Chapter 2

51 5 0
                                    

Chapter 2

Luluhod.

"Pete Advance happy birthday!" bati ni Prae sa akin.



Ngumiti ako sa kaniya. Itinago ko ang invitation card na nasa kamay ko. Balak ko kasing personal na ibigay yon kay Aldrin.



Maya-maya lamang ay dadaan na iyon dito sa classroom namin dahil katabi lang namin ang classroom nila.



"Handa na ang gown ko para sa birthday mo ngayong Friday Pete! Anong bang kulay ng gown mo?"



" Red and black yung gown ko Prae." tumango siya saakin at dinaldal na niya yung katabi niya.



Ako naman naka tanaw lang sa labas. Nagmumuni-muni.



Nang nakita ko si Aldrin na naglalakad sa labas kasama ang mga kaibigan niya ay tumayo na ako at lumabas sa classroom namin.



Nakangiti siya kina Third pero noong makita ako ay unti-unti iyong nawala. Mas lalalo pa itong sumimangot ng nakita akong papalapit sakanila.



"Aldrin ito nga pala yung Invitation para sa debut ko sa friday. Sana makapunta ka" hiyang hiya ako sa harapan niya kaya halos hindi ako maka tingin sakanya.



Kunot noo niya iyong kinuha sa kamay ko at umalis na sa harapan ko.  Halos mapunit naman ang labi ko sa kaka ngiti. TINANGGAP NIYA!!! Sa wakas! Sobrang saya ko!



Excited na ako! hindi na ako makapag hintay na dumating ang araw ng kaarawan ko.



kasali kase siya sa 18 roses na makakasayaw ko sa debut ko. Kilig na kilig ako hangang sa matapos ang klase.



Palabas na ako ng classroom kasama si Prae nang mapadaan kami sa Football field naupo muna kami doon habang naka tanaw sa mga nagpapractice ng football.



"Ay! Naiwan ko yung Libro ko sa Philo! ano ba naman!" ani ni Prae sabay kamot ng ulo.



"Samahan kita?" tanong ko habang kinukuha na yung bag ko sa lapag.



"No no no, mabilis lang ako hintayin mo na lang ako dito." sabi niya habang nag mamadaling umalis.



Tumango ako sakanya.



Binuksan ko yung cellphone ko at nag selfie na lang. Maganda ang lighthing dito, maaliwalas.



Gusto kong picturan ang field kaya inalis ko sa Front cam ang camera.



Habang naghahanap ng angulo nahagip ng camera ko ang isang player ng Football na nag tatanggal ng jersey naka talikod ito sakin habang ginagawa iyon.



Nanlaki ang mga mata ko'ng sinusundan  kung paano lumandas ang mga butil ng pawis sa likod nito.



Napanganga naman ako sa ma-muscle nitong braso. Nakatutok parin ako sa likod nito nang bigla itong humarap sa akin at tsaka ko naman  napindot ang click sa camera ko!



Nagulat ako nang mag flash pati iyon! nanlalaki ang mata kong nakatingin sakanya.



Napakunot ang noo nito pero kalaunan bigla ring nangiti at unti-unting lumapit saakin. feeling ko namumula na ako sa sobrang taranta kong anong gagawin. 



Hindi ko alam kong anong gagawin ko kaya tumayo na lang ako sa pag kakaupo at inayos na yung mga nakakalat kong libro sa desk.



" Kinukuhanan mo ba 'ko Miss?" naka ngisi niyang sinabi.



Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon