Kinabukasan"Crystal!" Lumingon ako para tignan kung sino ang tumatawag sa 'kin.
"Hahatid na kita," si Adrian. "No."
"May gagawin ka ba mamaya?"
"Wala."
"Kamusta si tita?" Napatigil ako sa paglalakad. Tita? Si Mommy ba? "Ok lang."
"Ang tipid mo naman magsalita," tinignan ko siya ng masama. "Ba't mo ba kasi ako kinukulit? Ang pagkakaalam ko you're here to make me happy not to make me mad."
"Lagi ka naman galit," pabulong niyang sinabi. "Excuse me?"
"Ganto na lang, tutal wala ka naman palang gagawin mamaya e di labas tayo. Amusement park?"
"At bakit ako papayag na pumunta sa amusement park?"
"Dahil masaya?"
"No, ang daming bata na ang iingay noh. I don't like kids."
"Dali na, minsan lang naman. Bibilhan kita ng donut kahit isang box pa," hm? Donut?
"Ok, deal," gusto ko nama talaga sumama. I miss going to the amusement park with my Mom.
"Sige, mamaya sharp 4:45 pm susunduin kita."
"Ok, 4:45 pm. 'Wag kang malalate o else hindi ako sasama."
Nagmadali na 'kong pumunta sa classroom ko.
Putcha classmate nga pala kami.
"Ayaw mo pa rin umupo sa tabi ko?" Tanong niya sa 'kin. Inirapan ko siya at umupo sa chair ko.
"Akala ko ba friends na tayo?" Friends? Wala akong sinabi na friends na kami. We only have connections and not friends. "Kailan pa tayo magkaibigan? I can't remember na may sinabi akong friends na tayo."
"5 minutes ago?"
"Can't remember. I only told you some things pero never kong sinabi na friends tayo," inilabas ko 'yong notebook ko. "E di hindi. Bakit ka nagagalit?"
"Kasi ang kulit mo!" Sabay pasok naman ni Mr. Cruz. "Oh, Crystal, early in the morning sumisigaw ka."
Hindi ko na siya sinagot pa. "Ok, class, alam ko na ilan araw palang kayo pumapasok at naiintindihan ko kung nahihirapan pa magadjust ang iba sa inyo. Magkakaroon tayo ng clubs kung saan kailangan niyo salihan ang isa man lang sa mga ito. Marami kayong pagpipilian, the clubs are for learning kaya naman 'wag kayo matakot sumali sa club na gusto niyo pero hindi niyo kaya or hindi niyo alam kung papaano dahil clubs are meant for learning kaya kung gusto niyo mahanap ang talent niyo, you can join sa gusto niyong clubs. Pwede na kayo pumunta mamayang lunch time sa kabilang building dahil gusto ni Dean na doon ang lahat ng clubs."
"Sir, ano ano po ba ang mga clubs?" Tanong ni Alice.
"Katulad nang sabi ko e marami kayong pagpipilian katulad ng singing, dancing, writing, acting, meron din club para sa mga mahilig sa math at gusto pa lumawak ang kaalaman sa math, there are many options for everyone."
"Mr. Cruz! Meron po bang modeling?" Sigaw ni Adrian. Tsk, modeling, why is he interested sa modeling. Kalalaking tao gusto modeling.
"Yes, there is and I also expect na sana meron ni isang student ko dito sa class na 'to ang sasali para naman we have someone to represent our class," mukhang mataas ang expectation niya sa 'min.
"Crystal! Eto na 'yung opportunity mo, 'di ba gusto mo maging model?" Bwiset putcha. Pa'no niya malaman? Manghuhula ba 'tong lalaking 'to? "Crystal? Are you interested? To be honest, maganda ka and you're also tall kaya pwedeng pwede ka sa modeling."
BINABASA MO ANG
Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)
RomanceVocabulary series #1 Sorry isn't in my Vocabulary | Season 1 I'm Crystal Garcia, a student and a daughter. I said, I don't need anyone, but what the hell. I know everything... every University and Academy secrets. I never needed a boy... he drugged...