Chapter 12

6 1 0
                                    

*buzz buzz*

Nagvibrate 'yung phone ko na naging dahilan kung bakit ako napatayo.

Isang tao lang naman ang hinihintay kong tumawag sa 'kin ngunit pag tingin ko ay pangalan ni Alice ang lumitaw.

Sinagot ko ang tawag niya.

"What do you need?"

[Crystal, where are you? Nakalimutan mo ba na ngayon ang dating ng mga tiga Cosa Nostra? At dadating sila before lunch siguro mga 9 at ano na 7:30 na..]

Ngayon pala 'yon. Hindi ko man lang naalala. Masyado ata akong maraming naiisip nitong nakaraan na araw.

[Bilisan mo na. Sabi ko nasa library ka lang, inaayos mo 'yung mga aaralin mo mamaya dahil kanina ka pa nila hinahanap. I know you don't like being late kaya naman first time 'to.]

Binabaan ko na siya ng linya dahil alam ko na parang essay na naman ang mga sasabihin niya. Ang dami niyang naiisip kapag nagsasalita, pero kapag defense naman wala masabi at akala mo naputulan ng dila.

Walang gana ako tumayo at pumasok sa cr. Hinubad ko ang mga damit ko at pumasok na sa shower. Ang daming mga tanong na pumapasok sa isip ko.

"Pa 'no kung ito na ang katapusan?" Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy na paliligo.

Pagkatapos ay tinuyo ko na ang sarili ko at nilabas ang uniform ko. Sinuot ko na ang polo ko at ang palda ko. Sinuot ko na rin ang coat ko.

Inayos ko ang sarili ko dahil hindi p'wedeng makita akong ganito ni Ivy dahil paniguradong gigisahin niya ako kapag nakita niya ako sa sitwasyon na ito.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas. Umasa akong pagkababa ko ay may Adrian na naghihintay sa 'kin para pumasok ngunit wala akong nakita na Adrian.

Dumiretsyo ako sa office.

"Crystal, bakit ngayon ka pa lang? Kanina ka pa hinihintay ng lahat at malapit na raw ang mga bisita," bungad sa 'kin ni Ms. Dean. "'Wag niyo ko pagsabihan ngayon dahil hindi ko gusto ang mga bisita ngayon at iwan ko kayo mag-isa."

Nilapag ko ang bag ko at nagtayuan naman na silang lahat. School president, si Ms. Dean, ako, at ang history professor namin ang kasama. I don't even know kung bakit kailangan nila gawin 'to. Ivy knows the university well.

Nauna akong lumabas at simunod naman silang lahat sa 'kin. Lumabas na ako sa main entrance ng main building at tumigil sa hagdanan. Nagsitigil din sila at dahil mainit ay meron nga tao na tiga hawak ng mga payong.

"Wala pa ba sila? Ang usapan natin ay 9. Anong oras na at wala pa rin sila."

"Crystal, baka naman natraffic lang," ani Ms. Dean. Inirapan ko alng siya at natanaw ko na ang kotse ni Ivy.

Here comes the devil..

Huminto ito sa ilalim ng hagdanan at bumaba sa sasakyan niya. May sumalubong naman sa kanya na tiga payong.

Inilibot muna niya ang kanyang mata na parang naninibago sa University at tsaka tumingin sa 'kin. She smirks at me. Suot niya ang uniform nila.

Naglakad siya hanggang sa 'baba ng hagdanan at hinintay maka baba ang mga nasa iba pang sasakyan na kasama niya.

Unang dumating si Ivy Adrianna Massera, the highest student and most powerful not only inside Cosa Nostra, but also outside. Second, Mr. Perez, ang tiga ayos ng gulo at ang sinisigurado na walang makakalabas sa publiko. Third, Shin Evander Dela Peña, ang second most powerful student at ang playboy ng Cosa Nostra, siya rin ang nagliligpit ng gulo at nagaasikaso sa mga katawan or should I say dead bodies. Fourth, Alyssa Celeste Molina, third and last powerful student of Cosa Nostra, she's a hacker kaya naman kapag may nakakalabas sa media na tungkol sa nangyayari sa loob ng Cosa Nostra ay agad nawawala 'yon ay dahil sa kanya. She's smart and deadly.

Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon