Chapter 16.

23 3 0
                                    

Chapter 16

Done.

After one month naging maayos na ang pakiramdam ni mommy. Marami ang nangyare noong mga nakaraang mga araw. Nakulong ang ama ni Kaiser ganon din ang ama ni Aldrin dahil sa plinanong ambush sa mansyon ng mga Vascosino.



Nalaman ko na ang target ng mga ito ay si daddy at si Macoy Vascosino. Posibleng ang dahilan daw ng ambush ay ang sobrang pagkainggit sa dalawa. Totoong mayaman na nga ang pamilya namin pero hindi namin maangasan ang Vascosino walang wala ang yaman namin sakanila!



At hindi ko magawang isipin na dahil lang doon ay magagawa nila ang ganito kalaking gulo! Sobrang daming nasaktan ng dahil sa nangyare! Until now i didn't know if kasabwat ba ni Kaiser ang kanyang ama. Kaya ba niya ako nilalapitan noon? Dahil plano na nila ito ng ama niya? Pero bakit? Hindi kami ganon ka yaman katulad ng mga Vascosino!

I recall that time when i saw Kaiser with a gun on his arms. Kaya ba siya hindi na nagreply sakin dahil sa plano nila ng kanyang ama noong araw na yon?



Kahit anong isip ko. Wala parin namang magbabago. Hindi imposible na kaya siya lumalapit saakin noon ay dahil para makakuha ng impormasyon.



Simula noon ay hindi na nagparamdam si Kaiser. Hangang ngayon hindi pa din makapaniwalang ang lalaking iyon na minahal ko ay isa palang manloloko. Hindi ko inaasahang ganito ang kakahantungan naming dalawa.



Sa paglipas ng mga panahon hindi ko padin nasasagot ang mga tanong ko.



Nagpatuloy ang pagaaral ko. Naging mailap ako sa mga tao. Si Prae naman ay lumipat na ng school kaya halos wala akong kaibigan. Naging mahirap para saakin ang lahat. Nang makalabas na si mommy sa Ospital doon na unti unting naging maaayos ang lahat.



Tanging school at bahay lang ang punta ko hanggang ngayon kase ay may nakabantay pading mga bodyguards saakin pero hindi na ganon ka dami katulad ng mga nakaraang araw.



Nag pasiya ang mga magulang ko na ibenta nalamang ang bahay namin dito sa laguna at lumipat na sa ibang bansa. Gagraduate na din ako ngayong april ng grade 12 at hindi ko maiwasang malungkot na aalis na kami dito.



Dito ako lumaki at hindi ko sukat akalaing aalis kami sa lugar na ito.



Nakaupo ako sa bench kung saaan una ko'ng nakita si Kaiser. Hindi ko maiwasang maluha habang binabalikan ang nakaraan. Sobrang sakit! Hindi ko mapigilang masaktan sa mga alala.



Yung mga ngiti niya saakin. Yung mga text niya binalikan ko pa.



Kaiser:
"Pssst gising kapa?"



Ako:
"Oo"



Kaiser:
"Gabing gabi na ah? Dapat tulog kana"

Nakita niya kasing online pa ako sa facebook pero nanood lang naman ako ng mga videos at matutulog na din pagkatapos. Tsaka di din ako makatulog.



Ako:
"Hindi ako makatulog eh" napangiti ako dahil sobrang bilis niya mag chat.



Kaiser: "Magsesend akong Vm sayo. Kakantahan kita. Para makatulog ka"



Ako:
"Baka ungol yan ah?"



natatawa ako habang nakikita ko'ng nagtatype na siya base sa tatlong dots sa ibaba.



Kaiser: "Oyy hindi ako ganon HAHAHA ito na sending na"



Pinakingan ko ang senend niya.



"You are my sunshine my only sunshine you make me happy when skies are gray. You never know dear how much i love you. Please don't take my sunshine away."



Ang ganda talaga ng boses ng lalaking to. Lalong nakakainlove! Gusto ko din sanang magsend ng Vm kaso di ako magaling kumanta eh. Baka pagtawanan lang ako nito kung sakali.

Ako:
" Ginalingan!"



Kaiser:
"Syempre para sayo yan eh. Tulog kana gabi na i love you. Goodnight! "



"Kiss ko bukas ah?" pahabol pa niya.

Ako:
"Baliw HAHAHA Okay matutulog na ako effective yung kanta mo saakin eh inantok ako"



Kaiser:
"Kilig ka nanaman sakin niyan!"



Mapait akong ngumiti habang binabalikan ang mga messages namin sa isa't isa.




I'm mad at him but at the same time I feel so empty without him. Natural lang ba iyon? Na galit ka isang tao at mahal mo din at the same time? Kase iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nadudurog ang puso ko sa mga hindi inaasahang pangyayare.



Wala siya ngayon sa tabi ko para ipaliwanag ang side niya. Mahirap kalabanin ang sarili ko hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin. Hindi ko na alam kong paniniwalaan ko pa ba siya despite of his dissappearance! At ang kakulangan niya ng paliwanag sa nangyare. kailangan ko siya ngayon eh! Ang dami kong gustong itanong sakanya! At hindi din naman ako tanga para magpakamartyr na umasa na mali ang mga nasa isip ko!



I almost lost my mother! kung hindi siya agad naidala sa Ospital sa tulong ni Aldrin baka namatay na si mommy! At dahil lang iyon sa kasakiman ng ama ni Kaiser! maging ang ama ni Aldrin.



Ang dami ko'ng tanong kay Kaiser! Minahal ba niya talaga ako? 'Cause i am! Minahal ko siya ng mas higit pa kay Aldrin ng mga panahon na yon!



Bakit ba palagi nalang akong nahuhulog sa mga taong sisirain lang ako sa dulo? Wawasakin at iiwanang sira at di na maayos pa?



I just can't stop hurting. I can't stand this I guess we're over! I guess this is it!



We're done.






Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon