Chapter 20

20 2 0
                                    

Chapter 20.

Alcohol

        Lumabas na ako sa opisina ni dad.  Gusto ko sanang makipagkita kay Prae pero nasa trabaho pa siya at ayoko namang makaabala kaya naman nagaantay nalang ako ng taxi sa labas. I should buy my own car. Para next week may gagamitin na ako dahil magsisimula na ako sa trabaho.



I am standing near the entrance waiting for a taxi. Nakita kong lumabas ng entrance si Kaiser pinaglalaruan niya sa kanyang kanang kamay ang susi ng kanyang sasakyan. Nagkatinginan kami. Agad naman akong nagiwas ng tingin sakanya at lumunok.



" Going home?” Sabi niya pero hindi naman nakatingin saakin.



Alam kong ako ang kausap niya dahil wala naman akong katabi dito or what.



" Yeah”  Sabi ko



“ I can drive you home Ms. Ordeveza”  nakangisi siya saakin. Pero may kung ano sa mata niya na parang hindi genuine ang pag aanyaya niya.



Ms. Ordeveza! Wow!



“ Uh, hindi na. I can commute naman” Nilagay ko sa tenga ko ang mahabang side bangs na humaharang sa mukha ko.



“ Mam, wala pa pong available na taxi”  Parang binagsakan ako ng langit at lupa ng marinig na sabihin iyon ng guard na inutusan kong maghanap ng taxi para saakin.



Sumulyap ako kay Kaiser na seryoso lang na nakatingin saakin. Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.



“ Really, I can drive you to your home”  tumango ako at kinakabahang lumapit sa kotse niya.



Wala naman na akong choice. Nag alangan pa ako kung saan ba ako sasakay. Sa passengers seat ba sa tabi niya or sa likod. Pero pinagbuksan na niya ako ng pinto sa tabi niya. 



Huminga ako ng malalim nang nasa tabi ko na siya at nagdadrive. Bakit ba biglang nandito na agad ako sa kotse niya? Arrrggg! Kinakabahan ako!



Inamoy ko ang bango niyang nagkalat sa loob ng kotse niya.


Ang bango!



Hindi ko alam kong anong sasabihin. Para di naman kami awkward dito.



“ Baka magalit ang girlfriend mo na may hinatid kang iba” sabi ko. Medyo mali pa ata yung topic na napili ko. Pero wala na. Nasabi ko na.



Sumulyap siya saakin at nagkunot ang noo “ I don't have a girlfriend” sabi niya saakin. Anong tawag mo kay Melissa? Huh!!



“ Well, baka lang magalit saakin si Engr. Melissa kase may kasama kang iba”  umirap ako. Bakit ba ayaw tumigil ng bunganga ko?! For fate sake! Kakakita lang namin!



“ Engr. Melissa have nothing to do about who i am with Ms. Ordeveza” Tamad niyang sabi. Umirap ako.



“ Doon pa din ba ang bahay nyo?” Sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.



Tumango ako.



Nang, makarating na kami sa tapat ng bahay ay parang nanghinayang ako agad. Sana mas mahaba pa ang byahe namin. Gusto ko siyang makausap pero kanina may oras ako paramakapag usap kami pero hindi ko talaga mahanap ang mga salita para magbuksan ang topic sa nangyare noon.



“ Uhh, salamat” sabi ko. Tumango siya at agad na pinaharurot ang kotse niya.



Pagkapasok ko sa kwarto ko. Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Why am i feeling this? Kaiser, mahal pa ata kita. At nasasaktan ako dahil naka move on kana. Kitang kita ko naman yun sa asta niya kanina. Parang hindi siya nasaktan. Parang ang casual nalang niya saakin. Parang nakalimutan niyang naging kami noon. Parang nakalimutan na niyang mahal niya ako.



Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon