Chapter 5

34 5 0
                                    

Chapter 5

Crash.

I was on my way to our school. Iniliko ko sa kanto ang kotse dahil nandoon ang gate ng aming subdivision.



I was humming habang nag dadrive napaka sarap nga naman talaga ng ganito.



Hindi ko na kailangan pang hintayin ang driver namin para sunduin o ihatid ako sa kahit saan mang gusto kong puntahan.



Paliko na sana ako sa parking ng school ng may nasagasaan ako!



Nanlalaki ang mata ko habang nakatulala sa harap ng steering wheel hindi parin bumababa sa aking sasakyan.



Naluluha akong bumaba at nakitang isang Aso ang nasagasaan ko.



Naiiyak akong lumapit pero hindi ko ito mahawakan...



Natatakot ako.



Umuungol ito sa sakit kaya lalo akong nataranta! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naluluha akong tumingin sa paligid pero walang tao para mahingan ng tulong!



"I'm sorry, I'm sorry" umiiyak ako habang sinusubukan itong abutin.



"Anong nangyari?" Mas lalo atang tumulo ang luha ko ng makita sa harap ko si Kaiser na kakababa lang ng kotse niya.



Nakita kong naka bukas pa ang pinto ng kotse niya na parang nagmamadali siya noong lumabas siya doon.



Pinalis ko ang luha ko. "T-tulungan mo ako"



" Dalhin natin siya sa Hospital please." humikbi ako.



Tumango siya saakin at siya na mismo ang nagbuhat sa Aso papunta sa kotse niya. Nalito pa ako kung anong gagawin ko kaya pumunta na lamang ako sa kotse ko.



"Where are you going? sumakay ka sa kotse ko" Sigaw niya, nalito ako. Pero kalaunan lumapit narin sa kotse niya pagkatapos kong maayos na ipark ang kotse ko.



Gusto ko mang sumakay sa backseat ng kotse pero nandoon naman ang Aso at naka seatbelt narin iyon.



Tumingin si Kaiser sakin.



Sa passenger seat ako umupo sa tabi niya. Hindi ako makatingin sakanya at tanging sa mga daliri ko lamang ang aking atensyon.



"Anong nangyari?" nagtaas ako ng tingin sa kanya.



"Nahagip siya kanina ng kotse ko. Nabangga" tumango siya saakin.



Hindi ako mapakali at palagi akong sumusulyap sa likod kung nasaan ang aso.



"Is it bad?" tanong ko. Kaya naman tumingin din siya saakin.



"Mukhang napilayan siya. Hindi pa natin alam kong malala ba yan or what."  napabuntong hininga ako.



I feel so guilty. Dapat ay nagdahan-dahan ako sa pag mamaneho. Dapat naging mas maingat ako.



Hindi dapat mangyayari ito kung naging mas maingat ako sa bawat daa'ng dinadaanan ko.



Hindi parin ako mapakali hanggang sa dumating na kami sa pinaka malapit na Animal  clinic.



Si Kaiser ang nagdala sa loob at Ininterview siya ng Veterinarian na sumalubong saamin sa loob ng Clinic.



Naghintay lamang ako sa labas dahil sa maraming nakakulong na Aso sa daan papasok sa loob ng cubicle.



Lumunok ako at nagtakip ng tenga dahil sa natatakot ako sa kahol ng aso. Nakaupo ako ngayon sa Couch dito sa loob ng clinic.



Nakita kong lumabas si Kaiser sa loob ng cubicle agad niya akong nahanap. Umayos ako ng upo sa couch ng lumapit siya saakin.



" A-anong sabi?"



"Hindi naman daw malala ang naging pilay ng Aso pero yun nga lang kailangan niya muna mag stay dito para mamonitor siya"



tumango ako sakanya.



Umupo siya sa tabi ko. Umayos naman ako ng upo. Sobrang laki niya kumpara sa sofa. Parang halos lahat ng makikita kong idikit sakanya ay biglang lumiliit kapag itinatabi sakanya.



Nawala ang iniisip ko ng may pumasok na Aso sa entrance ng clinic halos mapatalon ako ng kumahol ito at nakatingin saakin.



Kumapit ako sa braso ni Kaiser at nagtakip ng tenga. Nanginginig ako!



Halos nakayakap na ako kay Kaiser na nasa tabi ko lang.  Nakita kong inalo ng Amo niya iyong Aso at agad naman itong tumigil sa pagkahol.



Huminga ako ng malalim at tinanggal na ang nakakayakap kong braso kay Kaiser agad naman akong nahiya nang makita ko ang nakanguso niyang labi saakin para bang natutuwa siya sa nangyayari!



So annoying!



"Takot ka sa aso?" tanong niya. 'Di pa ba obvious? Tumango parin ako sakanya.



"Takot ka pero yong asong nasa loob sinagasaan mo"  sabi niya.



Agad naman akong nalungkot. Nakakapang guilty talaga!



"I'm sorry na. Kasalanan ko, hindi ako nagiingat." Sabi ko. At nakita kong nagiwas siya ng tingin at para bang may iniisip na malalim.



"Ayaw mo siyang hawakan kanina noong naabutan ko kayo. Ayaw mo ba sa Aso?"



Matagal ako bago naka sagot kaya naman umiling siya saakin parang sumusuko na sa pagtatanong sakin. Kaya naman sumagot na ako.



"Oo. I hate them!" naiiyak ako habang sinasabi ko iyon.



" Why? They're adorable" umirap siya saakin.


Napakasungit ng lalaking to!



Nakakainis!



" I just don't like them. Period!" pinal kong sinabi. May lumandas na luha sa pisngi ko.



"You know, you don't just hate someone for no reason. So i know may reason kong bakit ayaw mo sa mga Aso."



Nagulat ako ng punasan niya ang luha sa mata ko gamit ang white hankie niya.



Agad akong lumayo sakanya at ako na mismo ang nagpunas ng luha ko.



Umirap siya lalo saakin at ibinigay saakin ang hankies na nasa kamay niya. Naamoy ko ang mabangong amoy sa Panyo niya kaya ipinunas ko na lang rin iyon sa luha sa pisngi ko.



"Fine, i hate them because they're always barking. Tsaka noong bata ako kinagat ako ng aso kaya natrauma ako pagdating sakanila." tumango tango siya saakin.



" Ok. That explains it. Pero pwede mo naman silang pa amuhin." kinuha niya ang panyo niya sa aking kamay.



" Wait! May luha ko na yan. Lalabahan ko muna." sabi ko pero nilagay na niya iyon sa bulsa ng pants niya kaya hindi ko na nakuha.



"Huwag na"  sabi niya. Umiiwas ng tingin.



"Anong huwag na. Kai! akina! " naglahad ako ng kamay sa kanya.



" Huwag na Remembrance ko na yon" ngumisi siya saakin.



Wait what?






Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon