Chapter 10

8 1 0
                                    

"Hihihi ang cute nilang tignan.."

"Tignan mo sila, oh.."

"Picturan ko lang sila.."

"Ilan beses na kaya silang nagtabi?"

"Ang cute talaga nilang pagmasdan.."

"Hindi ka ba napapagod kaka-dada mo?"

"Hindi. Ang cute kasi nila."

Nagising ako sa ingay na naman ng bunganga ni Alice. Hindi ba talaga napapagod ang bunganga nitong babaeng 'to?

"Gising ka na pala," malakas na sabi ni Alice. "Oo, ang ingay ng bunganga mo."

"Hindi ka pa nasanay.."

Tahimik na naman si Mila katulad ng kahapon.

"Ba't ba ang ingay mo?"

"Ang cute niyo kasi hihi.." napatingin ako kay Adrian at nakaunan siya sa kaliwang balikat ko at yakap-yakap niya ang bewang ko.

"Hoy! Gising!"

"Wait. Anong oras na?"

"Um, 8:00.."

"8? Bakit nandito pa kayo? Wala ba kayong pasok?"

"10 ang start ng class namin, pero ang alam ko si Adrian 7 ang start ng class niya."

"Adrian.." tinapik-tapik ko ang braso niya. "Adrian, you have classes.."

"Mmm.." hindi pa rin siya nagmulat. "May pasok ka.."

"Hindi na ako papasok, nagsabi na ako kagabi kay tito," hinagpitan pa niya ang yakap niya sa 'kin.

Nagsabi kay tito? My Dad?

"Bakit muna hindi ka papasok?"

"Babantayan kita kasi sabi ng doctor mo ay tuturukan ka ngayon," hindi ako takot sa turok, pero ayoko lang ang pakiramdam nito.

"Maliligo muna kami. Pagamit ng cr ha!" Hindi ko na siya sinagot pa dahil baka sumumpong ang kadaldalan niya.

Hinayaan ko munang matulog si Adrian dahil hindi ko alam kung anong oras siya natulog. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ko siyang matulog sa balikat ko. Ang sarap sa pakiramdam..

Biglang bumukas 'yung pinto at..

"Crystal!"

Ang ilan sa mga classmates namin..

No..

ANONG GINAGAWA NILA RITO?

Nakanganga silang lahat at tinitignan ang tulog na Adrian sa tabi ko.

"A-Adrian.."

"At sino ang may sabing pumunta kayo rito?!" Sinigawan ko sila at naramdaman kong gumalaw na si Adrian. Tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa mga bwiset na dumating.

"Anong ginagawa niyo rito?" Seryoso niyang sinabi. Hindi ko inaasahan na seryoso ang tono ng boses niya. Hindi pa rin siya gumalaw sa p'westo niya.

"Alis na lang ulit kami." Sabay-sabay silang tumalikod at naguunahan lumabas. Pagkasara ng pinto ay bumalik na ulit si Adrian sa pagtulog niya.

"Hindi ka pa ba gigising?"

"Mamaya na.." mahina niyang sabi.

Wala talaga siyang balak pumasok. Seryoso siya sa hindi niya pagpasok.

"Sigurado ka bang ok na kayo? Papasok na kami sa school. Pwede na ba kayong iwanan?"

"Oo, wala naman kaming gagawin na kakaiba kaya 'wag kayong mag-alala."

Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon