Chapter 16

7 1 0
                                    

2 months later...

"Go and get some more right over there," tinuro ko sa isang volunteer na estudyante. Bukas gaganapin ang sports competition at ngayon na namin kailangan asikasuhin ang venue.

"Marami pa bang kailangan dito? Bibisitahin ko lang ang basketball court para makita ang process doon."

Lumabas na ako at pumunta na sa basketball court. Sinarado nila ang gate para walang makapasok dito. Malaki ang basketball court namin kaya p'wede magkasya ang tatlong University or Academy.

Pagpasok ko ay nakita kong abala ang lahat sa kaniya-kaniya nila. Si Alice ang in-charge sa basketball court at sa mga kailangan ng basketball team.

Nilagay ko naman si Adrian sa mga delivers dahil p'wede naman siyang magbuhat. Si Mila naman ay hindi ko makita kahit ilan beses ko siyang hanapin.

Tinignan ko ang lahat at mukhang ok naman ang ginagawa nila. Nang masigurado ko na ok ang lahat kahit na hindi pa sila tapos ay lumabas ako at pinuntahan si Adrian.

Papunta ako kay Adrian nang makasalubong si Reign. Nagpanggap lang ako na hindi ko siya nakita ngunit humarang siya sa daan ko at tinignan ako sa mata.

"Anong kailangan mo?"

"Getting ready to see them, huh. Sa tingin ko ay hindi sila matutuwa kapag nakita ka nila."

Mahina akong tumawa sa sinabi niya.

"I don't care. I'm not there for them nor you, I'll be there for 'MY' university and I'm telling you na MY university doesn't need you there. Hindi ka kawalan kung hindi ka pupunta. No one needs you there."

Wala na siyang sinabi pa at inalisan ko na siya. Hindi na ako interesado sa mga sasabihin pa niya. Hindi naman talaga siya kailngan sa event dahil wala siyang gagawin do'n. She'll just flirt with students.

Pumunta ako kung nasaan si Adrian at hindi ko naman siya nakita sa p'westo niya. 

Nasan kaya 'yon?

Tumingin ako sa paligid ko at kahit anino niya ay hindi ko makita. Iniisip ko na baka nagcr lang siya. 

"Ma'am, saan po ba namin ilalagay 'tong mga box na 'to?" Tanong sa 'kin nung isa sa mga lalaking nagbababa ng mga kahon. "Doon," tinuro ko sa kanya kung saan niya puwedeng ilagay ang mga box na dala nila.

Ibinaba nila nang maingat. Umupo ako sa upuan ni Adrian at tinignan ang listahan sa ibabaw ng lamesa niya. Tinignan ko muna ito ng panandalian. Listahan ito ng mga darating na orders para sa event.

Wala pa itong mga check marks, hindi ko pa rin alam kung nasaan si Adrian. Nilapitan ko ang mga kahon at tinignan ito isa-isa. Chineck ko ito isa-isa at binuksan ang iba sa mga ito.

Napansin ko ang limang kahon sa pinakagilid. Hindi ba ito ang mga kahon na hawak-hawak ng mga lalaking nagtanong sa 'kin kung saan ilalagay ang mga kahon na ito. Napansin ko na meron itong nakaprinta na spade sa kahon.

Pinagmasdan ko ito at hindi ito pamilyar sa 'kin at ngayon ko lamang ito nakita. Isa itong itim na spade na makikita mo sa mga baraha at meron itong A sa gitna at  may' chain na kulay itim na nakapalibot dito.

Ano ito? Hindi ko pa nakikita ito sa buong buhay ko. Kanino ito? Kanino itong symbolo na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.

Binuhat ko ito para tignan kung mabigat ba ito. Hindi gano'n kabigat ang kahon kaya iniisip ko na hindi mabigat ang laman nito. Tinignan ko muna kung may' tao ba sa paligid ko. Nang masigurado kong wala ay agad kong nilabas ang cutter na nakita ko sa lamesa ni Adrian. Binaliktad ko ito at binuksan sa ilalim. Marami itong shredded paper. Hinanap ko ang laman nito at may' nahawakan ako. 

Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon