Chapter 19

3 1 0
                                    

"Adrian, can I ask you something?"

"Ano 'yon, Crys?"

"You want me to be yours and only yours. You want to make me smile and be yours... do you like me?"

"Crys, I don't know..."

I don't know? What kind of answer is that?

"Just tell me. Please. Tell me a clear answer. Again, I'll ask you... do you see me as a friend or more? Do you like me?"

"I-I don't know, Crys. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Maybe I like you as a sister and not as anything, pero hindi ko alam kung tama ba."

"'Wag ka ngang duwag! Just tell me. Please, don't let me suffer."

"Suffer? Suffer from what? What if I ask you the same question, Crys?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Crys, do you like me?"

Yes, Adrian. I do like you... matagal na. I'm also suffering 'cause I want you for me and just for me.

"Hindi ko 'yan sasagutin kung hindi mo rin sasagutin. I won't risk anything, Adrian. Please stop calling me Crys if you're unsure and confuse if you like me or not. Crys is too special to me."

Tinaggal ko na ang kamay ko sa dibdib niya at binuksan na ang luggage ko para kumuha ng damit. Hindi ko na siya tinignan pa.

Bumaba na ako dala ang damit ko at ang mga toiletries ko. Nilagay koang toiletries ko sa ibabaw ng lababo at sinampay ko naman ang damit at towel ko. Pumasok na ako sa loob kung nasaan ang shower at nagiisip habang naliligo.

"'Yon na 'yong chance niya kanina... bakit... bakit niya sinayang? Oo lang naman ang isasagot mo dahil oo rin ang sagot ko sa katanungan, pero kung hindi ang sagot mo... hindi rin ang sagot ko. Natatakot ako, Adrian. Pero sana kung hindi niya 'ko gusto, tigilan na niya ang pagbibigay ng motibo dahil umaasa ako at natatakot ako na hindi kami pareho. Nagbigay ka ng motibo since day one and hindi ko na nagugustuhan dahil nahihirapan na ko."

Pumikit na lang ako at pinagpatuloy ang pagligo. Nasaktan ako ng kaunti, pero hindi ko alam na ganito ako kalungkot.

Pagkatapos, nagbihis na ako at humarap sa salamin habang tinutuyo ang buhok ko. Nagtoothbrush na ako at lumabas na dala ang mga gamit ko. Lumabas na ako at pumasok na sa luwarto. Hindi ko na tinignan pa siya, nilagay ko na sa lamesa na malapit sa higaan ko at humiga na sa higaan na malapit sa bintana.

Kahit ayoko sa maliwanag, sa bintana ako tumapat at pinikit ko na ang mga mata ko. Hindi ako makatulog dahil hindi ako sanay na maliwanag kapag matutulog at dahil nasa Deviltry Academy kami ay parang spotlight ang buwan kaya impossible na makatulog ako.

Narinig ko na papalapit siya sa 'kin. Naramdaman ko na lang ang braso niya na niyakap ako at umangat ang buong katawan ko mula sa kama. Buhat niya ako. Naglakad siya at naramdaman ko naman ang katawan ko na nakahiga sa malambot na kama.

Dinala ba niya ako sa kama niya?

Naramdaman ko naman na tumabi siya sa 'kin att niyakap ako ng mahigpit. Hawak niya ang likod ng ulo ko at sinisiksik niya ako sa dibdib niya.

"Alam kong gising ka pa. Alam ko rin na hindi ka makakatulog dahil sa liwanag na galing sa bintana. Kung nasaktan man kita kanina... sorry. Hindi ko talaga alam kung ano ang totoo kong naramdaman. Soon... I will know. Hug me back... please."

Kusa naman gumalaw ang mga braso ko at pinulupot ang mga braso ko sa bewang niya. I like this feeling...

Para siyang lullaby... nakakaantok.

Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon