Chapter 24

15 1 0
                                    

Chapter 24

Love.

     Nang mga oras na 'yon ay hindi ako pinapasok ni dad sa kanyang opisina dahil sa masinsinang paguusap nila ni Kaiser. Alam ko naman kung patungkol saan iyon. Ngumuso nalang ako sa labas ng office ni dad at hinihintay na buhay pang lumabas si Kaiser sa loob 'non.



Hindi naman sa sinasabi ko na may gagawing masama sakanya si Dad. Kilala ko naman at may tiwala ako kay dad na hindi niya magagawa ang mga nasa isip ko ngayon. Talagang nag aalala lang ako kay Kaiser.



Nang, nakita kong gumalaw ang metal door knob ng glass door ni Dad, nakita kong lumabas doon si Kaiser. Hawak hawak pa nito ang pisngi niya.

Agad ko'ng sinalubong si Kaiser at tinignan ang kabuoan niya.



Ngisi ang una kong nakita sa mga mukha niya. Aba't bakit mukha pang natutuwa ang isang ito? Anong ginawa ni Dad sakanya? Inilibot ko ang mata ko sa bandang pisngi niya. Mukhang namumula iyong gilid ng labi niya.



Agad kung dinampian iyon ng mga daliri ko.



“ Ouch babe! Dahan dahan!” Sabi niya ng tumatawa pa din. Kinusot pa nya ang mata niya na parang naiiyak na siya sa sobrang tawa.


Baliw?!



“ Anong nangyare Kaiser?” Nakatayo padin kami sa labas ng Office ni dad. At hawak hawak ko ang gilid nang labi niya. Wala narin namang masyadong tao ay medyo dim na rin ang ilaw dito kaya nagagawa ko ang bagay na ito sakanya ngayon.



“ He punch me.” saad niya at tumawa. Napatanga ako sa harap niya.


Ha?



“ Oh? Sinutok ka niya pero, natatawa ka dyan?” Ewan ko talaga sa lalaking ito minsan at may saltik din eh.



“ I just find it Worth it babe” pagkatapos niyang sabihin iyon ay humilig pa siya lalo saakin. Nagpatangay naman ako sa mga hawak niya sa bewang ko.



“ha?” naguguluhan kong sinabi. Ano b kase ang sinasabi niyang worth it? Yung sapak ni Dad. Naenjoy niya pa?!

“ God! Yun na ata ang pinaka fulfilling moment sa buhay ko! Sinuntok ako ng tatay mo pete! Ibig sabihin payag siya satin. Ibig sabihin akin kana” humina at lumambing ang boses niya.



Nanigas naman ang katawan ko at parang tumigil na naman ang paginog ng mundo ko. It's in his eyes yes, lagi akong nadadala ng mga mata sa ibang mundo.



“ Paano mo naman nasasabi yan?” Pilit kong tinitignan ang mata niya kahit na nahihirapan na akong tumagal sa sobrang pagkatuod ko dito at dahil sa sobrang pakakilig.



“ Sinabi niya saakin na sapakin niya muna ako bago siya maging okay saakin. Kung alam ko lang noon na ganito baka, noon palang hiningi ko na ang kamay mo sa tatay mo”  narinig ang malalim niyang pagtawa. Ewan ko kung dahil ba sa pagod sa trabaho kaya sobrang husky at sexy ng tawa niya sa pandinig ko. Ewan ko nababalow na nga talaga ako na kahit sa pagtawa niya na iinlove ako.



Nawala ang atensyon ko sa pagiisip nanag inilagay ni Kaiser ang hibla ng buhok ko at isinabit iyon sa tenga ko.



“ Tara na! I promise to your na iuuwi na kita ngayon.”  sabi niya at pinagsalikop ang mga kamay namin.



Agad ako napatingin sa mga iyon. Tumingin siya saakin at maging sa mga kamay naming magkasalikop. Namula ang pisngi ko naag makita ang ngisi niya dahil sa nakitang reaction ko sa ginawa niya!



Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon