Chapter 1

90 7 0
                                    

Chapter 1.

Worth.

I have a life that everyone are dreaming of Wealth, beauty and brain.



Maniniwala na sana akong nasa akin na ang lahat kung hindi  lamang sa isang taong Never akong nilingon, Never akong binigyan ng pansin.



Hindi ko alam kong bakit ayaw niya sa akin. Basta ang alam ko lang hindi niya ako gusto. Ano bang mali sakin? Damn, He always make me feel unwanted.



Aldrin Alomar is my first love.



Bata palang kami crush na crush ko na siya. Lagi kong sinasabi sa mga magulang ko noon na kapag lumaki na kami pakakasalan ko siya.



Tuwang tuwa naman sakin ang mga magulang ko dahil ganun din ang love story nila mommy at daddy dati.



Laging sinasabi ni mommy na mana ako sakanya dahil gustong gusto niya din noon si Daddy kaya ginawa niya ang lahat para mapansin at mapasagot si Daddy.



Oo, si mommy yung nanligaw kay Daddy at natutuwa ako dahil siguro ganun din kami ni Aldrin siguro, ako na lang din ang manligaw sakanya?



Pero paano ko gagawin 'yon kung ayaw sakin ng taong gusto ko?



"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tila inis na inis na sigaw sakin ni Aldrin. Nagbake kase ako ng Chocolate cake para sakanya.



Binuksan ko yun at naka ngiting inilahad sa tapat niya.
Nakaupo siya sa bench dito sa basketball Court ng School.



Maraming nag papractice ng basketball ngayon. Nasa likod ko naman si Praepailin na hinihintay akong matapos kausapin si Aldrin.



Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. Hindi pinapahalata na a awkwardan na ako sa nangyayare.



"Aldrin.. Umm. Ehh.." huminga ako ng malalim. Teka nag practice na ako kanina ng mga sasabihin ko ah?



"Sinasayang mo ang oras ko" Inis siyang tumingin tingin sa paligid na para bang hiyang hiya siya dahil nakikita ng mga tao sa paligid na naguusap kami.



Huminga ako ng malalim. Pilit na ibinabalik ang lakas ng loob.



"Umm.. A–Aldrin nag bake nga pala ako ng Chocolate cake para sayo. Sana magustuhan mo" lumawak ang ngiti ko dahil sa tuwid ko iyong nasabi.



Umiling siya at luminga linga sa mga nasa paligid.  Inilahad ko sa harap niya ang cake na ginawa ko para sa kanya.



Kunot noo niya itong tiningnan at hinawi sa harapan niya. Nanlaki ang mata ko dahil muntik ko na itong maihulog mabuti at naaagapan ko ang pagsalo.



"A-aldrin.. Bat mo ginawa yon? Muntik na mahulog..." inayos ko ang pagkakahawak ko sa cake. Marami na ang nakatingin sa amin ni Aldrin.



"Tigilan mo na nga yan Pete!" Inis na sigaw niya sa harapan ko.



"Aldrin pare, binibigyan ka lang naman ni Pete ng cake"  Sabat ni Nathaniel sa gilid ni Aldrin.  Inis na bumaling si Aldrin sakanya.



"Huwag ka ngang makialam dito." Itinulak ni Aldrin si Nathaniel kaya napa upo si Nathaniel sa sahig.



Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Aldrin.



" Eh gago ka pala e!"  Umambang sasapakin ni Nathaniel si Aldrin  pero naka ilag ito. Napa subsub naman ngayon si Nathaniel sa sahig.



Mas dumami na ang nanonood sa amin. Napa hilamos sa mukha si Aldrin at irritableng tinitingan ako at hinila paalis doon.  Naiwan naman si Nathaniel doon na nakaupo parin sa sahig.



"S-sorry! " halos hindi ko pa nasabi ng maayos dahil sa hila ni Aldrin. Gulat parin sa pagiging agresibo ni Aldrin.



"Pinapahiya mo ba ako sa mga tao Pete?" ginulo niya ang buhok niya. Alam kong inis na inis siya pero pinipigilan niya lang.



"A-ano? Hindi sa g-ganon Aldrin gusto ko lang ibigay to sayo." nakatungo lang ako sakanya dahil na tatakot ako sa mga mata niyang nanlilisik saakin. 



" Ito ba?" galit parin siya habang hawak na ngayon ang Chocolate cake na gawa ko.



Na buhayan ako dahil kinuha niya yun mula sa kamay ko. Nag angat ako ng tingin sakanya. Tiningnan ko siya naglalakad papunta sa malapit na basurahan. Nagulat ako dahil tinapon niya yon sa basurahan!



"Ayokong tumanggap ng kahit ano mula sayo. Naiintindihan mo?"  umalis na siya sa harapan ko. Habang ako naman ay naka tulala sa Cake na nasa basurahan na ngayon.



Hindi ko na napigilan ang luha ko na lumalandas sa mga pisngi ko.



"Pete  okay kalang ba? " lumapit si Prae saakin



"Si Aldrin..." sabi ko habang pinapalis ang mga luha sa mukha ko.



"Sinasabi ko na nga ba eh!" niyakap ako ni Prae habang nag-tatrantrums tungkol kay Aldrin.



"Bakit mo ba nagustuhan yon Pete? Humanap kana ng iba!"



Medyo na himasmasan na naman ako kaya nakatulala lang ako bahang naka tanaw sa Football field malawak at malamig dito kaya na himasmasan na ako galing sa pag iyak.



"Okay lang naman na ako Prae, ganoon talaga yun si Aldrin. Mabait naman yon. Napahiya ko lang talaga siya kanina kaya nagalit siya sakin." 



"Dzuh!! tanga tangahan ka ghorl!? Kung ako sayo humanap kana ng iba diyan Pete! Napaka sama naman ng ugali noon! " 



umiling iling pa siya habang inis na binubunot ang mga damo sa filed. 



"Okay na ako Prae. Tara na?" binalewala ko ang mga sinabi nya. Huminga siya ng malalim.



"Ewan ko sayo ghorl! Ano bang nakita mo sa lalaking yon?"



" Gustong gusto ko siya Prae. At hindi ako titigil hangga't hindi niya ako pinapansin."



Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko eh, basta ang alam ko grade 3 palang ako crush ko na siya. Basta ang lahat sakanya ay gusto ko.



"Bahala ka na nga Pete matanda kana!  Pero ingatan mo naman puso mo ghorl ha?" nakataas kilay niyang sambit.



Ngumiti ako sakanya. Umirap naman siya sakin.



"Huwag kang mag alala Prae, Pag dumating yung araw na mapansin na niya ako ikaw ang unang makakaalam" ngumiti ako sakanya.



"Talaga lang huh? Ang bad naman ng gusto mo eh" pumadyak padyak pa niyang sabi.



Umiling ako sa kanya at tumawa. He's worth it Prae, very worth it.





Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon