Chapter 18

3 1 0
                                    

"Welcome to Deviltry Academy, a special academy for special students."

Busy sila sa kakatingin kung saan-saan at kita sa mukha nila na mangha na mangha sila. Kapag nasa loob ka na ng Deviltry Academy ay para ka nasa ibang mundo. Totoo naman na nasa ibang mundo ka, pero nasa Earth ka pa naman kahit papaano.

Pumasok na ako sa isa sa mga daan at lumakad na. Hindi ko na tinignan pa ang likuran ko dahil iniisip ko na sumunod naman na sila. Ang papasok sa Deviltry Academy ay parang maze kung saan maraming daan, ang pinagkakaiba lang ay kada isang daan, wala ka na pagpipilian pa na left or right dahil isang tuloy na daan na ito papasok sa Deviltry Academy.

Lumiko ako dahil 'yon naman ang daan at wala na ibang daan pa. Ilan minuto pang lakad ay nakarating na ako sa main building ng Deviltry Academy.

"Crystal!" malakas na sigaw ni Galaxy habang papataas pa lang ako sa hagdan na papunta sa pinto. Nang makarating na ako ay agad naman niya akong niyakap ng mahigpit. Matagal din kaming hindi nagkita dahil hindi naman sila puwede basta lumabas ng Deviltry Academy at mahirap din pumasok dito kaya naman hindi rin ako basta-basta makapunta.

"I miss you. Nasaan nga pala ang mga kasama mo? I'm excited to meet them." Nagtataka siya nang hindi niya makita ang iba.

"Iniwan ko muna. Let them explore Deviltry Academy more besides suot naman nila ang mga kuwintas kaya hindi sila mapapahamak, 'wag nga lang sila tatanga-tanga."

"Pero delikado, paano kung mapahamak sila?" masyadong mabait ang babaeng ito kaya naman hinatak ko na siya papunta sa upuan na nasa gilid.

"So, tell me. Ano ba ang hindi ko alam tungkol sa'yo, ano na ang nangyayari?"

Mabait siya, pero kapag chikahan ay mabilis siya madistract. Madaldal din si Galaxy katulad ni Alice. Naaalala ko si Alice sa kanya dahil pareho silang madaldal, mas malala lang si Alice. Si Galaxy ay stage 1 pa lang pero si Alice ay stage 4 na ang kadaldalan.

"Wala naman masyadong bago, marami pa rin sa 'min ang hindi natatagpuan ang mga source of specialties nila. Alam mo naman kapag wala 'yon."

"Teka, binabalik na ang mga specialties? Bakit? Matagal na tinaggal ang mga 'yon."

"Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang nila naisipan ibalik ang mga ito, pero pinapahirapan pa ang lahat kaya naman si Daisy at Star pa lang ang nakakahanap. Every week naghahanap ang lahat. Two months na at dalawa pa lang ang nakakahanap. Can I tell you a secret?"

"Oo naman. You can trust me."

Tumingin muna siya sa paligid, mukhang seryoso ang sekretong ito.

"I found mine... matagal na. Three years ago ko pa ito nakita. Tanda mo ba nung sinabi ko sa'yo na isang moon ang akin at matagal na 'yon pinahahanap sa 'kin? My family helped me, pero hindi pa muna namin ito nilalabas at pinaaalam dahil may' problema at isang malaking problema ito. Hindi basta-basta."

"Ano naman 'yon? Pamilya mo ang pinakamakapangyarihan sa lahat kaya naman ano ang problema?"

"Tama ang napapunta sa 'kin. Ang moon element kung saan kaya ko mag-control ng kahit anong element, kaya ko gayahin ang lahat ng element kaya naman ito ang pinakamalakas sa lahat, pero nang subukan namin 'yon ay hindi man lang umilaw nang hawakan ko 'yon. When my Mom and Dad hold it, it lit up meaning it's the right element and it belongs to our family, pero kapag ako na ang humahawak ay agad itong namamatay. Nawawala ang pagliwanag nito at hindi ko alam kung bakit... hindi namin alam kung bakit at kung ano ang problema."

"Maybe you need a little practice. Siguro hindi pa lang sanay ang element sa'yo kaya naman nahihirapan itong sumunod sa'yo."

"I don't know. Crystal, tatlong taon na... three years na namin tinatago ang moon element, ang pinakamalakas na element at araw-araw ko ito hinahawakan at inuutusan, pero hindi man lang ito umiilaw kahit na isang segundo lang. impossible naman na sa loob nang tatlong taon ay hindi pa sanay sa'kin ang moon element. Nalilito ako dahil nang mahawakan ni Daisy at Star ang mga elements nila ay agad naman itong umilaw at kusang sumama sa kanila. Nagpaabsorb pa ang mga ito sa kanila kaya naging tattoo ang mga ito at nasa loob na ng katawan nila at magagamit na nila ito."

Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon