Chapter 15

21 2 0
                                    

Chapter 15

Party.

" Daddy!!" hinalikan ko si Daddy sa cheeks ng makauwi na siya. Galing kase siyang Beijing for his business trip kaya ayon.



Hinalikan din ni mommy si Dad sa lips. Ngumisi ako sa kanila i really adore their love for each other kaya naman fan na fan ako ng Romance dahil napaka cheesy at hopeless romantic ng parents ko.


"We are invited to Vascosino mansyon for a welcome party later" ani ni Dad sa hapag.



Tumango ako. Sanay na ako sa mga party invitations ng mga Vasco Siño dahil sa kasosyo ito ni Daddy na isang maunlad na poultry business kilala din sila dahil sila ang pinaka mayaman na pamilya dito sa laguna at karamihan sa angkan nila sila lahat ang namamalakad sa buong probinsya.


I prepare my beige sandals at isang simpleng white dress para sa isusuot ko sa party. Naglagay na din ako ng light eye shadow and pink lipstick. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago bumama at pumasok na sa aming kotse.


Kinuha ko ang aking telepono at nag type ng message para kay kaiser.


" Don't forget to sleep early. Hinay hinay sa pagaaral i love you!"  namula ang pisngi ko sa huling sinabi.


Malamang ay nagsusunog nanaman ng kilay iyon. Exams na nila next week kaya kailangan niya talagang mag advanced review pero kailangan alagaan niya parin ang sarili niya.

Nakarating na kami at di ko maiwasang mamangha kung gaano kaganda ang mansyon na 'to. Luma pero maganda!



Sinalubong kami nina Tita Adele at nasa likod naman nito si Aldrin. Nakipag besohan ako kay tita at nakipag kamustahan. Tumingin sa banda ko si Aldrin at nagkatinginan kami. Seryoso lang ang kanyang mukha. Siya pa ang unang nagiwas sa aming tinginan.



Awkward.....



Ngumuso ako. Hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakakapag ayos o maayos pa kaya ito? Mapait akong ngumiti sasarili ko. I have Kaiser now and I love him so much! but Aldrin always have a place in my heart yung batang ako na gustong gusto siya ay nandito padin ang tanging kaibahan lang ay mas nahigitan ni Kaiser ang pagtingin na iyon at sa tingin ko mas sobra pa.


Nagpahangin muna ako sa may veranda ng mansyon kitang kita ko dito ang malawak na garden. Cheneck ko ang aking Cellphone kung may massage ba si Kaiser pero ang tangi kong nakita ay ang last na text ko kanina.



Baka busy?



Pero madalas naman siyang nagrereply kapag nagtetext ako sakanya.


"Are you busy?" senend ko agad iyon. At naghintay sa kanyang reply pero wala pa din iyon kumunot ang noo ko hinayaan ko nalang baka naman ay nagaaral lang or nakapatay ang kanyang phone?



Nagmumuni muni ako ng biglang pumasok si Aldrin sa veranda agad akong tumayo sa pagkakaupo at siya naman ay seryoso lamang na nakatingin saakin.



"hmmn alis na ako" sabi ko kahit hindi naman kailangan.



Lumingon siya saakin at hinigit ang aking kanang braso papalapit sakanyan. Nagulat ako at mabilis na umatras papalyo sakanya. Magsasalita na sana ako ngunit agad naman siyang nagsalita.




"Maguusap tayo"  tikom bibig akong tumango sakanya.



Maybe, I'll take this opportunity to say what i wanted to say. I am happy now with Kaiser at hihingi sana ako ng tawad sa paghahabol ko sakanya noon.



Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon