Chapter 4

39 6 0
                                    

Chapter 4.

Shop.

Natapos na ang party.



I was in my bedroom and silently unboxing all of the gifts that were given to me. May mga designer brands na mga bags at  gandang ganda ako sa Chanel na bag na iniregalo saakin ni Tita Adele.



May mga perfumes din na type na type ko ang scents. Napangiti ako.



" My family was invited by your father." sagot ni Kaiser kahit wala naman akong tinatanong  siguro marahil sa itsura ko nang makita ko siya'ng nandito.



I didn't know na kakilala ni Daddy ang family nila. What is his family name again? Mauricio? Well i think it just another business partner ni Dad.



Tumango na lang ako.  Hindi ko alam kong ano ba ang dapat sabihin. Umupo siya sa tabi ko.



" Hindi ko siya nakita dito ah." Sabi niya pagkatapos uminom sa champagne niya.



"Who?" kahit may ideya na ako kung sino ang tinutukoy niya.



"The man of your dreams?" tumaas ang kilay niya saakin. Umawang ang labi ko. Man of my dreams? Is that what he think of me about Aldrin?



" If you're here to fish some information then, just leave" umirap ako sakanya.



"I am not. I'm the one who will give you an information." tila galit ito'ng nakatingin sakin. Naiirita sa dahilang hindi ko alam.



Kumunot ang noo ko.



"Your goddamn boy toy is busy toying someone's else. I'm not being nosy but i saw them kissing near the parking this morning."  Ngumisi siya pero alam kong sarcastic iyon.



Agad na sumama ang timpla ng mukha ko habang nakatingin sa seryosong mukha niya.



I arch my brow.



Tinatakpan ang sakit na  nararamdaman. Ayokong makita niya iyon.



Iyon ang naging interaksyon namin sa Garden kanina ni Kaiser Mauricio.



Masakit na noong hindi dumalo si Aldrin sa aking birthday pero, masakit din na malaman ko'ng may kahalikan siyang iba.



Alam ko namang wala siyang kahit anong pagtingin sakin. Wala akong karapatang magreklamo dahil wala namang kami. Itinulog ko na lang ang lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko.



Kinaumagahan, tuwang tuwa ako dahil na approve na ang aking driver license. Matagal na naman akong marunong mag drive pero ngayon na lang talaga ako magkakaroon ng kotse.



Perks of being legal of age!




This is life!



Me flexing my BMW, I was heading to Prae's house b'cause we will have our Treatment day care today!



I'm sooo excited!!



"Ohhh your so hawt! Girl!" tawang tawa ako sa accent niyang parang si Cardi B. Umirap ako sakanya.



"Making my way downtown walking fast faces past of hometown! Tenenenentenen ten Tenenenentenenten!" sabay namin sa tugtug sa stereo.  



Nang makarating na kami sa malapit na mall agad kaming nagpunta sa salon. May balak kase akong magpa short hair. Medyo matagal na kase noong huling pagpapagupit ng buhok napaka haba narin ng buhok ko at walang buhay and I'm getting tired of it.



I just want a new style for my hair.



Si Prae naman ay magpapa-foot massage pagkatapos ay magpapa manicure/pedicure ngayon ay abala naman siya ngayon sa pagbubuklat sa mga magazines.



Nang matapos sa salon ay satisfy na satisfy ako sa naging kalabasan ng buhok ko. Nakakagaan ng pakiramdam.



"Mas bagay pala sayo pag short hair no?" Hawak ni Prae ang lalaylayan ng buhok ko. Ngumiti ako sakanya.



"Ang init kase kaya nag pa short na ako ng hair para narin bago ng style, antagal ko ng long haired eh."
Tumango siya saakin



"Right choice! Bagay sayo"



Pagkatapos noon ay nagpunta kami sa isang Japanese Restaurant para kumain ng tanghalian.



Plano naman namin pagkatapos ay mag shopping ng mga damit. Habang nagbubuklat ng mga clothes sa isang designer clothing shop may nahagip ang mata ko sa entrance ng shop.



Si Kaiser Mauricio kasama ang isang Matangkad na babae pero hindi parin naman naaangasan ang katangkaran ni Kaiser.



She looked so graceful beside him. Si Kaiser naman ay tamad na nakasunod lamang sa kanya. 



"Si Kaiser? Oh, he have a girlfriend?" si Prae na isinaboses ang nasa isip ko. Nagtaas ako ng kilay. May Girlfriend pala siya? Buti natagalan ng girlfriend niya ang kasungitan niya.



Ikinibit balikat ko na lamang sila at hindi na pinansin kumuha ako ng isang cropped top na kanina ko pa tinitingnan dahil sa ganda ng tela at print pero hindi ko agad yun nakuha dahil may nakahawak narin pala nun.



Oh great! Tinaasan ko ng kilay si Kaiser sa harap ko mukhang type din ata ng Girlfriend niya ang cropped top na yun. Biglang pumangit ata ang tingin ko sa Damit na hawak ng girlfriend niya.



" Bagay ba to sakin Kai? Ano sa tingin mo?" dinig kong tanong sakanya noong Gf niya. Nakatingin saakin si Kaiser kaya hindi niya masyado napansin ang tanong noong babae.



"Kai! Look at me." malambing na tawag sakanya nong girl.



Umirap ako sakanila.



Patuloy akong nagbubuklat sa mga damit. Don't minding them.



Ang ending halos wala akong nabiling damit nawalan ako ng gana. Umalis na kami doon ni Prae.



Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon