitang gawin 'yon? Syempre magagalit ako. Bawiin mo na lahat 'wag lang ang rank ko." Kung makakapatay lang ang tingin, patay na siya. Ang sama nang tingin ko sa kanya.

"Bakit parang ang laki nang halaga sa 'yo ng rank mo na simula bata ka pa lang top 1 ka na?" Lumapit siya sa 'kin at bumaba nang konti dahil mas matangkad siya sa 'kin. Siguro 5 inches na lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa. 

"Buhay ko. Hindi mo maiintidihan dahil meron kang perfect family." Iniwan ko na siya at dumiretso sa locker ko. 

Binuksan ko 'yong locker ko at kinuha 'yong mga kailangan ko.

"Tangina. Bipolar ba 'yong lalaking 'yon, parang kagabi lang ang ganda ng usapan namin tapos ngayon gusto niyang agawin 'yong rank ko?" 

"Sino kausap mo?" Boses ni Mila 'yon. 

"Don't give a fuck about that." I slammed my locker hard. Hindi ko na siya inisip pa at umalis na. Pumunta na 'ko sa first class ko at nakita ko si Adrian sa loob.

Ano ba 'to kasama ko kahit saan. At bakit ang bakanteng upuan lang ay sa tabi niya. Tumingin ako sa paligid at kung kanino lumanding ang mata ko ro'n ako uupo.

JACKPOT! Kaklase ko pala 'to. The new girl who ruined my uniform. 

Naglakad ako papunta sa kanya. 

"Tayo. Do'n ka sa tabi ni Adrian." Hindi pa rin siya tumayo. Pumasok 'yong professor namin. Tahimik ang lahat at nagbalikan sa sarili nilang upuan.

"Tumayo ka diyan habang mabait pa 'ko." Dinedma lang niya ako.

"Ang sabi ko tayo!" Sumigaw na ako. 

"Sige na, tayo ka na." Narinig kong sinabi ng professor namin. Tumayo lang siya nung sinabihan siya nung prof. 

"Aalis din pala." Umirap ako me being me, kinuha ko 'yong alcohol and spray it on the seat. 

"Arte," narinig kong sinabi ni Adrian. "Sorry, pero I don't like germs and viruses to be transmitted to me."

"E di waw."

Umupo na 'ko at inayos 'yong gamit ko. Bakit ba kasi may mga scholars pa, they don't belong here.

"Crystal," tawag sa 'kin nung prof. "What?"

"Nothing, please don't do that again," what? I can do what I want.

Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon