"Bakit namumula ang pisnge mo?"
"Wala.. nakatulog ako at napasarap ata ang tulog ko."
"Crystal, alam ko ang pamumula ng tulog.. sinong sumampal sa'yo?"
"Alam mo naman pala bakit mo pa tinatanong?"
"Sino? Come on tell me."
"Wala nga sabi.."
"Dad mo ba?"
"Wala ka ng pake ro'n.."
"Meron. Pa ano kita pasasayahin kung ganitong nasasaktan ka.."
"Masaya ako.. hindi na ako nasasaktan sa sampal dahil sanay na ako. Gawin mo lang ng tama ang mga gusto mong gawin sa akin at paniguradong magiging masaya ako." walang ekspresyon kong sabi sa kanya. "'Wag kang mag-alala dahil sampal lang 'to, normal na bagay para sa 'kin.."
Tinalikuran ko siya at pumasok sa kwarto. Gising na si Ashanti. Ano ba ang ginagawa mo Adrian at bakit hinahayaan kitang gawin mo ang lahat ng gusto mo sa 'kin.
"Come on, saan niyo gustong pumunta?"
"Um.. hindi na ako sasama," aniko. "Why?" tanong niya. "Dito ako sa dorm ko tutulog.. ayoko umuwi sa bahay niya.."
"Hindi ka pa nakain, anong gusto mong kainin?"
"'Wag na.. busog pa ako.."
"Gusto mo sa bahay ka matulog? Wala naman sila Mommy at marami naman guest rooms."
"Hindi na, I'm fine.. I've done this before.."
"Sige, take care.. pupuntahan ka namin ni Ashanti dito bukas." Tumango lang ako at umalis na.
Nagbihis na ako at humiga na.
KINABUKASAN
Naligo na ako at nagsuot ng simple pero maikli at hapit na dress. Club namin ngayon at pwedeng hindi maguniform.
Bumaba na ako at halos lahat ng students ay nakapantalon. Wala naman akong pake kung naiiba ako.
Pumasok muna ako sa room at naupo.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mangyayari. Everything will go smooth kung hindi magiging bida-bida si Reign. Kailangan kong ilayo si Adrian kay Ivy. Si Ivy ang taong kayang saktan ang kahit na sino.
"Ano iniisip mo?"
Napatingin ako sa likudan ko at si Adrian lang. "Wala. Nasan si Ashanti?"
"Umuwi ang Grandmother ko kaya naman pinaiwan na niya si Ashanti para naman daw makasama niya ang apo niya.." tumingin siya sa 'kin. "Ikaw, anong iniisip mo at kanina pagpasok ko tulala ka."
"Wala.."
"Tsk," umupo na siya sa upuan niya at sabay naman dumating ang ibang students. Ilan minuto pa at pumasok na rin ang prof. namin.
"Ok, every Friday is our club day and you can wear whatever you want and umm.." tumingin naman siya sa 'kin. "What?" Tinaasan ko siya ng kilay. "N-nothing.. ok, you can all go to your own clubs and behave.. especially Reign and Crystal, please, behave like a woman not like five year olds.." sabay naman siyang umalis.
Lumapit si Reign at saka tinuunan ang desk ko. "I heard na we're at the same club and that that club is included in the sports competition.."
Pa'no niya nalaman na kasama ang modeling sa sports competition at na magkakaroon ng sports competition?
"And who said that?"
"I have my ways.. I have connections.." she said with a smirk. "I have friends.. not like you.."
BINABASA MO ANG
Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)
RomanceVocabulary series #1 Sorry isn't in my Vocabulary | Season 1 I'm Crystal Garcia, a student and a daughter. I said, I don't need anyone, but what the hell. I know everything... every University and Academy secrets. I never needed a boy... he drugged...