Chapter 11

29 3 0
                                    

Chapter 11

Boyfriend

"Ano na ang Negosyo ng daddy mo ngayon Hijo?" Nagpatuloy ang hapunan.


Puro tungkol sa Negosyo lamang ang kanilang pinaguusapan.


Nasabi nga pala sakin ni Kaiser na magkasosyo ang daddy ko at ang daddy niya noon na ngayon ay may sari-sarili ng Negosyo.


"Ihatid mo si Kaiser sa labas Pete!" Sabi ni mommy sakin may kung anong ngiti parin sa kanyang labi.


Umirap ako at kinurot naman agad ni mommy ang pisngi ko.


Tumango ako kay mommy at nagtungo na sa sala kung saan nandoon sila daddy at kaiser naguusap padin.


" Send my regards to your father hijo"   Tumango tango pa si dad at tinatapik pa nito ang balikat ni kaiser. Parang tuwang tuwa kay Kaiser. Close na sila agad?


Parang ngayon lang ako nakahinga ng makalabas na kami ni Kaiser ng aming bahay. Ang akala ko talaga magagalit ang mga magulang ko.


"Paano ba yan okay na ako sa parents mo sayo nalang hindi." Uminit ang pisngi ko.


Hindi ba talaga siya nahihiya sa pinagsasasabi niya? Umiling nalang ako sa sarili ko  kahit naman ganyan siya there's something in him na gugustuhin mo talaga.


Sino bang hindi mahuhulog sayo Kaiser? Kainis talo ako dito ahhh.


"Hindi ka pa nga n-naliligaw!" Sabi ko, na mas lalo ko pa atang ikinapula.


Nanlalaki ang mata niya sakin at agad na natawa. Hawak na niya ngayon ang susi ng kotse niya. Pinaglalaruan ng kanyang darili ngayon.


Parang ayaw pang umalis.


"I didn't know na hindi mo pala alam na nanliligaw na ako sayo simula ng sinabi ko'ng gusto kita?"  nakangisi siya saakin.


Sasabog yata ang pisngi ko. Halos di ako makatingin sa kanya. Nasa baba lamang ang mata ko paniguradong pagtatawanan niya ako lalo kapag nakiya niyang sobrang pula ng mukha ko.


Pasimple kong kinapa ang mukha ko, agad ko namang naramdaman ang init doon.


" Oh bakit di ka makatingin sakin? " tanong niya  pa. Tuwang tuwa kase hindi ko magawang tumingin sakanya.


"Hind ko alam... Hindi mo sinabi saakin na n-nanliligaw kana p-pala.. " umiling ako sakanya. Natatawa na din sa nangyayare. Dagdag pa ng hindi ko maituwid na pagsasalita.


Napapikit nalang ako sa sobrang kahihiyan.


"Pete hey... Look at me" Pinirmi niya ako sa kanyang harapan.


Agad naman akong tumingin sa nga mata niyang nangungusap ngayon.


Mga ilang minuto bago siya nagsalita parabg kinakabisado niya ang mukha ko habang nakatitig saakin. Ako ang unang humiwalay sa tinginan. Agad naman siyang siyang nagsalita na ikina windang ng sistema ko!


"Will you be my girlfriend?" Nanlaki ang mata ko. Ganon din siya kaya naman agad siyang nagsalita.


"A-alam ko masyadong mabilis but you know ahhh... I can wait h-hanggang sa sagutin mo a-ako"


" No, I m-mean! I'm sorry!"

nakita ko'ng parang nabigla din siya sa sinabi  niya. Narinig ko pa ang pagmumura niya.

Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon