Chapter 19

26 2 0
                                    

Chapter 19

Truth.

“ Hindi naman pala kasali ang mga Mauricio sa ambush noon at napagkaisahan lang! Nakakabigla nga at mabuti na imbistigahan at nalinis ang pangalan nila! ”

“ Anong sinabi mo Prae?! ” nanlalaki ang mata kong sigaw.  Nanlaki din ang mata niya at halos mabulunan sa kinakain niyang popcorn.

Ano itong sinasabi ni Prae Tungkol sa mga Mauricio?

“ Ahh ehh.. ”  nagpapanic na siya habang nakatingin saakin!

" Tell me the truth Praepailin Santiago!”

Sinasambunutan pa niya ang kanyang sarili. parang ang laki-laki ng kasalanang nagawa o nasabi niya 
“ Ito na! Ito na Pete! I didn't know na hindi mo alam!"

" Wag kana mag paligoy ligoy pa Praepailin!" agad siyang umayos ng upo.

" My ghad! ”

“ Well, ahh.. as I've said a few minutes ago, Mr. Mauricio which is Kaiser's dad was scammed by Mr. Alomar which is dad ni Aldrin. Naimbistigahan iyon ng mga pulis dahil sa lamang ang ibedensiya na walang kinalaman ang mga Mauricio sa nangyare noong gabing iyon. naurong ang kaso sa kanilang mag ama Pete. All this time na nakahain ang kaso sa kanila ay hindi natin alam na naka force detention pala sila! At pinapaamin sa kasalanang di naman nila ginawa! Ito naman palang tatay ni Aldrin ang may pakana ng lahat! At walang kaalam alam doon si Mr. Mauricio!”

" Ayon the end!" hinihingal pa siya sa haba ng sinabi.

Nanghihina naman akong isinandal ang sarili sa headboard ng aking kama. “ Ayos kalang girl?” napapikit ako at halos maiyak na sa mga nalaman.

All this time i thought... Umiling ako at lalong sumakit ang ulo kasabay ng mabilis at masakit  na pagpintig ng puso ko. Bakit hindi ko to alam? Bakit ngayon ko lang to nalaman?

Nakatulala padin ako hanggang ngayon. nakatulog na si Prae na katabi ko pero dahil sa mga gumugulo sa isipan ko ay hindi ko halos maipikit ang mga mata ko! So all of this happened because of Aldrin's dad! Kaya pala halos hindi nagpakita saakin si Kaiser noon ay dahil naka force detention sila!

Hindi ko namalayang tumulo na ang luha sa mata ko. Pinalis ko iyon at pinilit alisin ang lahat ng mga bagay na bumabagabag saakin. Bukas ay kakausapin ko si dad sa mga nangyare noon.

Kinabukasan, halos magmadali akong bumaba ng bahay pero useless dahil maagang umalis si dad para sa trabaho.

"Dad where are you?” I texted dad.

Nag breakfast muna kami ni Prae bago siya umalis pa punta sa trabaho niya ako naman ay binabalak na punmunta sa office ni dad! Grabe I'm thrilled kating kati na akong makausap ngayon si dad.

Paalis na ako ng bahay nang magtext si dad na nasa Office siya. I said na pupuntahan ko siya. Buti at hindi na siya nagtanong pa kung bakit dahil nagmamadali na ako. Pagkaminamalas ka nga naman at ngayon pa abala ang mga driver namin.

“Kuya, may available pa bang kotse?” tanong ko sa guard namin.

“ Si Andy po mam kaso ngayon lang po siya pwede may inuutos kasi sakanya si Sir Dan” tumango ako. Sige basta maihatid lang ako sa office ni dad.

“ Tara na po mam.”  sumakay ako. I make some calls at nireplyan ang mga kaibigan sa states na nangangamusta kung safe ba akong nakauwi.

Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon