Chapter 17

23 3 0
                                    

Chapter 17

Graduation.

" Congratulations Pete!!" niyakap ako ni mommy. Niyakap ko din sila ni Daddy.

I smiled at them.

Same day of my graduation is the same day we are going to states. Doon na din ako magco-college. At hindi ko lang alam kong babalik pa kami dito sa pinas. Who knows? Baka lang naman.

I wipe my tears away. Pilit na inaalis at iniiwan ang masasaya't masasakit na nangyare dito. Ito na ang huling iyak ko ng dahil sakanya. I am going live there like nothing happened between us. I'm going to forget you and move on.

Mas okay na din pala ang umalis para mas mapabilis ang paglimot. Para mas mabilis na makawala sa kalungkutang ito. I am doing this to be able to heal. And finally go on without him.

I really want to forget! I can't wait for that time to come.

first year in America walang araw na hindi samagi sa isip ko ang naiwan ko sa pilipinas. Kamusta kaya siya? Umirap ako at tumayo para  maglakad papunta sa veranda. Ayoko ng balikan pa ang lahat.

Naging mahirap saakin ang mag adjust sa ibang bansa. Andami kong mga taong nakasalamuha na iba't iba ang personality but despite of that differences i find comfort in them. 

Mayroon naman akong mga kaklaseng pilipino na naging mga kaibigan ko din.  Well, i still have contact with Prae but i just feel sad about sa kanila ni Boun i think, they split up noong mga isang linggo ko palang dito sa America. Iniyak talaga saakin lahat ni Prae ang lahat ng sama ng loob niya.

" Bakit mugto ang mata mo? What happened?"  i asked Prae but she just shrugged her shoulder pero kitang kita naman sa mga mata niya na hindi siya okay.

I sigh.

" Hindi siya nagtiwala sakin Pete! Tangina! nakakagago!"  Iyak parin siya ng iyak. I feel so sad about Prae kung nasa pilipinas lamang ako at nasa tabi niya ay baka niyakap ko na siya at saakin niya personal na ilabas ang lahat ng problema niya.

" What happened ba? Tell me. I am just here Prae. Handa akong makinig sa lahat"

" May rumours na kumalat na nilalandi ko daw si Chain Navarro! Oo at gumwapo yun simula ng mag college kami pero mahal ko siya! Bakit siya maniniwala sa mga chismis ng iba!"

"Dapat kung may problema siguraduhin niya naman! Sira pala ang ulo niya eh! Wala pala siyang tiwala sakin eh!" hagulhol siya habang gigil na gigil na pumunit ng tissue na hawak niya.

Pagkatapos noon ay palagi ko siyang kinakamusta at kinakausap. Para sumaya naman siya.

" Hay naku ikaw nga dyan! Dami mo ng new found friends nakakaingit punta kaya ako dyan? " si Prae ang kausap ko at mukhang maayos na siya ngayon di ko nalang masyado tinatanong ang tungkol sa lovelife niya at baka hindi pa siya moved on.  Ako ba naka move on na?

Maraming nangyare sa loob ng 7 years na pamumuhay ko sa America. I think I've move on? I'm feeling better now. After 7 years here in America marami akong na adopt! Like partying! actually every night i have a night out with my colleagues.  Isa iyon sa naging libangan namin ng mga kaibigan ko dito.

Sometimes, dumadalaw dito si Prae kapag may travel siya. Kilala na din siya nina Myrtle, Xenon and Tasha mga naging kaibigan ko dito sa states.

"Ang saklap naman at uuwi kana sa pilipinas Pete! Ang daya mo" kantyaw sakin ni Zac

Tumawa ako sa mukha niyang lasing na lasing na! Nandito kami ngayon ng mga colleagues ko sa isang high end bar. Ito na din ang pa espedida sakin dahil finally! We're coming home to Philippines!

I'm so excited! Hindi lang naman ako ang uuwi pati din sina Tasha at Xenon dahil nasa pilipinas din ang mga magulang ng mga ito. Ako naman nauna na sila mommy at daddy pauwi sa phil noong nakarang buwan dahil sa mga negosyo Kailangan ko ng sumunod doon dahil tutulong ako sa pag hawak ng mga negosyong iyon. 

"Cheers!"

" Ya' know? Parang gusto ko ding sumama sainyo. I just feel like want to explore Philippines" Nakangiti sakin ng malagkit si Zac

Umirap sakanya si Zenon " Ang sabihin mo Zac eh, susundan mo lang si Pete doon! "

kinantyawan ng lahat si Zac at pinagbabato ng mga Chips. Matagal ko na ding napapansin ang pagkahumaling sakin ni Zac. Ngunit hindi ko lang napagtutuunan ng pansin dahil wala naman akong nararamdaman na mas higit pa sa pagkakaibigan sakanya. Ayoko naman na mag assume dahil hindi naman niya sinasabi na nanliligaw siya kaya pinapabayaan ko nalang.

" Sinong susunod sayo sa pilipinas Pete?" saad ng lalaking may malagom at pamilyar na boses. Agad na tinanggal ni Zac ang braso niya nakahawak sa bewang ko. Halos hindi ko na napansin iyon.

Si Aldrin! Tumakbo ako sakanya at sinalubong siya ng yakap! I'm surprised! I know na nasa America din siya pero hindi ko inaasahan na magkikita kami dito.

" You're here" Namamangha parin ako sa presensiya niya. kumalas ako sa kanyang hawak. At ngumiti ako sakanya.

" Let's go home" gumanti siya saglit ng ngiti at kinuha ang kamay ko.

"Okay..." kumislap ang mata niyang nakatanaw saakin.

Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon