Chapter 18

24 2 0
                                    

Chapter 18.

Home.

" Where's tita?"  hawak parin ni Aldrin ang kamay ko. Nabitawan lamang niya ako ng igiya na niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Pauwi na kami at kaya pala niya ako hinanap ay dahil magsasabay kami umuwi sa pilipinas bukas. Naging malapit na kaibigan ko si Aldrin simula ng madalas siya bumisita dito sa tinitirahan kong dorm malapit sa pinagtatrabahuhan kung  Kasalukuyan akong manager doon at noong nakaraan ay nag resign na.


" They're already in the Philippines. Last week pa."


" Oh? Bat nahuli ka?"


Irita siyang lumingon saakin. Parang ayaw sagutin ang tanong ko. tumahimik nalang ako. Okay bahala siya! Napaka moody!


" Alam mo tigilan mo nga ang pagiging moody mo minsan! Paano kana mag kaka-girlfriend niyan? " tumawa ako para gumaan ang atmosphere.


Napa-tsk lang siya at pinihit paliko ang manibela.


Nilingon ko ang stereo ng kotse niya at bubuksan ko sana ang Bluetooth para makapag soundtrip. Hinintay ko kung papagalitan niya ako o hindi. Kilala ko na kase siya at kabisado na ang ugali niya! Ayaw niya na pinapakiaalaman ang mga gamit niya. Buti nga at medyo na sanay na siya saakin.


Pagkauwi ko ay agad ko siyang pinapasok sa tinutuluyan ko. Tahimik naman siyang umupo doon sa sofa sa sala at ako ay pumunta na sa kwarto.


Naligo ako at pagkatapos agad kong inayos ang maleta ko. Marami pala akong maiiwang gamit sayang ang mga ito at mga formal na damit tsaka uniform ko sa dati kong trabaho. Siguro ay isusunod ko nalang ang mga gamit na ito kapag nagkatime ako.


" This is small for you " nagulat ako ng pumasok si Aldrin sa loob ng kwarto ko. Nahuli kong sinisipat niya ang buong paligid. Kaya nakuha ko agad ang nais niyang sabihin.


Sumimangot ako sakanya. Napaka seryoso naman ng mukha niya at parang may malalim na iniisip.


" Sakto lang naman sakin dahil magisa lang naman akong tumira dito Aldrin." ngumiti ako at nagpatuloy sa pag aayos ng maleta. Akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Tiningala ko siya.


" Are you really going home?"


" Oo aldrin nakakamiss din sa pilipinas no! " pinagpag ko ang isang beige na dress at tiniklop ko ito. Hindi siya kumibo at seryoso pa din.  Parang may gusto pa siyang sabihin ngunit ipinagpaliban na lamang.


Nang gabing iyon ay nagorder lang kami ng dinner ni Aldrin siya na ang nagbayad noon at pagkatapos ay natulog na din kami. Siya sa isang guestroom at ako sa aking kwarto.


Kinabukasan ay maaga kaming umalis para makaabot sa flight namin. Pagkatapos ng nakakajet lag na byahe ay agad naman akong nabuhayan ng matanaw sina mommy at daddy sa hallway ng Airport.


Niyakap ko sila at nagkamustahan! Hooo! Nakakamiss ang simoy ng hangin sa pilipinas! Im finally home! Dumapo ang pagmumuni  muni ko isang matagal nang alaala. We're breathing the same air again. Umiling na lang ako at hindi na pinagbigyan pa ang sariling magbalik tanaw.


" Pete!!" sinalubong ako ni Prae. Tiningnan ko ang ayos nito.


She's wearing a flowing floral dress at it's actually looking good in her fair skin tone! Bumagay din ang buhok na maikli sakanya!


" Ang ganda mo lalo Pete! " nagulat ako sa sinabi niya. Siya nga ang laki ng pinagbago eh! Sobrang kumurba ang katawan niya like finally a grown woman! Damn those curves! I wish I'll have them!


" Ikaw nga dyan ang lalong gumanda eh!" patuloy lang kami sa pamumuri sa isa't isa. Nakakamiss din ang isang to kahit na bumibisita naman siya sa akin noon.


" Gusto ko sana ngayong araw palang eh magbonding tayo ngayon pero i know naman na pagod ka sa byahe kaya next time nalang " tuloy parin ang daldal niya habang kumakain ng vegetable salad sa sala namin. Kakatapos lamang namin maghapunan at small celebration para sa paguwi ko. Nakakahiya nga at ang daming pinahanda nila mom at dad. Hindi naman kailangan noon.


Hindi na umuwi si Prae sa kanila at dito na nagpasyang matulog. Pinahiram ko siya ng mga damit ko dahil hindi siya nakapag prepare ng gamit niya. natatawa pa ako kase sising sisi niya na hindi niya naiisip iyon.


Pareho kaming nagrerelax sa aking kwarto at nanonood ng movie. Halos hindi ko naman maintindihan dahil panay naman ang kwentuhan namin sa mga bagay bagay ni Praepailin. 


"Grabe! No? Hindi naman pala kasali ang mga Mauricio na ambush noon at napagkaiisahan lang! Nakakabigla nga at buti naimbistigahan ng mabuti at nalinis ang pangalan nila!"


Halos magpantig ang tenga ko sa mga narinig kay Prae.


Ano daw? Nalinis ang pangalan? Pinagkaisahan?

<3

Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon