Chapter 11

6 1 0
                                    

Nakalabas na ako ng ospital at sa dorm pa rin ako umuwi. Ayoko umuwi sa impyerno.

Wala pa akong gana pumasom dahil para pa akong nanghihina. Ang sabi ni Adrian, susunduin niya ako, pero hindi niya sinabi anong oras.

"Bumangon ka na. Sabi ko dadaanan kita, pero hindi ka pa rin pala bumabangon."

"Mamaya na.. inaantok pa 'kooo.."

"Crystal, bumangon ka na. Hindi eepekto sa 'kin ang pag-iinarte mo. Hindi ako ang yaya mo!" Hindi ko siya pinansin at lalong hinigpitan ang yakap ko sa unan ko.

"Kingina naman, Crystal," ramdam ko na ang inis niya. Hindi ko man siya nakikita, pero ramdam ko ang inis niya.

"Hindi ka talaga babangon?"

"Mm.."

"7:45 na. Kapag hindi ka bumangon, bubuhatin kita ng ganyan ang suot mo at dadalhin kita sa classroom.."

"Mamaya na nga!" Nakapikit ko pa rin sabi. "Kapag hindi ka pa bumangon.."

"Isa!"

"One and a half," biro ko.

"Dalawa!"

"Tatlo?"

Pagkasabing-pagkasabi ko ng tatlo ay naramdaman ko na bigla na lang akong umangat sa higaan ko, yakap-yakap ang unan ko.

"E-Eto na.. kikilos na. Ibaba mo na a-ako."

"Tsk. Takot ka naman pala," hindi pa rin niya ako ibinaba. Naglakad siya papunta sa cr ko. Ibinaba niya lamang ako nang nasa may pintuan na kami ng cr ko.

"Bilisan mo. Ayoko ma-late.." aniya at sabay umalis.

"Bilisan mo. Ayoko ma-late.." pabiro kong inulit ang sinabi niya. Naligo na ako at nagtoothbrush. Kinuha ko na 'yung uniform ko na nakasabit sa loob ng cr.

Nilagay siguro 'to ni Adrian. Nagbihis na ako at inayos ang sarili ko. Lumabas na ako at nakita kong may dala siyang donut.

"Ano 'yan?" sabi ko habang nakaturo sa donuts. "'Yan? Bumalik na sila Mommy at Daddy tapos binigay sa 'kin.."

"Is that for me?" natutuwa kong sabi habang tumatakbo papalapit sa kanya.

"No. Hindi para sa 'yo 'yan kaya 'wag na 'wag mo gagalawin." Malamig ang boses niya.

Anong meron do'n? Parang may regla bigla na lang nawawala sa mood.

Tinignan ko lang 'yung donut at gusto ko itong kainin. Kapag ba kumuha ako, magagalit siya?

Binuksan ko 'yung box at pinagiisipan kung kukuha ba ako. Dadampot na sana ako ng isa nang dumating si Adrian. Mabilis niyan nasara ang box na ikinagulat ko.

"'Di ba sabi ko 'wag mong pakikialaman?" Malamig pa rin ang boses niya. Nakakatakot siya.

"Kanino ba kasi 'yan?" Inis na sabi ko. "Wala." Tipid na sagot niya. Kinuha ko na ang bag ko at paglabas ko ay wala na siya sa dorm ko.

Iniwan ba niya ako?

Putch.

Lumabas na ako at hindi ko siya nakita. Ibig sabihin kanina pa siya umalis. Hindi kami pareho ng schedule ngayon kaya may posibilidad na hindi kami nagkakakita.

Pumasok na ako sa classroom at hindi namansin.

---

"Nasan si Adrian?" Tanong ni Mila sa 'kin. Nakasalubong ko sila papunta sa library.

"Mukha bang alam ko?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at naglakad na papalayo.

I don't care kung nasan siya. After niya ako bigyan ng attitude?

Sorry Isn't In My Vocabulary | Book 1 (Vocabulary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon