Friday
"Ok, please go to your own clubs.."
Nagtayuan na lahat at agad na kong lumabas. Pumunta na ako sa building kung nasaan ang mga clubs.
Pumasok na ako dala-dala ang heels ko at umupo.
"Crystal, sa gym daw tayo magprapractice para malaki 'yung lalakaran," hindi ko siya sinagot pa at sinuot na lang 'yung heels ko.
Pumunta na ako sa gymnasium namin at aircon naman do'n kaya naman hindi mainit.
"Here's our star," bungad sa 'kin ni Ms. Mei."
"Ilatag niyo na ang red carpet para makapagpractice na kayo," sabi niya habang nakatingin sa 'kin. "Inuutusan mo ba ako?"
"Ahhh.. hindi. Um, sige Criz ilatag mo na ang carpet.."
Inilatag ni Criz ang carpet at isa-isa kaming naglakad.
"Fabulous, Crystal!" Sigaw ni Ms. Mei nang naglakad ako. I have experiences, but that was years ago. This was my dream.
Marami silang inayos kay Reign dahil hindi naman siya marunong. Feeling amputa.
"Ok, lunch time! Tapos na rin ang class natin. Kayo na ang bahala kung gusto niyo pa ba bumalik dito o hindi na."
Naglabasan na ang lahat habang kami naman ni Reign ang natira sa loob.
"Hi, bitch!" Tawag niya sa 'kin. "Oh, Hi, trying hard!" Nandilim naman ang paningin niya.
"Trying hard!?"
"Oo, minutes ago, you were trying hard on modeling.."
"I was not!"
"You are. The cctv can tell.."
"Well, ok, I was trying hard and what do you call yourself?"
"Professional.."
"Hm, ok. So, where's Adrian? I see that he's not with you haha ano nagsawa na ba siya sa 'yo? O hindi na kinaya ang attitude mo? Which one?"
"I don't need him.." no. I need him.
"Really? To bad, I need him.."
Lumabas na siya at naiwan akong mag-isa. Nagtatampo pa rin ako kay Adrian.
"Crystal?" tumingin ako sa pintuan at nakita ko si Alice at Mila. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Alice. "Hindi pa."
Naglakad ako palabas at sumunod naman na sila. Habang naglalakad ay may lalaking tumatakbo at bumangga sa 'kin.
"Ano ba? Haharang-hara-," hindi niya natuloy ang sinasabi niya nang tumingin siya sa 'kin. "C-Crystal.. s-sorry, hindi ko s-sinasadya.." tinignan ko lang siya at hindi nagsalita. Tumungo lang siya at astang aalis na.
"Stay."
Tumigil siya at tumingin sa 'kin.
"Run.. gusto kong ikutin mo ang labas ng main building ng.." napatingin siya sa 'kin at iniintay ang sasabihin ko. Inilibot ko ang paningin ko at natanaw ko si Adrian na pinapanood kami. "When's your birthday?"
"January 26.."
"Ikutin mo ang labas ng main building 26 times and I want you to run," nanlaki ang mga mata niya. "Follow me."
Lumabas na kaming apat at umupo ako sa hagdanan. Nakatayo lang siya at nakatingin sa 'kin. "Ano magtititigan na lang tayo?"
Nagsimula na siyang tumakbo at hindi biro ang laki ng main building namin. This is the biggest building in the university.
BINABASA MO ANG
Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)
RomanceVocabulary series #1 Sorry isn't in my Vocabulary | Season 1 I'm Crystal Garcia, a student and a daughter. I said, I don't need anyone, but what the hell. I know everything... every University and Academy secrets. I never needed a boy... he drugged...