Chapter 10

30 3 0
                                    

Chapter 10.

Dinner.

"Let's talk." Hindi ko alam kung bakit ako kinakausap ngayon ni Aldrin. Basta ang alam ko may sasabihin daw siya saking importateng bagay.


" Aldrin ano ang sasabihin mo?"


nakatayo ako sa kanyang harapan. Nandito kami ngayon sa basketball gym walang tao at kaming dalawa lang ang nandito.


Lumingon siya saakin. Binitawan niya ang water jog na hawak niya kanina at inilapag ito sa sahig.


"You're seeing that Mauricio." tila hindi ko siya nakilala sa itsura nito. Para siyang nagpipigil ng galit. Punong puno ng galit.


Galit... Galit siya kay kaiser? At bakit? Dahil sa madalas kaming nakikitang magkasama? At ano naman ang ikinagagalit niya? Hindi bat' hindi naman niya ako gusto?


" Kaibigan ko si Kaiser" Halos kilabutan din ako sa sinabi ko.


Naalala ang mga nangyare kahapon. Hindi ko alam kong kaibigan ba ang tawag doon halos uminit ang pisngi kung hindi lang ako nasa ganitong sitwasyon na kausap si Aldrin.


"May kaibigan bang naghahalikan?" nakataaas na ang kilay niya at tila lalong nagalit sa sariling sinabi.


Nakita niya kami?


Lumapit si Aldrin saakin.


Humakbang ako palayo sakanya. Ano bang nangyayare kay Aldrin? Alam kong ayaw niya sakin. Pero bakit ganito ang trato niya sakin?


Parang diring-diri siya sa pagkatao ko. Kitang kita ko iyon sa sa mukha niya! Ni wala naman akong natatandaang masamang nagawa sakanya noon!

" At sa public pa talaga kayo naghahalikan? Didn't know you're that cheap? Halos itulak mo na ang sarili mo sakin noon at ngayon nagpapagamit ka naman sa kaaway."


  Marahas na niya akong hawak sa aking braso ngayon.


"A-ano ba Aldrin b-bitawan mo ko!"  tumutulo ang luha ko habang nagpupumiglas sakanya.


I know halos itulak ko na nga ang sarili ko sakanya noon! Minahal ko siya! Pero hindi ako papayag na tratuhin niya ako ng ganito at lalo na si kaiser.


"What are you saying? Wag mong idamay si Kaiser dito Aldrin!" Pilit kung inaalis ang mahigpit na hawak niya sa braso ko. Ngunit malakas siya.


"At ano naman sayo kung makita mo akong kasama siya at kahilikan siya? Wala ka namang pakealam doon Aldrin and as far as i know wala ka namang pake sakin diba?"


"That mother fvcker is just using--"


Hindi na natapos ni Aldrin ang sasabihin niya ng agad na siyang ambahan ng suntok sa pisngi ni Kaiser agad naman na humilata sa sahig si Aldrin.


tumayo si Aldrin  hawak ang labi'ng may dugo dahil sa suntok ni Kaiser. umamba di'ng susuntok si Aldrin at natamaan niya si kaiser sa pisngi.


Sinipa ni kaiser sa sikmura si Aldrin na siya nanaman nitong ikinatumba sa sahig.



" Tama na kaiser!" niyakap ko si Kaiser sa kanyang bewang upang mapigilan siya sa pagsugod muli kay Aldrin. 


Agad naman itong pumirmi at kumalma bago humarap saakin.


"Are you okay?"


Somebody To Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon